Chapter 2

1513 Words
Chapter 2 Ligaya’s Pov. Ang hapunan sa gabing iyon ay nababalot ng isang uri ng katahimikan na tila ba ang hangin mismo ay nag-aabang sa aking sasabihin. Ang tanging tunog na naririnig ay ang kalansing ng kutsara sa pinggan at ang banayad na pagaspas ng mga dahon ng mangga sa labas ng aming bintana. Tiningnan ko si Tatay Berting na tahimik na kumakain, at si Inay Lita na panaka-nakang sumusulyap sa akin, tila binabasa ang bawat galaw ko. Alam kong hindi nila ako matititigan nang matagal nang hindi nararamdaman ang pagbabagong naganap sa akin sa loob ng labindalawang taon. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang aking kutsara. Panahon na. "Nay, Tay may mahalaga po akong sasabihin," panimula ko. Pinilit kong gawing malumanay ang aking tinig, ang boses na ginagamit ko noon noong ako ay bata pa at humihingi ng pabor. Itinigil ni Inay ang pagnguya. Si Tatay naman ay uminom muna ng tubig bago tumingin sa akin. "Ano 'yun, Ligaya?" tanong ni Tatay. "Nagpasya na po ako. Hindi muna ako babalik sa Maynila. Gusto ko pong dito na muna manirahan sa San Isidro ng matagal," sabi ko. Nakita ko ang biglang pagkislap ng tuwa sa mga mata ni Inay, ngunit agad itong napalitan ng pag-aalinlangan nang ipagpatuloy ko ang aking sasabihin. "At bukas na bukas po, mag-a-apply ako sa Montero Land Development. Balita ko po ay naghahanap sila ng tauhan sa opisina." Biglang nabitawan ni Inay ang kanyang baso. Ang tubig ay kumalat sa ibabaw ng hapag, ngunit tila wala siyang pakialam. Ang kanyang mukha ay nawalan ng kulay. "Ano? Saan, anak?" tanong niya, tila umaasang nagkamali lang siya ng rinig. "Sa mga Montero po, Nay," ulit ko nang may mas matatag na tinig. "Hindi! Hindi maaari!" Halos pasigaw na ang boses ni Inay. Tumayo siya, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang nakahawak sa gilid ng mesa. "Ligaya, nababaliw ka na ba? Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit ka namin pinalayo rito? Kung bakit halos itakwil ka namin noon para lang mailigtas ka?" "Nay, makinig po kayo.” Sabi ko "Hindi, ikaw ang makinig!" putol ni Inay. "Ang mga Montero ay kamatayan, Ligaya. Sila ang mga lobo sa bayang ito. Kapag pumasok ka sa kumpanya nila, para mo na ring inihain ang sarili mo sa altar ng mga demonyo. Bakit doon pa? Marami namang iba!" Tumingin ako kay Tatay, humihingi ng saklolo, ngunit ang kanyang mga mata ay puno rin ng lungkot at takot. "Anak," mahinang sabi ni Tatay Berting. "Ang nanay mo ay tama. Ang sugat na iniwan ng mga Montero sa atin hindi pa 'yun ganap na naghihilom. Huwag mo nang buksan muli ang pintuan na matagal na nating isinara." Tumayo rin ako. Nararamdaman ko ang pag-akyat ng init ng galit sa aking dibdib, ngunit kailangan ko itong itago sa likod ng katwiran. "Tay, Nay, labindalawang taon na ang nakalipas. Iba na ang hitsura ko. Iba na ang pangalan ko sa mga papeles ko sa Maynila. Walang makakaalam na ako ang batang Ligaya na sinira nila noon. Gusto ko lang magtrabaho. Gusto ko kayong tulungan. Ang mga Montero ang may pinakamalaking kumpanya rito. Sila ang may pera. Bakit hindi ko kukunin ang para sa atin?" "Dahil ang perang galing sa kanila ay may sumpa!" sigaw ni Inay Lita. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga balikat, ang kanyang mga mata ay puno ng pagsusumamo. "Anak, parang awa mo na. Huwag doon. Natatakot ako natatakot ako na baka sa pagkakataong ito, hindi ka ligtas doon." Naramdaman ko ang kurot sa aking puso. Gusto ko siyang yakapin at sabihing Nay, babalik ako para sa hustisya ko.. Pero hindi maaari. Kailangan nilang maniwala na trabaho lang ito. "Nay, hindi na ako bata," sabi ko, pilit na tinatanggal ang kanyang mga kamay sa aking balikat. "Hindi niyo na ako kailangang iligtas. Kaya ko na ang sarili ko. At bukas, tutuloy ako. Nakapagpadala na ako ng resume online at tinawagan na nila ako para sa interview." "Ligaya!" sigaw ni Inay, ngunit tinalikuran ko na sila. Pumasok ako sa aking silid at isinara ang pinto. Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Inay sa labas at ang pabulong na pag-alo ni Tatay sa kanya. Masakit. Napakasakit na kailangang saktan ang mga taong tanging nagmahal sa akin. Pero sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang nakikita ko ay ang Ilog Sagrado, ang maruming mukha ni Oscar Montero, at ang kawalan ng katarungan na bumabalot sa amin. Patawad, Nay. Patawad, Tay, isip ko habang inihahanda ang aking isusuot para bukas. Kailangan kong gawin ito. Para hindi na tayo muling matakot. Kinaumagahan, maaga akong naghanda. Isinuot ko ang aking pinaka-propesyonal na damit isang charcoal gray na blazer at skirt. Inayos ko ang aking buhok sa isang mahigpit na bun. Nilagyan ko ng kaunting kulay ang aking labi upang magmukhang matapang. Wala si Inay sa kusina nang lumabas ako. Alam kong nagtatampo siya, o baka hindi niya kayang makita ang aking pag-alis. Si Tatay lang ang nadatnan ko, nagtitimpla ng kape. "Mag-iingat ka, Ligaya," maikli niyang sabi. Hindi siya tumingin sa akin, ngunit bakas sa kanyang boses ang bigat ng loob. "Opo, Tay. Huwag kayong mag-alala." Sumakay ako ng traysikel patungo sa sentro ng San Isidro. Doon, nakatayo ang isang modernong gusali na gawa sa salamin at bakal ang Montero Land Development. Ito ang simbolo ng kanilang kapangyarihan. Pagpasok ko sa lobby, sinalubong ako ng malamig na hangin ng aircon. Ang bawat hakbang ko sa makinis na tiles ay tila isang deklarasyon ng digmaan. Lumapit ako sa receptionist. "Good morning. I'm Lia Fuentes. I have an interview for the Personal Assistant position today," wika ko sa aking pinaka-pormal na Ingles. "Wait a moment, Miss Fuentes," sabi ng receptionist. Pagkalipas ng ilang minuto, itinuro niya ako sa pinakataas na palapag. Doon ko unang nakatagpo ang katahimikang nagmumula sa opisina ni Zandro Montero. Pagpasok ko, naabutan ko siyang nakatitig sa mga blueprints. Hindi siya tumingala agad. Nang dahan-dahan niyang iangat ang kanyang paningin, naramdaman ko ang isang uri ng enerhiya na hindi ko inaasahan. Ang kanyang mga mata ay malamig, matalas, at tila nakakakita sa likod ng aking maskara. "Lia Fuentes," pag-uulit niya sa aking pangalan. Binasa niya ang aking resume. "The credentials from Manila are impressive. Why would someone like you want to work in a small province like San Isidro?" Huminga ako nang malalim. "Dahil dito ang ugat ko, Sir. At naniniwala ako na ang kumpanya niyo ang makakapagbigay sa akin ng hamon na hinahanap ko.” Isang maliit at mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "You don't know the word 'challenge' until you work for me, Lia. I'm not an easy man to please. And I don't tolerate incompetence." "Hindi po kayo mabibigo sa akin," tugon ko nang may matapang na titig. "We'll see. You're hired. Start tomorrow. And Lia?" tawag niya nang paalis na ako. "Sir?" "Make sure you can handle the heat. Because in this office, it's always burning." Lumabas ako ng opisina niya na may halong tagumpay. Hindi ako nagpatinag sa takot ng aking mga magulang. Ngayon, nasa loob na ako. Kasama na ako sa mundo ng mga Montero. Habang pababa ako sa elevator, nakasalubong ko ang isang lalaking pumasok si Cedric Montero. Hindi ko siya kailangang tanungin kung sino siya; ang kanyang tindig at ang paraan ng kanyang pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa ay sapat na para makilala ang dugong nananalaytay sa kanya. "New girl?" tanong niya, may kasamang nakakalokong ngiti. Hindi ko siya sinagot. Lumabas ako ng elevator nang hindi lumingon. Sa aking isipan, isa lang ang sinasabi ko: Nagsisimula pa lang tayo. Mabigat ang bawat paghakbang ko palayo sa opisina ni Zandro, ngunit bawat tunog ng aking takong sa makintab na sahig ay tila isang martilyo na nagpapako sa aking desisyon. Paglabas ko ng dambuhalang pintuan ng Montero Land Development, sinalubong ako ng mainit na hangin ng hapon, ngunit nanatiling malamig ang aking pakiramdam. Huminto ako sa tapat ng kalsada at dahan-dahang lumingon. Tiningala ko ang gusali isang tore ng salamin at bakal na kumikinang sa ilalim ng araw. Napakaganda. Napakagara. Ngunit sa likod ng kinang na iyon, alam ko ang baho ng korapsyon at ang dugo ng mga taong inalipusta nila. Ang bawat palapag ng gusaling iyon ay itinayo sa ibabaw ng mga pangarap na kanilang winasak. Huminga ako nang malalim, hinahayaan ang galit na dumaloy sa aking mga ugat tulad ng lason na magbibigay sa akin ng lakas. "Ito na ang simula," bulong ko sa hangin, ang tinig ko ay matigas pa sa semento. "Akala niyo ba ay malilimutan ko? Akala niyo ba ay tapos na ang lahat dahil lumipas na ang labindalawang taon? Humanda kayo lalong lalo ka na Don Oscar. Ikaw ang sumira sa buhay ko." Nanliit ang aking mga mata habang nakatitig sa logo ng mga Montero na nakaukit sa tuktok ng building. "Huminga kayo nang malalim habang kaya niyo pa. Dahil dahan-dahan kong kukunin ang hangin sa inyong mga baga. Paisa-isa, papabagsakin ko ang bawat pader na itinayo niyo. Hindi lang ako basta nagtatrabaho rito ako ang anay na sisira sa inyong lahat mula sa loob."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD