Nakayuko na lang ako pagkatapos sabihin 'yun ni Professor Redfox. Nga naman, ako na yata ang pinakamalas sa mga malas.
Tumingin naman uli ako sa harap habang nagsasalita parin si Professor Redfox sa mga bagay na hindi ko maintindihan.
Hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babae na nakamasid sa paligid at hindi rin nakikinig. She's the school president, na ayon kay Ulvia, ay si Gwen Ziffaro.
Tapos napalingon din siya sa direksyon ko at tinaasan niya lang ako ng kilay kaya napaiwas ako ng tingin.
"Okay, go to the School Forest." narinig kong sabi ni Professo Redfox bago umalis ng class room.
Tapos natigilan naman ako nang magsitayuan ang lahat, saka ko naramdaman ang pagkalabit sa akin ni Ulvia.
"Tara na, Xhiena." sabi niya kaya napatayo na rin kahit naguguluhan ako.
"Tapos na ba ang klase?" tanong ko.
"Hindi pa. Pupunta lang tayo sa gubat para mag-train." sabi niya, "Iyon ang dahilan kung bakit may gubat sa gitna ng school." tapos nginitian niya ako habang sumusunod kami sa lahat papuntang gubat.
"Ano bang training ang gagawin natin?" tanong ko uli.
"Halatang hindi nakikinig." nakangisi namang sabi ni Ulvette, kaya guilty akong ngumiti. Hindi ko naman kasi maintindihan talaga ang pinagsasabi kanina ni Professor Redfox.
"Sabi ni professor, magkakaroon ng dalawang teams. Blue and Red. Tapos magbubunutan tayo mamaya. Hindi pa niya sinasabi kung ano ba talaga 'yung mangyayari pero parang isang game ang magaganap. And the winner will surely gain a lot of points." paliwanag ni Ulvia tapos eksaktong nakarating na rin kami sa gubat.
Ramdam ko naman ang excitement ng lahat. Ako lang yata ang kinakabahan, eh.
Napatingin na lang kaming lahat nang magsalita uli si Professor Redfox, tapos may katabi siyang dalawang malalaking box. Meron din siyang hawak na isa pang maliit, mukhang doon kami magbubunutan.
"Ngayon, sinong gustong unang bumunot?" tanong niya.
"The novice should go first."
Napatulala naman ako nang marinig iyon. Hindi ko alam kung sinong nagsabi nun pero dahil doon, sumang-ayon ang lahat at pinalapit na ako kay Professor Redfox.
"Okay, Miss Corpuz. Go on." sabi niya kaya naman ako na nga ang nagsimulang bumunot. Ramdam ko pa na parang nanginginig 'yung tuhod ko. Fudge.
Pagkabunot ko, nagsilapitan na rin 'yung iba para bumunot.
Binuksan ko 'yung papel at isang salita ang nakasulat doon.
Blue.
So that means, sa Blue team ako?
Nilapitan ko sila Ulvia at Ulvette nang makabunot na rin sila.
"Anong team ka, Xhiena?" tanong agad ni Ulvia bago pa ako makapagsalita.
"Blue." sagot ko naman.
Lumapad ang ngiti niya. "Same!"
"Aww, sa akin, red." sabi naman ni Ulvette.
"Okay lang 'yan. Good luck na lang sa atin!" sabi naman ni Ulvia.
Ngumiti na lang ako. Atleast, alam kong may ka-team ako na medyo ka-close ko.
"Now, has everyone gotten their team colors?", we answered in unison, saka napatango-tango si Professor, "Alright, as you can see from these boxes beside me, it contains all the armors and the weapons you're going to use for today's training and lesson. The blue ones are for the Blue Team and the red for the Red team. Now, I'll give you five minutes to change, get all the armors and weapons you'll need!"
Pagkasabi niya nun, ay dali-dali kaming nagsilapitan lahat para kumuha ng mga armor at weapons. Kinuha ko 'yung espada at shield, at namangha pa ako sa armor habang nagpapalit ako dahil ang tigas at parang kahit barilin ka pa ay 'di ka tatamaan. Ang astig.
Pati 'yong espada at shield. First time kong makakita at makahawak ng totoo.
"Xhiena, okay ka na ba? Tara na. Malapit ng matapos ang five minutes," sabi ni Ulvia.
"Ah, oo, Ulvia. Sandali lang," sabi ko tapos napatigil naman ako sandali dahil may nakita akong maliit na flag na nakalagay sa parang bulsa ng armor.
Kinuha ko 'yon tapos tinignan. Ano 'to? Kulay blue siya. Dahil ba nasa blue team ako? Siguro nga ganoon.
Nagkibit balikat na lang ako at ibinalik sa bulsa 'yon, tapos bumalik na kami ni Ulvia sa gubat.
Halos nandun na rin ang lahat at nakasuot na nga ng armor.
"Okay now, I'll discuss the mechanics and the rules." panimula ulit ni Professor Redfox, "May inilagay akong maliit na flag sa isa sa mga member ng bawat team. Kung kaninang isinuot ninyo ang armor at may nakita kayo. Well, that only means one thing, you'll be the it of the game."
Wait, anong sinabi niya?
Nanuyo ang lalamunan ko nang maalala 'yong flag na nasa bulsa ng armor ko kanina.
"Kung sinuman ang dalawang may hawak ng flag sa bawat team, you need to protect it as much as you can. And the other members, you need to steal the flag of the other team. All possible ways to steal it is allowed, except for killing. Does everyone understand?"
"Yes, professor."
Mas lalong bumilis 'yong t***k ng puso ko dahil sa sinabi nila. Ghad. How am I suppose to protect the flag?
Napahinga na lang ako ng malalim.
"And one more thing, the team who got to have the both flags will be the winner. So you need to steal the other team's flag but you also need to protect your own flag at the same time."
Mas tumindi 'yong excitement ng lahat, maliban nanaman sa akin. Nakita ko ring humanda na ang lahat para sa laro.
"Now, I'll give you one hour to finish the game. Timer starts.....now!"
Pagkasabi nun ni Professor Redfox, agad na nagtakbuhan ang lahat papunta sa gitna ng gubat. Gano'n din ang ginawa ko.
Binilisan ko ang pagtakbo na halos matali-talisod na ako sa mga sanga na paharang-harang sa daan. Doon ko rin nalaman ang disadvantage ng armor na suot namin. The fudge.
Nang alam kong medyo malayo-layo na ang narating ko at walang nasa paligid ay kaagad akong huminto at napasandal sa isa sa mga puno habang hinihingal.
Feeling ko parang mawawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang pagod.
Ilang segundo pa akong nagpahinga bago muling tumingin sa paligid.
Tama, hindi naman nila alam kung sino ang may hawak sa flag, hindi ba? Kailangan ko lang magpanggap na wala sa akin.
Tapos naalala ko si Ulvia. Nasaan na kaya siya? Kailangan ko siyang mahanap.
Maglalakad na sana ako paalis nang makarinig ako ng kaluskos. Agad akong napatingin ulit sa paligid at nagsimulang kabahan.
Then the last thing I knew, napapalibutan na ako ng anim na members ng Red team.
Agad na nanlaki ang mga mata ko.
"Hey, novice! Nasa sa'yo ang flag, hindi ba?" nakangising sabi nung isang lalaki na mayroong kulay brown na buhok. May hawak siyang dagger na inihahagis niya pataas tapos sinasalo niya rin ng walang kahirap-hirap.
Doon ko naramdaman ang hapdi sa pisngi ko, napahawak ako run at nakakita ako ng dugo. Crap. I'm bleeding. Again.
At mukhang ang lalaking may hawak ng dagger ang may gawa nun. Pero paano?
"Give us the flag, novice. That's if you don't want to get hurt," napatingin naman ako doon sa isa pang lalaki na nakangisi rin at may malaking katawan.
Agad akong napaatras. How did they know that I have the flag?
"Paano namin nalaman?" napatingin uli ako run sa lalaking may brown na buhok at itinuro ang isa pa niyang kasama na parang hindi interesado sa nangyayari. "He can see it in your pocket. That's his ability. He can see through things."
What?! Nakita niya sa bulsa ko?
"Wala sa akin. Paano kayo nasisi—"
"Stop lying, b***h!" bulyaw nung lalaking brown ang buhok, "One more lie and this thing will come flying to your head," saka nakita ko paghigpit ng pagkakahawak niya sa dagger.
Para na akong mabibingi sa lakas ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko puwedeng ibigay 'yung flag. Kapag nangyari 'yun, matatalo ang buong team. Buti sana kung ako lang.
Inihanda ko 'yung shield at espada ko, then sa isang kurap ko lang. Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na talim ng dagger sa leeg ko.
"Sabi ko naman sa'yo, eh. Just give us the flag, at hindi ka masasaktan. You're just a low-life human. Walang-wala ang isang katulad mo sa amin," madiin ang pagkakabanggit niya sa mga salitang iyon.
Sobra ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot. Nabitawan ko ang espada na hawak ko at halos hindi na makahinga. Fudge, tama siya, ano nga bang laban ko sa kanila?
Naramdaman ko na kukunin na sana niya 'yung flag sa bulsa ko kaya napapikit na lang ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, tapos nanigas 'yung lalaking nasa likuran ko na may hawak ng dagger.
"I can't believe you're all picking on a girl."
Napadilat ako ng mata.
Agad na nailayo ng lalaki 'yung dagger niya sa leeg ko saka napalayo sa akin. Mabilis namang lumuwag ang paghinga ko. Oh, God, thank you.
Nilingon ko kung sino 'yung nagsalita at nakita ako ang may-ari ng pangalan na ilang beses ko ng narinig.
"Zynon.."
Tumingin siya sa akin habang may blangko paring ekspresyon. Hindi na siya nakasuot ng barong. Sa halip, suot niya ang school uniform, pero hindi niya suot ang coat niya, tanging long sleeves lang at itim na pants. Gulo-gulo ang buhok niya na parang kagigising lang at nagambala namin siya.
Nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin habang nakapamulsa. Kaya kumabog nanaman ang dibdib ko sa kaba.
He's my biggest predator, talagang nakakakaba.
At nang kaunti na lang ang distansya namin sa isa't isa. Napalunok ako nang punasan niya 'yung dugo ko sa pisngi gamit ang hinlalaki niya tapos inilagay niya 'yun sa bibig niya.
Napanganga ako sa ginawa niya, at the same time ay para nanaman akong mawawalan ng hininga, dahil nakatitig siya sa mga mata ko habang ginagawa niya 'yun.
"Your blood really makes me crazy, human," paos ang boses na sabi niya kaya nanuyo ang lalamunan ko.
Napatitig naman ako sa kaniya. Crap. Kailangan ko ng makaalis dito.
Tumingin siya doon sa mga lalaki at napahikab.
"All of you," usal niya habang nagsimula niyang tupiin ang dulo ng long sleeve niya pataas sa siko niya. "Fight me."
Tinignan ko naman 'yung mga lalaki na makikitaan ng halong kaba at takot sa mukha nila. Maliban sa isa. Iyong may hawak ng dagger kanina, naglalaro parin ang ngisi sa labi niyam
"We'll fight you, Carter. But we need to get the flag first," sabi niya kay Zynon na parang walang takot.
"If you could get through me first," sagot naman ni Zynon tapos bahagya akong nilingon.
Wait, he's going to fight them alone? Bakit?
"What are you still doing?" sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya habang naguguluhan parin. Pero 'yung sunod niyang sinabi ang tanging naintindihan ko.
"Run."
At kusa ng tumakbo ang mga paa ko palayo.