Maaga akong umuwi galing sa school dahil marami pa akong labahin na naka-pending sa laundry area namin.
Dahil wala namang magawa si Nougat sa bahay nila,naisipan nitong sumama sa bahay ko.
Pag pasok pa lang nito feel na feel at home na kaagad siya at bawat anggulo ng bahay namin ay talagang binubusisi nito ng mabuti. Daig pa nga nito ang imbestigador sa ginagawa niya.
Ako naman ay hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya dahil sa labahin naka-focus ang attensyon ko. Kinakailangan kasi na bago dumating si unggoy ay tapos na ako. Para maaga kaming makapaghapunan at maaga na itong makapag-aral.
Napapansin ko kasing palagi na lang itong puyat dahil pinagsasabay ang part time job nito sa restaurant ng tito niya at ang pag-aaral.
Pakiramdam ko tuloy parang may malaking utang ito na dapat bayaran sa sobrang sipag niya kumayod.
"Grave naman,ang linis bff ha,"komento ni Nougat at naupo sa sofa na tila napagod sa ginawa niyang paglilibot. Nginitian ko lang ito at hindi na umimik pa.
Malamang!Kinakailangan naman talagang malinis palagi ang bahay namin dahil magkakasakit ang unggoy ko kapag madumi.
"By the way,anong oras kaya ang uwi ng gwapong nilalang na nakatira dito?,"tila na eexcite niyang tanong .
"Mamaya pa iyon at baka nga hindi mo na maabutan,"nang-aasar kung sagot sa kanya.
"Ganoon ba?,"na dissappoint na tanong nito at tinawanan ko na lang iyon.
"Bakit ba kasi gabi na siya umuuwi?"curious niyang tanong.
"Syempre,nagtatrabaho iyon sa restaurant ng tito niya.Alam mo naman,kailangan naming magbanat ng buto para mabuhay. "Kwento ko sa kanya. "At sigurado akong puno na naman ang restaurant ngayon ng mga kolehiyala." At ewan ko ba at bigla na lang akong napasimangot.
"Ayie!Selos siya,"nang-aasar niyang sabi.Hindi ko namalayan na kampante na pala itong naka-upo sa plastic na silya habang tinitingnan akong naglalaba.
"Hindi ah,ang akin lang naman ay dapat pagnag-aaral ka sa pag-aaral mo lang ikaw dapat magfocus."Sagot ko sa kanya.
"Eh bakit ka naman namumula?"
Gulat na napahawak ako sa aking mukha na hindi ko namanlayan na basa pala ito at may mga bula pa ng sabon. After niyan,naririnig ko na ang malulutong halakhak ni Bakla na tila tuwang tuwa sa panglilinlang na ginawa niya.Nakakabwesit naman!
Sinabuyan ko ito ng tubig sa inis ko at pinipilit naman niyang hinaharang.
"Umamin kana kasi,basang- basa na kita eh,"anito.
Medyo natigilan naman ako sa sinabi niya ngunit hindi ko lang iyon pinahahalata.Kaya niliko ko na lang ang usapan.
"Umuwi ka na lang kaya at tulungan ang mommy mo sa gawaing bahay."Utos ko sa kanya.
"Ano iyon?Aagawan ko pa ng trabaho ang mga maids namin?,"lokong sagot niya.
Nakalimutan ko palang mayaman sila.Hindi naman kasi halata na mayaman siya dahil simple lang itong klase na bakla.Hindi ito mahilig sa mga branded na gamit at hindi rin ito maarte sa kahit anong lugar.
After 30 minutes......na pangungulit sa akin ni Nougat ay sa wakas naisip na rin nitong umuwi.Dahil tapos na rin akong magsaing at mag set ng table para sa hapunan namin ay napagpasyahan kung hintayin na ito sa labas ng gate namin.
Naka-upo lang ako sa isang bench sa labas ng bahay namin ng mapadaan si Aling Magda.Ang nanay ng pinagtututoran kung si Tristan na nasa Grade 3 pa lang. Binati ko ito at ganon din naman siya.
"Ang asawa mo naman ang hinihintay mo ano?,"tudyong tanong nito na medyo namula ako sa narinig.
"Aling Magda naman eh,"nahihiya kung sabi sa kanya. "Hindi ko nga po siya asawa, parang magkapatid lang po talaga kami."
"Naku,ewan ko sa inyo.Pasasaan ba at diyan din naman ang punta nyo," makahulugan nitong sabi saka ngumiti at lumakad na rin pauwi sa bahay nila.
Ako naman ay naiwang nag-iisip sa mga pinag-iisip ng mga tao sa aming dalawa. Lagi kasi nilang pinagpipilitan na parang mag-asawa kami.
Paano kaya nila nasabi iyon?
Natigil lang ang pag-iisip ko nang makita ko na siyang papalapit.Gwapo pa rin ito kahit mukhang pagod na .
Parang may kung anong magic na nagka-energy ako ng makita ko siyang papalapit na. Para kasing sobra ko siyang na miss na parang ilang taon din kaming hindi nagkita.
Dahil sa hindi ko maintindihang bugso ng damdamin ko at sa likot ng imagination ko ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"Miss me that much?," tanong nito sa malambing na tono saka tumawa ng pagak.
Isang tango naman ang sagot ko doon at saka ko siya binitiwan. Ngumiti na tila nagpapa-cute ngunit isang batok sa ulo ang nakuha kung premyo mula sa kanya.
"Ouch,"mahinang ungol ko at tiningnan siya ng masama. "Bakit naman ba?,"ingos ko pa.
"Naka-drugs ka ba or nilalagnat?,"nag-aalalang tanong niya habang sinusuri ang pagmumukha ko.
Nagpupumiglas ako kaya binitawan niya rin ako.
"Sira! Bakit bawal na bang ma miss ka?,"parang nagtatampo kung tanong.
"Sira ka rin! Teka nga,sino pala iyong kasama mong lalake sa picture?"Tanong nito na tila magagalit.
"Si Nougat po iyon,bago kung friend.Hindi naman lalake iyon.Mukhang lalake lang pero pusong babae naman.Hayaan mo next time ipakilala kita." Paliwanag ko sa kanya at mukhang nakampanti naman ito.
"Eh,di mabuti may kaibigan ka na.Magpakabait ka doon." Nang-aasar naman niyang sabi. "Ay sandali,may nakalimutan pala akong bilhin."
Napahinto rin ako sa paglalakad at tinanong ko siya kung ano iyong nakalimutan niya.
Nakalimutan lang pala nitong bumili ng isang tray ng itlog at tinapay.Kaya naglakad muna kami papunta sa pinakamalapit na grocery store.Pagkatapos niyan ay dumeritso na kami pauwi.
Dahil medyo malamig ang panahon at nilalamig ako ay kumapit ako sa braso niya habang naglalakad kami.
"Unggoy?Three years from now,ganito pa rin ba kaya tayo?"Seryosong tanong ko sa kanya pero medyo natawa ito.
"Ikaw ba iyan basha?,"nang-aasar na naman niyang sagot.
"Baliw!Sersoyo ako,"mahinahon kung sabi sa kanya at nagseryoso na nga ito.
"Oo naman,hanggang kaya pa nating tiisin ang pagmumukha ng isa't isa.Hinding hindi tayo maghihiwalay."
"Parang mag-asawa?,"random kung naibulalas. "I mean parang mag-asawang nangako ng in sickness and in health , until death do us part. "
"Hmmm,medyo magkalapit na doon.Bakit mag-aasawa ka na ba?,"beastmode na naman niyang tanong.
"Bakit may,aasawahin na ba ako?" Natatawang tanong ko sa kanya ngunit ikinatahimik naman niya.
Kapwa kami napahinto sa paglalakad.Tiningnan ko siya na nakangiti ngunit seryoso pa rin ang mukha niya.Naramdaman kung huminga ito ng malalim saka naglakad ulit.
This time,hindi na kami magkadikit habang lumalakad.Parang bigla na lang nagkaroon ng ganoong gap.
"Siopao?"
Tawag niya sa akin pero hindi ako umimik .Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niya pang sasabihin.
"Balang araw kung mag-aasawa ka man,gusto ko katulad siya ng daddy mo or ng daddy ko.?"Makahulugang sabi niya at ngumiti.
"Then...can i marry you?" Seryoso kung tanong sa kanya.
?
?
?
? Did i just propose a random wedding proposal?Paulit-ulit na tanong ko sa isip ko.
Nagkatinginan pa rin kami habang mas lalong humahaba ang oras ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
"Can you?,"pabalik na tanong din niya at mukhang seryoso din ito sa binitawang tanong.