"Luke." Mahinang pagtawag ni Adam sa akin. Mahina iyon at bakas ang galit pero rinig na rinig. Mabilis kong binalanse ang katawan at agad na lumayo kay Levi. Inayos ko agad ang damit kong umalsa. Lumapit naman sa akin si Adam at hinila ako papalapit sa kanya. Halatang galit nga ito sa higpit ng pagkakahawak sa akin. "Bakit mo hinahawakan si Luke? Anong kailangan mo sa kanya?" Maangas na tanong niya kay Levi. Napa "tss" naman ang huli. "Bakit, bawal ba siyang hawakan?" Naghahamong tugon ni Levi. Maagap na hinawakan ko ang braso ni Adam dahil parang susugurin na niya ito. "Eh gago ka pala eh! Jowa ko si Luke kaya wala kang karapatang hawakan siya!" Napangisi lang si Levi at napailing-iling. Naramdaman kong nanigas si Adam at napakuyom ng kamay kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kany

