Sinigurado kong sobrang layo ko na sa kinaroroonan ko kanina bago ako bumagsak dahil sa sobrang pagod.
Tumingala ako at ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko. Nakita ko ang langit na maliwanag parin pero natatakpan ito ng mga nagtatayugang mga puno kaya medyo madilim ang kinaroroonan ko.
Nang maalala kong iniwan ko si Zynon, hindi ko maiwasang mag-alala. Okay lang kaya siya? Natalo niya kaya 'yung mga lalaking 'yun?
Then, nag-flash sa isip ko na siya nga pala ang pinakamagaling sa buong school. Napailing na lang ako. Hindi ko na kailangang mag-alala.
Tinignan ko 'yung flag sa bulsa ko at napalaki 'yung mata ko nang makitang wala 'yun doon. Oh, fudge!
Agad akong napatayo at tinignan ang paligid. Oh my! Nasaan na 'yung flag?! Nalaglag ba habang tumatakbo ako?!
The heck, Xhiena?! Bakit ba ang malas-malas mo talaga? Kung nahulog ko 'yun habang tumatakbo, parang ang labo ng makita ko pa 'yun, baka may nakakita na.
Napatampal na lang ako sa noo ko. Ghad, Xhiena!
Tinignan ko uli 'yung bulsa ng armor ko at wala talaga. Napahinga ako na lang ako ng malalim. Tama, hindi dapat ako sumuko. Kailangan ko 'yung hanapin, anuman ang mangyari.
Nagsimula akong maglakad pabalik sa dinaanan ko habang tumitingin-tingin sa paligid nang may humarang sa akin.
Si Gwen.
Nakasuot siya ng red armor.
It means...kalaban siya.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong niya sa akin at napangisi.
Halos lumubog ako sa lupa nang makita ang flag na hawak niya.
Paano napunta sa kaniya yun?
"I know you're wondering how I got it. But it's so obvious. Your guard is down, and you're weak." sabi niya na may halong pag-iinsulto.
Pinaglaruan niya sa kamay niya 'yung flag na kanina ko pa prino-protektahan.
"Do you think, you belong here? Bakit hindi ka pa bumalik sa mundo mong wala namang kwenta."
Doon na ako napuno at nagngitngit ang ngipin ko dahil sa inis.
"Mundong walang kuwenta? Hindi mo alam ang sinasabi mo! You've never been there before!" sabi ko at naikuyom ang mga palad ko.
"Of course I do know. Kahit pa hindi pa ako nakapunta sa mundong iyon, alam na alam ko. It's a world where a bunch of losers are living."
"Bawiin mo 'yung sinabi mo at ibigay mo sa akin ang flag!"
"Why would I? Ano ka, sinuswerte? Well, you're a human, after all. Hindi mo kilala kung sino ako, at ano ang kaya kong gawin. I could kill you with just a snap of my fingers, don't you know?" naglalaro sa labi niya ang mapang-uyam na ngisi.
Yes, she's beautiful. But I didn't know that her personality is a trash.
"Oo, hindi kita kilala. Pero isa lang ang alam ko sa'yo dahil sa pinapakita mo sa akin ngayon. You're a b***h!"
Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko kaagad ang malakas na pagtama ko sa trunk ng isang puno dahilan para mapapikit ako sa sakit. Tapos sunod na naramdaman ko ang mahigpit na pagsakal niya sa leeg ko.
Naluluha kong idinilat ang mga mata ko para tignan siya at kitang-kita ko ang labis na galit sa mata niya.
"How dare you?! How dare you, call me a b***h, huh?! You're just a weak freaking human trash!" sigaw niya at naramdaman ko ang mas paghigpit ng pagkakasakal niya sa akin. Unti-unting kong naramdaman ang pagka-ubos ng hangin na pilit kong nilalanghap.
Nagpupumiglas ako at hinawakan ko ang kamay niya na nasa leeg ko, kahit sa kaunting natitirang lakas ko ay pilit kong tinatanggal 'yun.
"B-bitaw—"
"I will make sure, that your life here will be a living hell!"
Napakapit na lang sa trunk na kinasasandalan ko. At nang maramdaman ko na tuluyan na akong mawawalan ng malay ay napapikit na lang ako.
I'm sure I was losing my consciousness. Pero naramdaman ko na parang may mainit na enerhiyang nanggagaling sa puno ang nagbibigay sa katawan ko.
Mas humigpit pa ang pagkakahawak ko sa puno at mas tumindi 'yung mainit na enerhiyang bumabalot sa katawan ko.
Anong nangyayari sa akin?
Hanggang sa naramdaman kong may gustong-gustong kumawala sa kanang palad ko na nakahawak sa puno. Para akong mawawalan ng malay dahil sa sakit.
Napasigaw na lang ako dahil sa labis na sakit at naramdaman ko na ngang may parang lumalabas mula sa palad ko.
Tapos bigla na lang nawala 'yung sakit.
Nawala 'yung mahigpit na pagkakasakal ni Gwen sa leeg ko. Mabilis ang naging paghinga ko at nagtataas-baba na ang dibdib ko dahil sa kakaibang pakiramdam na 'yun.
Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. Hindi ko alam kung maliwanag ba ang paligid. Pero parang.. parang 'yung mata ko ang nagliliwanag!
Nang humupa 'yung liwanag ay nakahinga ako ng maluwag at nakita kong muli ang paligid.
Anong nangyari? Iyon kaagad ang tanong na bumaha sa isip ko.
Nasa gubat parin ako, kaya ang ibig sabihin, hindi pa tapos 'yung training.
Tapos halos napaawang ang bibig ko nang makita ko si Gwen, nasa isa siya sa mga trunk ng puno na katapatan ko at doon nakasandal. Bahagyang nakalutang ang mga paa niya sa lupa dahil nakapulupot sa kaniya ang isang makapal na vines..
Na nagmumula sa palad ko?!
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa palad ko kung saan nagmumula 'yung vines.
Paano 'yun nangyari? Bakit?
Napatingin uli ako kay Gwen na makikita sa mukha niya na hindi rin makapaniwala habang nakatingin sa akin.
Tinignan ko uli 'yung palad ko. Paanong may vines na lumabas doon? Anong nangyayari sa katawan ko?
Napalunok ako habang malakas ang t***k ng puso ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Dahil ba sa sakit ko? Pero—
"Tell me, are you really a human?" napatingin uli ako kay Gwen dahil sa sinabi niya. Seryoso na uli 'yung mukha niya. Tapos gamit 'yung espada niya ay walang kahirap-hirap niyang natanggal 'yung vines na nakapulupot sa katawan niya.
Naputol 'yung vines.
Pero humaba uli iyon. Parang isang latigo.
Naramdaman ko 'yun kasi galing ito sa palad ko at hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin.
Pati sa tanong ni Gwen, hindi na ako nakaimik. Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung paano ko siya sasagutin. Dahil sa nangyayari sa akin ngayon, hindi ko na alam kung tao pa nga ba talaga ako.
"I can't believe this," narinig kong sabi niya, tapos pinulot niya 'yung flag sa lupa.
Doon ko naalala 'yung flag.
Napangisi siya uli.
"If you could just see yourself right now. You look pathetic with your green eyes." sabi niya.
Green eyes?
Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"I have black eyes, ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya na naguguluhan.
Lumapit siya sa akin at ibinigay 'yung flag. Tinignan ko naman siya habang hindi parin makapaniwala. Nang hindi ko inabot 'yung flag, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at ipinahawak 'yung flag.
"Look for yourself. And you'll find that right now, you don't look like a human at all." pagkasabi niya nun, sa isang kurap ay naglaho siya.
Naiwan akong tulala at naguguluhan parin.
Meron akong kulay green na mata?
Napahawak ako sa mata ko, tapos naramdaman ko na unti-unti ng umiikli 'yung vines.
Hanggang sa mawala na 'yun sa palad ko..
Kung hindi ako tao, ano ako?