Chapter 73

2535 Words

"WHAT are you doing?" Napahinto si Victoria mula sa pagliligpit ng pinagkainan nang mapatigil siya ng marinig niya ang boses na iyon ni Francis. Nag-angat naman siya ng tingin. At hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha nang mapansin niyang nakatingin ang pamilya ni Francis sa kanya, pansin niya ang pagtataka na bumalatay sa mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanya. Tumikhim naman siya. "N-nagliligpit?" halos patanong na sagot niya dito. Nasanay kasi si Victoria na kapag tapos na silang kumain ay tumutulong siya sa pagligpit ng pinagkainan nila. Kaya noong magyaya na si Tita Dana na doon sila sa living room ay tumayo na din siya. At sa halip na sumunod sa mga ito na lumabas ay nililigpit niya ang pinagkainan nila. "Iwan mo na diyan, Victoria. May magliligpit na diyan,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD