"So anu sir' sasama ka sakin sa loob? pero bago ang lahat pwedi ko ba malaman paano kayo nagkakilala ng bff ko? Kahit konting part lang ng kwento?"
Tanung niya na parang naniniguro kaya ikinwento ko s kanya ang iilang ditalye.
"Ay..... bongga para kayong tinadhana!" hirit pa ni bakla bago nilagay ang hintuturo sa ilalim ng baba bandang gilid at tumingin sa taas na tila nag iisip sabay pitik sa dalawang daliri at "yes!!! may naisip na ako sir!" dagdag pa niya na parang tuwang tuwa.
"Anu?" tanging sagot ko.
"Halikana sir akong bahala pero bigay mo munang number mo sakin." dagdag pa niya..
"Why? anu bang plano mo ba't kailangan ko ibigay ang number ko sayo? " may pagdududang tanong ko!
" Sir naman, magtiwala ka lang tutulungan nga kitang magkausap kayo! Sege na dali bago tayo pumasok!" sabay abot niya sakin ng cp niya kaya tinype ko nalang ang number ko.
" Ayan na, siguraduhin mo lang na oobra yang plano mo sabi ko pa!"
" Oo nga sir kaya hali kana!" sabi niya habang kumekembot na humakbang pabalik sa loob ng senehan at nauna sakin!
"Hi day' may kasama ako" bungad ng bakla kay Lara ng makalapit na kami sa inuupuan nito..
Sakto na mang nagliwanag ang screen ng monitor kaya tinamaan ng liwanag ang mukha namin pareho..
"Ikaw? Bakit ka andito at bakit kasama mo siya Brando?"
Gulat niyang turan habang palipat lipat ng tingin saming dalawa ng bakla!
"Eh kasi besh, costumer namin si Mr, Crisostomo sa bangkong pinagtatrabahuan ko at nakasalubong ko siya sa labas kaya ayan niyaya kong sumabay satin kasi mag isa lang siya.."
paliwanag ni bakla at nilingon pa ako't kinindatan!
" Hoy kong balak niyong magtsismisan lumabas muna kayo!"
Saway ng lalaking nasa likod namin kaya natahimik kami at senenyasan na ako ng bakla na maupo sa tabi ni Lara at siya at doon sa kabilang side ni Lara.
"Sorry po manong" hinging paumanhin mi bakla sa taong nasa likuran at di naman siya pinansin nito.
"Anu bang ginagawa mo dito ha yabang' sinusundan mo talaga ako" Pabulong pero gigil na sambit ni Lara ng nilingon niya ako sa tabi niya!
"No" sagot ko lang at kunyari tumitingin ako sa harap at nanonood pero ang totoo ay siya ang tinitingnan ko!
Maya maya....
Nakita ko si bakla na my tinatype sa cp niya at nag vibrate naman ang cp ko kaya tiningnan ko at may mensahe:
"Sir iiwan ko na si lara sayo ikaw ng bahala batsi na ako iuwi mo yan nag buo kong hindi Lagot ka sakin!" minsahe ni bakla at napangiti na man ako.
"Aray!!!!!!! Lara ang sakit ng tiyan ko!!
Bulong ni bakla kay Lara pero dinig ko naman!
"Ha? bakit ba? Sira yata yang pine apple juice na iniinom mo!" sabay angat niya ng paper cup ni bakla na may pine apple juice kanina pero wala ng tira !
"Ewan ko besh basta ang sakit! Diyan kana muna ha cr lang ako!"
Sabay tayo niya at dumaan pa sa harap ko tinapik ang balikat ko!
Tumango na nman ako kaya napatingin din si Lara saming dalawa kasi kahit paano maaninag naman namin ang isat isa dahil magkalapit kami!
"Samahan na kita besh" wika ni Lara!
"Wag na! Balik ako agad diyan ka nalang at magsaya kang manuod!" wika ni bakla bago tuluyang umalis na....
Mga lilang minuto din kaming walang imikan hanggang sa nagsalita siya ng pabulong at narinig ko naman.
"Nasan na kaya ang baklitang yon bakit ang tagal ata makabalik?"
Hindi ko siya pinansin kunyari wala akong narinig hanggang sa may tumawag sa cp ko.
"Yes mahinang sagot ko."
"Sir uuwi na ako ang sakit talaga ng tiyan ko ikaw ng bahala kay lara huh".. si bakla sa kabilang linya at narinig naman ni Lara yun dahil malakas ang speaker ng phone ko kahit di nakaloud speak isa pa magkatabi kami kaya
maririnig niya talaga.
"Anu?besh naman bakit mo kao iiwan dito antayin mo ako lalabas na ako saby tayong uuwi!"
Pang aagaw ni Lara sa cellphone ko at sabat sa usapan namin ni bakla.
" Besh sorry nakasakay na akong taxi kasi diko na talaga matiis ang sakit natatae pa nga ako!" dinig kong sambit ng bakla sa kabilang linya, at magsasalita pa sana si lara ngunit pinutol na nito ang tawag!
"Naman eh!" maktol niya
"Uuwi akong mag isa!" bulong pa niya at tatayo na sana siya ng hinawakan ko ang kamay niya.....
"Binilin ka sakin ng kaibigan mo kayat ako ang maghahatid sayo sa ayaw at sa gusto mo! Maliwanag?"
Paglilinaw ko sa kanya sa matigas na boses!
Napaupo siya ulit bago nagsalita.
"Kaya kong umuwi mag isa di na ako bata!"
" Sa tingin mo matatakasan mo ako? Sege umuwi kang mag isa alam mo ba saan ka sasakay o saan ang daan pauwi? Paano kong kidnapin ka ng taxing masakyan mo di ka pa sanay dito sa maynila! Pabulong pero madiin kong sabi!
"Yabang!!"
tanging nasabi niya at di na siya umimik hanggang sa natapos na ang pilikulang pinapanood namin at sa ending my kissing scene ang bida at lading lady.
Nakita kong parang naasiwa siya kaya tumayo siya bigla bago nagsalita!
"Alis na tayo tapos na oh' diba ihahatid mo ako?"
Tumayo nalang din ako at sumunod sa kanya..
Dahil napasabay kami sa ibang mga manonood medyo nagsikip ang pintuan at dahil nauna siya sakin at napadikit ako sa kanyang likod kaya naamoy ko ang natural na mabangong amoy niya.
Para din siyang kinilabutan kaya napaiktad siya at nagmadaling makalusot sa mga nauna ganun na lang din ang ginawa ko.
Pagkalabas namin ng senehan ay alas 4 palang ng hapon.
" Hey' its too early to go home" sabi ko sa kanya habang nakasunod sa likod niya. Lumingon siya sabay pamaywang kayat umangat ang hangjng niyang damit at kitang kita ang pusod niya at ang kurba ng baywang niya!
"Ikaw' kong ayaw mo pang umuwi e di maiwan ka dito uuwi akong mag isa!" sabi niya ng nkataas pa ang kilay!
Ng mapansin niyang tinitingnan ko ang puson niya ay agad niyang binaba ang kamay niya.
" Kahit kaylan bastos ka talaga!
sabi niya..
"Next time kong ayaw mong mabastos magsuot ka ng desenting damit!" Nainis siya kaya tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad palayo!
"Hey where do you think you're going?"
Tanong kong nakasunod sa kanya at di niya ako nilingon kaya dali dali ko siyang inunahan at hinarang!
"Anu ba uuwi akong mag isa!" sa asar na boses kayat napangisi naman ako dahil alam kong naiinis na siya!!
"No you will go home with me or else I will force you!" Sagot ko sa baritunong boses!
"Wala akong pakialam sayo!" sagot niya sabay talikod ulit ngunit bago pa siya nakahakbang ay nahawakan ko na ang mga kamay niya na ikinatigil na man niya!
"Bitiwan mo nga ako!" Utos niya pero sa halip na bitawan ko siya ay pinagsaklop ko ang aming palad kayat ramdam ko ang panlalamig ng palad niya kabaliktaran sakin dahil nag init ang buo kong katawan na tila ba may kuryenting dumadaloy at para akong aatakiin ng altaprisyon dahil umakyat yata sa ulo lahat ng dugo ko na ikinainit ng batok ko!