“Black? Are you okay?” Humahangos na tumakbo si Melanie mula sa pintuan ng kwarto ko nang makitang nakasalampak ako sa sahig. Inalalayan niya akong tumayo at marahang inupo sa paanan ng kama. “Black, magsalita ka please.” “Mela,” mahinang tawag ko sa pangalan niya at inilapag sa aking tabi ang hawak kong telepono. Nang magtama ang aming paningin ay doon nagsimulang dumaloy ang luha mula sa aking mga mata. “Akala ko ba wala nang kopya ng footage na ‘to? I thought the agency got rid of it?” “Oo, iyon din ang alam ko. I’ll talk to Arcell about this sa office mamaya.” Tuluyan siyang umupo sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok. “I’m sorry, Black. This is all because I’m so incompetent. Manager mo ‘ko pero hindi ko mapigil ‘tong mga nangyayari sa’yo.” Umiling ako sabay punas ng aking mga

