Chapter 11
HARMONY IN CHAOS
Ang daming dumalo sa local art exhibition na ginawa sa art gallery ni Ma'am Naomi. My two paintings were unexpectedly bought by an art collector. Sa araw lang na ito, nakakaramdam ako na unti-unti na akong bumabalik, I can finally feel the fire burning within me.
Ang gaan sa loob na finally, may mga taong tumanggap at nagustuhan ang mga obra ko. Ngunit kahit na ganoon ay parang may kulang... yung taong hinihintay ko, 'di pa sumisipot. Nanggaling na dito si Lily and show her support, umalis nga lang ng maaga dahil may aasikasuhin pa.
"Harmony, may gustong bumati sayo." Ani ni Ma'am Naomi. Nakikipag-usap ako kasama ang iba pang mga artist.
I faced Ma'am Naomi. "Sino po?"
Tinuro niya ang isang lalaki na nakatayo sa 'di kalayuan at nakatalikod sa amin, naka casual attire lang siya. "Ayun, lapitan mo na."
I felt my hearts beats fast. Nakarating siya, ngunit nang nakalapit na ako at lumingon siya sa gawi ko ay biglang nawala ang ngiti ko.
Inabot niya sa akin ang bouquet of flowers, tinanggap ko naman ito. "Congratulations!"
Pilit akong ngumiti, trying to hide the disappointment but it didn't work. He noticed my forced smile and the subtle disappointment in my eyes. "You don't look happy to see me, may hinihintay ka bang iba?"
I sighed, trying to compose myself. "Sorry, Jake. It's been a long day, and I guess I'm just a bit tired."
Concern flickered across his face. "Is everything okay? You know you can talk to me about anything. And I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita ulit, nasa US ako for work related."
I nodded, appreciating his concern. "Yeah, everything's fine and it's okay, I understand."
"May I see your painting?"
"Sure." Nginitian ko siya. Nauna siyang lumakad at bago ko siya sundan ay sumulyap akong muli sa entrance ng art gallery and no trace of Liam. Siguro hindi siya pinayagan ng manager niya.
"This is perfect, Hanny!" Nagulat ako sa pag-akbay niya. I know maybe it's a bit disrespectful ngunit tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. He's flusttered but stayed silent.
"T-thank you. Sorry, Jake... but can I go to the restroom?"
"Sure, I'll wait for you." His genuine smile was shown, na-gi-guilty ako sa nangyayari.
"H-huwag na... may dapat pa kasi kaming pag-usapan ni Ma'am Naomi baka matagalan." pagsisinungaling ko.
"You can be honest with me, Harmony." Lumakas ang t***k ng puso ko. His face is serious. "I can feel that you're hiding something but I won't force you to spill it immediately." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito then his lips were in my forehead. "I want you to know how much you mean to me. I have something to ask you over dinner tomorrow night, I hope you can come. I'll text you the details"
Muli niya akong hinalikan sa noo at umalis na, and a tear drop on my cheeks.
"Okay ka lang?" Tinapik ako sa balikat ni Ma'am Naomi. I wiped my tears and faced her.
"Nahihirapan ako sa sitwasyon, Ma'am Naomi. Yung feeling na kapag pipili ako ng isa, mawawala yung isa."
"Alam ko, Harmony," sagot ni Ma'am Naomi nang may pagmamalasakit sa kanyang boses. "Minsan talaga sa buhay, kailangan nating harapin ang mga sitwasyon na mahirap."
Napahinga ako, nagpapasalamat na mayroon taong mapagkakatiwalaan tulad ni Ma'am Naomi. "Ang hirap po kasi, Ma'am. Pareho po silang malapit sa akin, ayoko pong masaktan ang isa sa kanila. Bakit napunta pa ako sa sitwasyon na kailangan kong mamili?"
Ngumiti siya ng bahagya, "Ang puso mo ang magtuturo sa iyo kung sino ang dapat mong piliin, Harmony. Hindi madali ang mga desisyon na ganyan, pero kailangan mong makinig sa sarili mo. You need to choose where your heart feels happy."
"Tama po kayo, Ma'am," sagot ko, binabalik-tanaw ko ang aking nararamdaman. "Iniisip ko rin ang mga consequences ng aking mga desisyon."
"Nararamdaman ko ang pag-aalinlangan mo, pero tandaan mo na hindi ka nag-iisa sa laban na ito," sabi ni Ma'am Naomi nang may pag-asa sa kanyang boses. "Minsan, kailangan nating dumaan sa mga pagsubok para malaman natin kung ano ang tunay na mahalaga sa atin."
Habang pinapakinggan si Ma'am Naomi, naramdaman ko ang pag-asa at lakas ng loob na lumalabas sa mga sinasabi niya. "Salamat po, Ma'am. Napakaimportante po ng mga payo ninyo."
"Huwag kang mag-alala, Harmony," sabay hawak ni Ma'am Naomi sa aking balikat. "Mahahanap mo rin ang tamang sagot sa mga tanong mo. Maaari man itong magtagal, tiwala lang sa proseso."
***
Pabagsak akong naupo sa sofa pagkarating sa unit ko. Hindi talaga nakapunta si Liam and I understand him, life of an idol is hard. Habang nakatingin ako sa kawalan, narinig ko ang notification sa cellphone ko. I saw a notification from IG that Eclipse has posted something, simula nung nalaman kong si Eclipse at Liam ay iisa, I followed Eclipse's official IG account at iba pa niyang socmed.
I opened the app and saw Eclipse post, it has five photos. The first slide was a quote that says 'Like the phases of the moon, life waxes and wanes, but each phase holds its own beauty and lessons.' The second and third photos was a photo of him, of course he is wearing a mask to hide his face. Naka sandal siya sa inuupuan niya sa dalawang picture at kahit naka black and white yung color ng picture ay alam ko kung saan niya 'yon kinunan.
The fourth photo was the bright moon in the sky, at ang panghuli ay ang painting ko. Natakip ko ang aking bibig, tears were rolling down my face. He was there! Kinuha ko ang aking cardigan at nagmadaling lumabas ng condo, tumakbo ako papunta sa patio.
Nang makarating ako doon ay tanging maskara niya na lang ang naiwan sa upuan. Humakbang ako palapit at umupo sa kabilang side, kinuha ko ang maskara niya, wala paring tigil ang luha ko. Na-o-overwhelm ako sa nagyayari—the realization that Liam had been there, the confusion about my feelings for the both of them, and the weight of the decision I had to make.
"H-harmony..."
Liam's voice broke through my thoughts, and I looked up to see him standing there, his expression a mix of concern and longing.
"Bakit hindi mo sinabi na nandoon ka?" My voice trembled with emotion as I wiped away my tears.
Umupo siya sa tabi ko at dahan-dahang kinuha ang mga kamay ko. "I saw Jake with you, and I didn't want to intrude. I thought it was best to give you space."
I nodded, understanding his perspective but still feeling a whirlwind of emotions inside. "I don't know what to do, Liam. Everything is so confusing right now."
Liam took a deep breath, his gaze steady on me. "Naiintindihan ko, at mas lalo kitang iintindihin kung ang dahilan kung bakit ka nahihirapan ng ganito ay dahil sa pagiging artist ko... Ang epektong dala ng pagiging idol ko."
Napayuko ako, feeling a mix of guilt and confusion. "Liam, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat ng ito. Ang hirap balansehin ng nararamdaman ko para sa'yo at kay Jake. You know, Jake has been there for me for quite some time, he's been a good friend too, he gives me comfort and authenticity."
Hinawakan niya ang aking kamay nang mas mahigpit, tila nagmamakaawa. "Harmony, hindi kita pipilitin na pumili ngayon. Pero gusto ko lang malaman mo na mahalaga ka sa akin. More than just a friend. More than anything."
Tumingin ako sa kanya, and I could see the sincerity in his eyes. "Liam, natatakot ako. Natatakot akong masaktan ka, o masaktan si Jake. Natatakot akong masaktan ako."
"Alam ko, but hurt is part of life," Liam began softly, his voice carrying the weight of his own experiences. "But it's also what makes us stronger. Every pain, every disappointment—it shapes who we are and prepares us for what's truly meant for us." His voice broke. "Harmony, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Hindi mo ba nararamdaman 'to? Itong connection na 'to?"
Huminga ako nang malalim, and nodded slowly. "Nararamdaman ko. Pero paano si Jake?"
Liam's expression softened with understanding. "That's something you'll have to figure out, Harmony. But remember, you deserve to be happy. You deserve to follow your heart." May inabot siyang concert ticket, at mas bumigat ang nararamdaman ko dahil ang schedule ng concert niya ay kaparehong oras ng dinner namin ni Jake.