Natapos na rin iyong contract ni Unggoy doon sa Malaysia at magkasama naman silang umuwing tatlo. Naging partner din silang tatlo sa maliit na kompanyang pinatayo nila. Dahil pareho silang mahusay sa larangan na iyon ay napalago naman nila. Sa dalawang taon na nawala siya marami naman siyang ipinagbago sa sarili niya.Mas lalo itong naging mature sa pag-iisip at naging gwapo pa.Iyon nga lang mas lalong naging mainitin ang ulo paminsan-minsan,pero carry lang naman. :) Kami namang tatlo ay naging magkasosyo rin sa pangarap na pinaghirapan naming mabuo.Naitayo na rin namin sa wakas ang cake shop na dugo at pawis naming tatlo ang naging puhunan. Kahit papaano rin naman ay pwede rin naman siyang matawag na successful. ;) Katunayan nga diyan ay isa rin sa mga customer namin ay ang Tito ni u

