Walang imik na nag lakad si King pagkalabas namin sa elevator at nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa harap katabi ng driver set at nakakatakot ang mukha niya na parang mangangain ng buhay na tao kaya hindi nalang ako kumibo.
Nang napaandar niya na ang makina ay napansin kong hindi agad niya pinatakbo ang sasakyan at may tinitingnan siya mula sa elevator kong saan kami lumabas kanina kaya napatingin din ako doon at nakita kong lumabas din doon yung dalawang taong kinangitngitan niya kanina at magkahawak pa ang kamay ng mga ito.
Nang walang anu ano ay bigla nalang niyang pinaharorot ang kotse niya at dahil madadaanan namin ang dalawang taong naglalakad ay napasigaw ako dahil muntik lang naman niya itong mabangga!
"Hoy Mr. Crisostomo anu bang plano mo? magpapakamatay, o papatay ng tao?" pasigaw kong sambit dahil sa kaba at pagkagulat sa ginawa niya.
Ngunit ni di man lang siya nag abalang sagutin ako sa halip ay nakangisi lang siyang tumingin sa side mirror ng nakita niyang nadapa at pumagilid ang dalawang taong muntik na niyang mabangga!!
" Buti nga sa inyo! yan ang nararapat sa mga tulad 'nyong ahas!" salita niyang mag isa.
Hindi ako nakatiis kaya nagsalita na rin ako!
" Ganyan ba talaga ka sama ang ugali mo at magagawa mong manakit ng tao pag galit ka? Hindi ko alam anung pinagdadaanan mo o saan nanggagaling yang galit mo sa dalawang 'yon pero wala ka pa ring karaaptan manakit ng kapwa!" madiin kong sabi at hindi naman siya kumibo.
Binabaybay na namin ang daan pabalik ng maynila at mukhang hindi na siya galit dahil maaliwalas na ang mukha niya kaya nagdisisyon akong tanungin siya baka sakaling maintindihan ko kong bakit ganun ang kinikilos niya.
"Pwede ba akong magtanong?" baling ko sa kanya..
"Yes' go ahead," sagot niya kahit di ako nililingon.
"Hindi na man sa nskikitsismis ako pero na co-curious lang ako bakit ganon ka nalang ka galit sa dalawang 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Mga ahas sila! " tanging sagot niya sa matigas na boses kaya't di nalang ako nagtanong ulit baka magalit na naman sa akin kayat' tumingin nalang ako sa kalsadang dinadaanan namin.
" That girl' is my fiancee! and the man with her is my bestfriend!! dagdag niya ng mapansin siguro niyang natahimik na ako.
"At ngayon sila na... kaya pala". tumango tango nalang ako at hindi na muling nagsalita hanggang nakita kong pamilyar na ang lugar na binabaktas namin..
" Papunta na ito samin ah.. alam mo ba yung bahay ng tita ko? " tanong kong may kuryusidad.
"Not exactly but i have an idea dahil sa sinabing address ni Junjun at pinindot niya ang GPS ng kotse niya nakita kong may arrow na sinusundan namin at my red point sa sa dulo ng kalsadang binabaktas namin.
" Talagang close kayo ng kapatid ko" bulong ko pa na ako lang ang nakarinig kaya bahagya siyang lumingon 'sakin.
"What did you say?" tanong niyang nakakunot ang noo.
"Wala sabi ko galing mong maghanap ng lugar di ko na kailangan ituro sayo saan dadaan at isa pa diko din naman talaga alam. Napatawa akong konti sa sinabi ko para akong tanga na di alam saan ako umuuwi. Nakita ko ring napangiti siya kayat di maiwasang npatingin ako sa kanya ng matagal.
Gwapo naman talaga siya kong hindi lang antipatiko at mayabang lalo na pag nakangiti siya na lumalabas ang mga dimple niya at ang pantay na ngipin.
Tumikhim siya pahiwatig na naramdaman niyang nakatingin ako sa mukha niya kayat napabalik sa kalsada ang mga mata ko sabay takip ng bibig ko na kunyari humihikab!
"Di ka talaga nag iingat Lara kakahiya ka kanina galit galitan inis inisan ka sa lalaking yan tapos ngayon na gagwapuhan ka! " saway ko sa sarili ko sa pamamagitan ng isip!
Hanggang sa nakarating na kami sa kanto papasok sa aming street. Napansin ko siyang parang nalilito dahil hanggang gasolinahan lang yong tinuro ng GPS niya. May gasolane station kasi sa kanto papasok sa amin.
"Iliko mo lang sa kanan tapos doon sa harap ng school may karenderya doon ang bahay ng tiyahin ko."
Sabi ko kay King ng mapansin kong di na niya matukoy ang tamang daan. Buti at natandaan ko din naman ang dito banda sa bahay nila tiya.
Pagdating namin sa harap ng karenderya ay andon si Bella at Bobby naglalaro ng badminton. Napahinto sila ng may nakitang kotseng paparada sa gilid napaatras si Bobby at kuryusong nagmasid na parang sinisilip ang loob ng kotse.
Agad namang lumabas si King at ganon din ako, hindi ko na hinintay pagbuksan niya ako ng pinto.
" Wow ate Lara di kotse kana!" pasigaw na bungad ni Bobby at nasa likod niya si Bella na lumapit na rin.
"Ah hinatid lang ako ni Sir..." diko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Bella.
"Lara' ang gwapo ng boyfriend mo, pakilala mo naman ako," sabay lapit niya sa kay King na nkalapit na din sa harapan ng kotse malapit sa akin.
"Hindi ko boyfriend yan noh!" sabat ko naman pero tila hindi na ako pinansin ni Bella dahil lumapit na siya kay King at tiningnan talagang mabuti ang lalaki mula ulo hanggang paa at nagpapacute pa.
"Hi poge', I'm Bella but you can call me MINE.. for short!" hirit ni Bella habang nilalahad ang kamay para makipag shake hands ngunit di 'yon tinanggap ni King!
"Hinatid ko lang si Lara dito! I gonna go!'' sabi niya sabay tipid na ngiti at bumaling pa kay Bobby na tila natulala kakatingin sa kanya.
Tumalikod na siya at humawak na sa pinto ng kotse akmang papasok siya ng kotse ng lumabas si Ate Marie.
" Lara andito kana pala, teka... Sir' diba client ka namin sa Bangko d' Makati?" paniniguro ni ate Marie habang nakatingin kay King at napalipat ang tingin sakin na may pagtataka.
" Yes, I am", sagot ni King sa seryusong mukha.
"Magkakilala pala kayo ng pinsan ko?" tanong ni ate Marie sabay tingin ulit sakin.
"Oo ate sa probinsiya", sabat ko kaya di na nagsalita si King at tumingin nalang sakin at kay ate Marie.
"Ah ok' pero bakit kayo ang magkasama asan na si Brando? tanong ni ate na may pagtataka!
" Sumakit po ang tiyan ate, kaya naunang umuwi! saktong andon' si sir King kaya siya na ang naghatid sakin". Paliwanag ko kay ate Marie at tumango tango nalang siya.
Nasa ganong eksena kami ng biglang may tumawag sa cellphone ni King at mama niya daw kaya nagpaalam na siyang aalis na. Saktong nskaalis na ang kotse ni King ng lumabas din si Tiya kaya nagtaka din siya kong sino ang naghatid sakin kaya ikinwento ko ang nangyari kay bakla at sinabi ko din na kakilala ko si sir King sa probinsiya pa pero di ko sinabi syempre lahat ng nangyari sa probinsiya.
Matapos ang tanungan at paliwanagan sa baba ay andito na ako ngayon sa taas at nakahiga na sa kabilang kama.
Ginawan na kasi ako ni tiyo kanina ng kamang pang isahan katabi lng din ng kama ni ate Marie.
Marahan kong ipinikit ang mata ko at bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari kanina at nakaramdam ako ng awa kay King.
"Ang hirap siguro makamove on sa ganon!" bulong ko sa sarili bago tuyluyan na akong hinila ng antok.