Dinner Date

1254 Words
Lara POV; "Saan ba kasi tayo pupunta bakit kailangan pang nakahawak ka s kamay ko pwede bang bitawan mo nalang ako!" Maktol ni ko pero sa loob loob ko ay kinikilig ako ng palihim dahil sa magka holding hands kami ni Marshall! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nakakasalubong na kababaihan. Paano ba naman siguro kong tingnan kami ay parang mag jowa na my LQ! Lalong hinigpitan ni Marshall ang pagkasiklop ng aking kamay at pinisil pisil pa ito bagay na nagdulot sakin ng kakaibang damdamin, naalala ko tuloy yung aksedente niya akong nahalikan sa probinsiya. "Kakain muna tayo bago kita ihatid!" Maikling tugon ni Marshall kaya di nalang ako nag protesta alam ko naman kasing wala na akong magagawa. Isa pa naguguton na rin ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon! Parang may mga kulisap sa loob ng tiyan ko at nakukuryente ako sa paghawak ni Marshall! Pumasok kami sa isang Restaurant, mas malaki at mas sosyal sa pinasukan namin kanina ni Brando! Napamangha ako sa nakita ko sa loob! Halos puro mga taong nakasuot ng eleganting damit ang nakikita ko, mayroon pang tumutogtog ng piano sa kabilang gilid at my nag vaviolin naman sa kabila! Napayuko tuloy ako at napatingin sa suot kong damit na parang nahihiya! Napansin naman siguro yon ni Marshall kaya hinila niya ako palapit sa kanya habang ginigiya kami ng waiter papunta sa bakanting upuan! "Don't worry mas maganda ka pa rin sa lahat!" maikling salita na tila tumagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso kaya nagpangiti ako ng lihim dahil nagbigay iyon ng kakaibang saya sa puso ko dahilan para maging confident ako sa sarili. Pag dating namin sa table na pandalawahan doon na ako binitawan ni Marshall at pinaghila ng upuan para makaupo! Wala na akong ginawa kundi ang sumunod at naupo na rin. Tila nahipnotismo ako sa kanyang katauhan ngayon at sa ikinikilos niya na tila ang bait at hindi na mayabang! Lumapit ulit ang waiter samin na may dalang food menu!. Can I get your order Ma'am, Sir? ' sabay abot sa samin ng waiter ng menu book! Kinuha ko naman ang isa at binuksan pero wala akong maintindihan kong anung mga pagkain yung nakasulat dahil wala naman iyon sa karenderya ng Tiya Magda! Napakunot ang noonko habang tinitingnan ang food menu! "May napili kanaba milady?" tanong ni Marshall sa akin na lalong nagpawala sa akin sa katinuan! "Ah eh wala pa eh puro kasi masasarap nalito ako," palusot ko! " Kong anung sayo ganun nalang din sakin! " dagdag ko pa! Napangiti naman siya bago nagsalita. "Isang order ng sweet in sour lapu lapu good for two, baby back ribs in oyster sauce and steamed lobster..pa add nalang din ng white wine.. thanks Sabay binalik ni Marshall sa waiter ang menu book! "Sir baby back ribs will take 45 mins, ok lang po ba?" tanong ng waiter.. Tumingin si marshall sa wrist niya na tila tiningnan ang uras.. "Ok' its fine its already 5 pm at maaga pa." "Tumango naman ang waiter at tumalikod na. Habang naghihintay kami ng order na pagkain ay di ako makatingin ng deretso sa kanya ang gwapo niya sa porma niya ngayon at ang amo ng mukha niya! Wala din siyang balbas di gaya ng dati na nakita ko siya sa probinsiya.. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya ng biglang tumikhim siya bago nagsalita! " So kamusta ka naman dito?" pagtatanong niya sa malambing na tono na hinding hindi mo makitaan ng kayabangan! "Ahmmm o'ok lang!" tipid na sagot ko na nauutal. Hindi ako makapagsalita ng maayos lalot na tetense ako dahil ang lagkit ng mga tingin niya sakin. At bakit parang bigla yata siyang bumait! "Okay good at hindi ka nahirapang mag adjust lalo't malayo ka sa iyong pamilya! " tugon pa nito na nakangiti sakin kaya ako naman tong tila nakikiliti! "Umayos ka self binaitan ka lang bibigay ka naman agad! sa isip ko lang! Ilang minuto pa ay nakita ko na parang dumilim ang mukha ni Marshall habang nakatingin sa dalawang taong dumaan banda sa harapan niya ar sa gilid ko naman papunta sa table na tanaw parin namin. Sinundan niya iyon ng tingin na para bang nagngingitngit sa galit! " Lets go! hanap nalang tayo ng ibang makainan! My mga ahas dito!" sabi niya habang nakatingin sa dalawang tao na ang sweet pa dahil magkahawak kamay! "P.. pero yung order natin.. pa- pano?" sagot ko na naguguluhan na tila my kong anung palaisipang namuo sa isip ko! "Never mind, babayaran parin natin", sabay dukot sana niya ng wallet ng hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin at nagtama ang mga tingin namin! Saglit ako nablangko sa mga tingin na yon pero dahil napagtanto ko ang kakaibang reaksyon niya sa dalawang taong yon ay nagkalakas ako ng loob na magsalita! "Yun ba ang problema mo?" sabay nguso ko don' sa dalawang tao at tumingin lang siya sakin na parang nagtataka kong bakit ko nahulaan! "Ililibre mo ako ng dinner diba, at ang sosyal pa nitong pinasukan natin' tapos aalis lang tayo dahil sa dalawang ahas na sinasabi mo? Anu ka talunan? pabulong kong bigkas sa kanya na ikinasalubong ng kilay niya!! Nang walang anu ano ay ay bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at napatili ako dahil nagulat ako kayat nakakuha ng atensyon ng dalawang taong kanina pa niya nginingitngitan! Nakuha ko ang kanyang mga kilos kaya sumabay na rin ako, kinurot ko siya kunyari sa gilid sabay sabing; "Ikaw talaga myloves' ang sweet mo!" nasa tabi na niya ako at medyo nakaharap doon sa table ng dalawa kaya kita ko din ang pagkatulala nilang nakatingin sa samin ni Marshall. Di na naka imik si Marshall sa ginawa ko at nakatingin lang sakin at diko din alam bakit ko naisip na bigla siyang halikan sa gilid ng labi sabay bulong ko ng "sweet revenge??" At dahil doon ay agad niya rin ako ginantihan ng halik pero this time ang labi konna talaga ang hinalikan niya. Napatulala tuloy ako at di nakakilos agad. Kaya hinawakan niya ang bba ko sabay sabing, "ginusto mo diba kaya sinakyan ko nalang and please wag mo ng sirain ng moment dahil nadadala na ako sa acting mo! I will thank you after this.... " Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinisil pisil iyon, at diko din alam kong bakit hindi man lang ako nagalit, kahit wala pa yung dalawang taong inaartihan namin ay gustong gusto ko ang ginagawa niya, hanggang sa dumating na ang order namin at nadala na kami s acting namin nakalimutan na namin pareho na may mga matang nakatingin samin. Kumain kami ng masaya at siguro'y ang sweet namin tingnan kasi panay tinginan namin ng nakangiti at paminsan minsan pa kaming nagsusubuan! Hanggang sa natapos na kaming kumain at napansin kong nakatalikod na sa amin ang dalawang magkapareha. Tumayo na si Marshall matapos bayaran ang bill namin na higit dalawang libo! Inilahad pa niya ang kanyang mga kamay para alalayan akong tumayo at tinanggap ko naman iyon hanggang lumabas na kaming magka holding hands ulit gya ng pagapsok! Ng tuluyan na kaming makalayo sa restaurant ay doon ko na binawi ang kamay ko sa kanya! "Sino yon ex mo? Oh ayan niligtas ko ang araw mo kaya ihatid mo na ako okay?" At bigla ulit nagdilim ang mukha niya kaya nagsisi din ako sa ginawa ko pero ayaw ko namang bawiin pa kaya sumunod nalang ako sa kanya ng naglakad na siya papunta sa elevator at pinindot ang basement button, papunta sa parking kong saan andon' ang sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD