"Can you?,"pabalik na tanong din niya at mukhang seryoso din ito sa binitawang tanong.
Para akong napako sa kinatatayuan ko sa tanong na iyon.Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay kung bakit lahat ng tanong ko para sa kanya ay ibinabalik din niya.
"Oo," mabilis na sagot ko ngunit tanging sa isip ko lang iyon.Gusto ko man iyong ipagsigawan iyon sa kanya ngayon pero huwag muna.Hindi pa ito ang tamang panahon.
Humalakhak ako ng pilit para itago ang kabang naramdaman ko at para na rin basagin ang awkward moments na namamagitan sa aming dalawa.
"Bakit?Para naman tayong mag-asawa diba?,"biro ko sa kanya at tumawa naman ito.
"Stupid!,"tanging nasabi na lang niya at tuluyan na kaming pumasok sa munti naming bahay.
Pagpasok namin,inilabas agad niya ang dala niyang tupperware at nilagay iyon sa luma naming microwave oven para initin.
Nauna na akong umupo sa silya habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa.Aliw na aliw naman akong pinagmamasdan siya.
"Bakit na naman,?kunot noong tanong nito nang mahuli akong nakangiti habang pinagmamasdan siya.
"Wala lang,bakit masama bang tingnan ka?,"sarcastic kung tanong.
"Oo,bawal nga at alam mo kung bakit?,"nanunudyong tanong niya at nilapag na nito ang ulam na dala niya.
"Hindi ako interesado,"biro ko sa kanya at pilit siyang iniignora.Tiningnan naman niya ako ng masama na tila naapakan ang ego niya at tinawanan ko lang iyon.
Naghuhugas na kami ng pinagkainan namin ng may biglang kumatok sa pinto at nagkatinginan naman kami.
"Sino kaya iyon?,"magkasabay naming tanong sa isa't isa.
Dahan-dahan siyang lumapit sa may pintuan at aakma sana akong susunod sa kanya ngunit sinenyasan niya akong hindi aalis sa kinatatayuan ko.Sinunod ko naman siya.
Pagbukas nito,isang lalakeng puro pasa at umiiyak ang tumambad sa kanya.Nagulat ito noong una at napa-atras .
Dahil hindi rin ako mapakali ay pinuntahan ko na ito.
"Bff!,"gulat na bulalas ko. "A-anong nangyari sayo?,"nag-aalala kung tanong.Pinapasok ko ito at pina-upo sa sofa namin.
May maraming pasa ito sa katawan na parang binugbog talaga ng mabuti.
"Ano ba nangyari sayo?Sinong may gawa sayo nito?,"tanong ko ulit sa kanya.Si Ezekiel naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin at bakas din sa mukha nito ang pag-alala.
"Binugbog ako ni Daddy.Nalaman na niya kasing bakla talaga ako at hindi niya iyon matanggap.Binugbog niya ako at pinalayas sa amin.Sabi pa niya,huwag na huwag na daw akong babalik doon.Dahil oras na gawin ko iyon,papatayin niya raw ako,"pagkukwento nito na hindi pa rin humihinto sa pag-iyak.
Niyakap ko siya at inalo.
"Okey lang iyan,sige na tama na ang pag-iyak."Malumanay kung sabi.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Bff.Wala na talaga kasi akong ibang taong pwedeng matakbuhan.Sa totoo kasi,ikaw lang naman ang tanging totoong kaibigan mayroon ako.Iyong iba kasi,kinakaibigan lang ako dahil may kailangan sila sa akin."Hagulhol pa nito.
"Ano ka ba,ang importante.Binuhay ka pa ng tatay mo,"biro ko sa kanya para mapagaan naman kahit kunti ang bigat na nararamdaman niya. "Pwede ka namang mag stay dito."
"Talaga?,"panigurong tanong nito. "Hindi ba nakakahiya sa asawa mo,este sa gwapong nilalang na nandito?''
"Okey naman sa akin,"bukal sa loob na sabat ni Ezekiel at iniabot sa akin ang first aid kit.
Natuwa naman ako sa narinig mula sa kanya.After all likas naman talagang may mabuting puso si Ezekiel.
"Thank you bff ha, at sa iyo din gwapong nilalang,"sincere na sabi ni Nougat sa aming dalawa.
"Haizz,sige na at umayos kana diyan at gagamutin ko na iyang sugat mo,"nakangiti kung utos sa kanya.
"Bff?,"pabulong na tawag nito na sadyang hininaan talaga niya ang boses niya.
"Bakit?,"sagot ko naman sa kanya habang nilalagyan na ng band aid ang mga gasgas na natamo nito.
"Gwapo nga,"kinikilig na sambit nito.Isang mahinang batok naman ang binigay kung sagot kanya.
"Bakit,"nagtatakang tanong nito.
"His mine,kaya huwag na huwag mo iyang papaki-alaman ha,"banta ko sa kanya.
"Akala ko ba,wala kang gusto doon?,"naguguluhang tanong niya. "Huwag kang mag-alala,hindi ko naman aagawin sayo iyan."
"Good,"mataray kung sabi at nagtawanan kaming dalawa.
After kung gamutin si Nougat lumapit naman ako kay Unggoy para itanong sa kanya kung saan namin pwedeng patulugin si Nougat.
Nag-suggest akong doon ito patulugin sa kawarto niya kasama niya dahil pareho silang lalake pero tumanggi ito kaya ang ending sa kwarto ko si Nougat natulog.
Sa sahig natulog si Nougat ako naman ang sa kama.Malamang,nakikitulog lang kaya siya.
Pagpasok ko naman ay nadatnan ko nang mahimbing ng natutulog si Nougat na parang walang may nangyari sa kanya.Pero mas mabuti nga iyon.
Matutulog na sana ako ng madinig ko ang malakas na hilik ni Bff kaya napabalikwas ako ng bangon.Kumuha ako ng unan at nilagay iyon sa taenga ko ngunit wala pa ring effect.
Kaya bumangon na lang ulit ako.Bitbit ang unan at kumot ay tinungo ko ang kwarto ni Niel.
Tama kayo! Tama ang iniisip nyo! ^_^
Doon ako matutulog sa kanya..... :)
Binuksan ko ang kwarto nito at tumabi sa kanya sa pagtulog.As usual,hindi naman nakapatay ang ilaw sa kwarto niya.Hindi kasi siya makatulog pag-hindi nakabukas ang ilaw.
"Bakit,"tanong nito ng maramdaman ang presensya ko.
"Makikitulog po muna ako,"inaantok kung sabi.
Pumihit ito paharap sa akin.Pasalamat na lang ako dahil malalam lang ang sinag ng ilaw ng kwarto kaya hindi ako masisilawan.
"Hindi ako makatulog sa hilik ni Nougat kaya dito muna ako,"paliwanag ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Sanay naman akong katabi siyang matulog dahil ilang bese din naman kaming magkatabing natulog na dalawa kaya para akin wala naman iyong malisya.
Kapag umuulan at lalo na kapag may kidlat ay nagpapasama din ako sa kanya sa pagtulog. Takot kasi ako sa ganon.
Nararamdaman kung pinipisil nito ang ilong ko pero nanatili pa rin akong nakapikit.
"What,"inaantok kung tanong para na rin matigil na siya sa ginagawa niya.
"How's school?"
Napamulat naman ako sa tanong niya.Kanina pa kami magkasama ngayon niya lang naisipan itanong sa akin iyon.
"Okey naman,parang hindi naman gaano ka hirap ang subject nilang math?,sarcastic kung tanong sa kanya.
Isang mahinang pitik sa noo ang ginawa nito sa akin.Hindi na ako umimik pa bagkus natulog akong may ngiti sa aking mga labi.Sino ba naman kasi ang hindi.
"After having a long day, a good night sleep with someone you treasured most is still the best pamper"