Levy's POV Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas simula ng grumaduate si unggoy at naging busy na ito kaagad sa pag-process ng mga papeles niya papuntang Malaysia. Sa awa naman ng Diyos ay wala naman siyang masyadong naging problema. Siya na ang super blessed! Nakakuha na rin ito ng ticket at si Tito ang nagpumilit na magbayad. At sa susunod na araw ay lalarga na silang tatlo.Kahit hindi ko man maatim na kausapin si Tony ay napalunok na lang ako ng pride bigla.Pinaki-usapan ko kasi ito na siya na ang bahala kay unggoy pagnandoon sila. Sinabihan ko rin ito na bawal na bawal ito sa mga alikabok na lugar.Kaya kung mapapansin niyang hindi masyadong tumutulong si unggoy sa linis-linis na iyan ay intindihin niya na lang.Dahil sa bahay hindi ko iyan pinapalinis. Medyo nasindak naman ng ko

