Pagkarating sa school dormitories ay inasahan ko na ang laglag pangang reaksyon ko.
Mayroong dalawang malalaking buildings na siyang nagsisilbing dorm para sa lahat ng estudyante. Ang sa kanan ay sa mga lalaki at 'yung sa kaliwa naman 'yung sa aming mga babae.
Nang makapasok kami ni Ulvia ay halos mangintab ang mata ko dahil sa ganda.
"Hmmm, sa room eleven ka ng thirtieth floor." sabi niya habang nakatingin sa student record ko kaya binalingan ko siya ng tingin.
"Thirtieth floor?! Bakit ang taas?!" gulat na tanong ko. Oh my, ganoon ba kataas 'tong building na 'to? What the heck?!
"Duh, Xhiena! Marami ang estudyante ng Vampire High. Sa tingin mo, ilan ang floors ng building na 'to?" sabi niya.
"Ilan?" tanong ko habang hindi parin makapaniwala.
"It has seventy floors."
Nalaglag ang panga ko. Puwedeng puwede ng pasukan ng langaw kahit na anumang oras.
Seriously?! Ganoon karaming floors? Ibang klase talaga ang eskwelahan na 'to.
Nakita ko na lang napailing si Ulvia dahil sa naging reaksyon ko nanaman.
"Tara na nga!" sabi niya sabay hila sa akin sa glass elevator.
Muntik na akong lumuhod para magpasalamat sa nag-imbento ng elevator. Dahil kung walang elevator, baka wala na akong mga paa ngayon dahil sa pag-akyat sa hagdan. Jusko lord, thirtieth floor ba naman!
Narinig namin ang pagtunog ng elevator kasabay ng pagbukas ng pinto. Naunang lumabas si Ulvia na nakatingin parin sa papel at sumunod naman ako sa kaniya.
Kakaibang vibe naman ang naramdaman ko nang marating namin 'yung sinasabing thirtieth floor. Kahit na ang elegante parin ng hallway na dinadaanan namin kung saan sa magkabilang gilid ko ay may mga pinto na may mga nakaukit na numero, feeling ko masusuka ako sa isiping sobrang taas ng kinaroroonan namin ngayon.
"Xhiena, saan ka pupunta? Dito na 'yung kwarto mo." sabi ni Ulvia sabay turo sa isang pinto kaya nabalik ako sa kasalukuyan at lumampas na pala ako. Tangeks naman, Xhiena. Nakahinto na siya sa harapan ng isang pintong may nakaukit na numerong eleven.
"Sige na, magpahinga ka na muna. Bukas na ang first day mo. Tandaan mo lahat ng sinabi ko sa'yo, Xhiena. At sana maging magkaibigan tayo. Good luck bukas." sabi niya tapos ngumiti nanaman siya malapad. May binigay din siya sa akin na isang susi. Iyon daw 'yung susi ng kwarto.
"Thank you talaga para sa ngayong araw, Ulvia. Ngayon, medyo nagkaroon na ako ng lakas ng loob para tanggapin ang mundong 'to." sabi ko at tinanguan niya lang ako.
"Wala 'yun. Besides, you're the first human I've ever encountered, and I can see that you have a kind heart. Next time, ikuwento mo naman sa akin ang tungkol sa mundo ninyo." sabi nya at agad naman akong napatango.
"Oo naman!"
"Okay then. Sige na, magpapahinga na rin ako. Kita tayo bukas, ah!" sabi niya at nagsimula ng naglakad pabalik.
Naiwan naman ako rung nakatayo parin sa harapan ng pinto. Huminga muna ako ng malalim saka ko iyon binuksan.
Sobrang ganda, gaya ng inaasahan ko. Ang ganda ng kulay white at gray na interior ng buong kwarto. Pang-mayaman talaga ang dating. Kahit na hindi naman ako mayaman. Sobrang layo sa bahay na inuupahan ko dati. Mayroong isang malaking queen size bed, na parang kasiya yata ang limang tao dahil sa sobrang laki nun. Tapos may walk-in closet din, isang bathroom at may isang couch tapos isa ring flat screen T.V.
Agad akong dumiretso sa walk-in closet at pinigil kong mapamura dahil sa 'yung mga damit na nakalagay doon. Hindi 'yun akin. Oh my! Baka naman mali 'yung kwartong sinabi ni Ulvia?
Agad-agad kong tinignan 'yung student record ko. Room eleven, thirtieth floor, yun ang nakalagay.
Lumabas ako at sinilip uli 'yung numero na nakalagay sa pinto at hindi naman ako naduduling, dahil Room eleven nga talaga ang kinalalagyan ko ngayon.
Bumalik uli ako sa loob at umupo sa pagkalambot-lambot na kama. Napabuntong hininga ako. Hindi kaya, sila Professor George mismo ang nagprovide ng mga damit na 'yun?
Napatakip na lang ako sa mukha at napahiga sa kama. Naman, nakakahiya! Alam kong nakasulat sa contract na responsibilidad ako ng school ngayon, pero hindi parin ako sanay. Napabuga na lang ako ng hangin bago nag-ayos para matulog.
And guess what, hindi ako nakatulog.
Nagising na lang ako na umaga na at first day ko na.
Naiinis ko na sinabunutan 'yung sarili ko habang nakatingin sa sabog na itsura ko sa harapan ng salamin. Kainis, kainis, kainis!
Anong kuwenta ng malambot na kama kung hindi naman ako makatulog?
Tinatamad na lang akong naligo at nabihis sa school uniform.
Pagkalabas ko ng kuwarto, ang weird kasi ang tahimik parin ng paligid. Nakasanayan ko kasi na tuwing umaga, sobrang ingay. Lalo na 'yung mga kapit-bahay. Pero naalala ko, wala nga pala ako sa mundong nakasanayan ko.
Ito na nga yata yung tinatawag nilang home sick.
Nang makalabas ako ng dormitory. Naglakad na ako papuntang South Wing at doon ko na nga nakita ang karamihang busy rin sa pagpunta sa kaniya-kaniyang mga classrooms. Medyo maingay na rin ang paligid hindi kagaya sa dormitory. Much better.
Pero pansin ko parin na kakaiba talaga ako. Dahil halos ang lahat ay mayroong kakaibang aura, 'yun bang nagsasabi na mas superior talaga sila kaysa sa mga katulad kong tao. Well, totoo naman, they're vampires.
Nang makarating ako sa class room. Nakita ko na 'yung lahat na busy sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nila. Like a normal students. Na-miss ko naman bigla sila Aiko at Meredith. Kamusta na kaya sila?
Natigilan naman ako nang biglang tumahimik ang paligid. Tapos nakatingin na pala silang lahat sa akin 'yun bang nagsasabing siya-yung-tao-na-transferee-di-ba-look.
Napalunok naman ako at pinaalala ko sa sarili ko na hindi nila masisipsip ang dugo ko. Kahit na sa isip ko, paulit-ulit ng nagple-play 'yung scene kung paano ako mamamatay. Oh, God! Help me!
"Xhiena!!"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may tumawag sa akin. Lumingon-lingon ako hanggang sa makita ko si Ulvia na nakangiti at kumakaway-kaway.
Doon ako nakahinga ng maluwag.
Lumapit naman ako sa kaniya, teka, sa kanila.
Hindi ko alam kung naduduling lang ba ako, dahil dalawang Ulvia ang nakikita ko. Epekto ba 'to ng walang tulog.
Narinig ko namang tumawa sila pareho kaya mas lalo akong naguluhan.
"Hi, Xhiena! Naikuwento ka na sa akin ni Ulvia. Ako nga pala si Ulvette, at hindi ako si Ulvia, ah. Sana hindi ka malito." sabi niya habang nakangiti.
Ulvette? Ulvia?
"Sorry, hindi ko sa'yo nasabi kahapon. I have a twin sister." sabi naman ni Ulvia kaya doon luminaw ang lahat.
Napa-O na lang ako.
Akala ko kasi, nagma-magic chuchu nanaman sila. Nakakawindang pa naman. Kambal pala talaga sila.
Sinuklian ko naman ng ngiti si Ulvette nang matauhan ako.
"Nice to meet you." sabi ko na lang.
"Ganun din sa'yo." sagot naman niya.
Doon ko nakita 'yung pagkakaiba nilang dalawa. Si Ulvia, medyo curly ang buhok habang straight na straight naman ang buhok ni Ulvette, at pareho silang may bangs. Mas mukha namang masiyahin at hyper si Ulvia at si Ulvette naman siya 'yung medyo kalmadong type. Totoo nga 'yung sabi nila na kahit magkakambal may pagkakaiba parin.
"So, Xhiena, sa tingin mo, sinong mas maganda sa amin?" nakangiting tanong sa akin ni Ulvia kaya napaatras ako.
"E-eh?"
Tinitigan ko sila pareho. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin 'yung tanong niya dahil magkamukha sila at parang ang hirap i-compare.
"Oh for God's sake, Ulvia! Magkamukha tayo. Paano niya sasabihin kung sinong mas maganda?" singit naman ni Ulvette nang makita ang reaksyon ko tapos medyo napatawa siya.
Napangiti na lang din ako.
"Settle down."
Nang makarinig ako ng malaki at buong boses ay napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na robe, nakasuklay pataas ang buhok niya at may kaunting balbas. He looks like he's in his 30's.
"You. Why are you still standing? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin kaya para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Tumayo naman si Ulvia mula sa pagkakaupo.
"Professor, she's the new student." paliwanag niya kaya naman mas nagsalubong 'yung kilay nung lalaki na siya palang isang professor.
"Oh, so you're the novice. Introduce yourself to the class and find any vacant seat you want." sabi niya habang seryoso parin.
Naramdaman ko ang pag-urong ng dila ko. Xhiena, magsalita ka! Introduce yourself daw!
Nilingon ko si Ulvia na nakaupo na uli at tinanguan niya lang ako habang nakangiti.
Napahinga na lang ako ng malalim saka tumingin uli sa lahat.
"Ahm, I'm..I'm Xhiena Corpuz. And I, I hope we can all get along." sabi ko at pilit na ngumiti. Ghad, ano kayang itsura ko ngayon? Siguro para akong natatae dahil sa kaba?
"That's fine. Find your seat now."
Lumingon ako kila Ulvia at magkatabi na silang magkakambal, wala ng bakante. Kaya lumingon pa ako sa paligid, hanggang sa makita ko ang dalawang magkatabing bakanteng upuan sa pinakalikod. Agad na akong dumiretso doon.
Ramdam ko naman yung mga nakakapasong tingin ng lahat. Geez. Bakit ba lagi na lang ako ang center of attention?
Duh, Xhiena! Ikaw lang kasi ang nag-iisang tao dito, don't expect na ita-trato ka nilang katulad nila. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon.
"So for you, Miss Corpuz. I'll introduce myself. I'm Professor Redfox. And I'll be your professor for this subject, the combat training."
Combat ano raw?!
May subject na ganun? Bakit ngayon ko lang 'yun narinig?
Haller, Xhiena, wala ka sa mundo mo. Ay oo pala. Dapat lagi kong alalahin 'yun.
"And because this is your first day, I'm telling you, your seatmate will be your partner for the whole school year." pagkasabi niya nun, kaagad akong napatingin sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Muntik na akong mapamura. The heck?! Bakit wala akong katabi?!
Tumingin uli ako kay Professor Redfox. "Professor, I don't have a seatmate."
Agad namang nagbulungan ang lahat.
"Yes you do, Miss Corpuz. But it seems like you just got unlucky for your first day." sabi niya.
Ano raw?
"Minsan lang pumasok ang seatmate mo. He's Zynon Carter."
Napanganga ako pagkabanggit niya sa pangalan nanamang iyon.
Ilang beses ko na nga ba narinig ang pangalan niya? At tuwing naririnig ko 'yun, walang nangyayaring maganda.
Now, my first day is so ruined.
And so is my whole school year.