Lagpas tanghali na nang magising ako. Madaling araw na rin kaming nakauwi galing sa anniversary party ng hotel ni Daddy. Linggo naman at walang pasok kaya nagpakasasa ako ng tulog. Mag-uumaga na rin bago ako dinalaw ng antok. Nakipaglandian pa kasi ako kay Adam. Pero Napailing-iling ako sa kapilyuhang pinagagagawa niya habang nagvivideo call kaming dal'wa. Nung una ay naiilang pa ako dahil kakaayos lang namin pero kalaunan ay parang wala ng nangyaring kadramahan. Napangiti naman ako nang maalala ang nangyari kagabi sa rooftop. Nun ko napatunayan na mahal ko nga talaga siya sa kabila nang lahat ng nangyari. May mali rin ako dahil hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya. Mas pinili kong pakinggan ang sinasabi ng ibang tao kaya nilamon ng negatibong bagay ang utak ko. Saktong paglabas ko ga

