Excited akong pumasok kaya maaga akong umalis ng bahay. Hindi nga ako nagbreakfast dahil may usapan kami ni Adam na kakain sa labas. Ililibre raw niya ako dahil katatanggap niya lang ng sweldo niya. Malaki raw kasi ang pasasalamat niya sa 'kin dahil nakapagtrabaho na siya ng maayos at desente na maari niya raw ipagmalaki sa ibang tao. Hindi na nawala ang ngiti ko hanggang sa magkita kami sa isang fast food restaurant malapit sa university. Parang sasabog ang puso ko lalo na nang magkaharap kami sa malapitan. Pakiramdam ko para akong kilig na kilig dahil sa unang beses, pinansin ako ni crush. Ako ang unang bumati. "Hi!" Hindi siya gumanti bagkus tinitigan lang ako ng mataman. Sa paraan ng pagtitig niya ay para akong matutunaw. Kaya tinawag ko ang pangalan niya. Dun na siya parang nakabaw

