Chapter 23

2462 Words

MATTEO Nakatitig lang ako kay Raselle. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat unahin kong sabihin. Para akong estudyante na tinawag ng teacher, tapos ay hindi alam ang sagot. Hanggang sa napagmasdan ko ang kanyang kabuoan. Mas maayos na itong tingnan ngayon kahit papaano, kaysa kanina. Ngunit pansin ko rin na may inihulog ang katawan nito. Mas pumayat ito ngayon. Kahit totoong noon pa man ay maliit na itong babae. "Anong pag-uusapan natin?" tanong agad nito. Mukha namang may idea na rin naman siya. Kung ano ang sasabihin ko. Dahil sa kalungkutang nababakas ko sa kanyang mga mata. Napailing na lang ako. Bakit naman siya malulungkot. Sa tingin ko naman ay kahit siya, ito rin ang gusto. May iba na siya di ba. Mula sa aking pagkakaupo ay tumayo ako, bitbit ang isang hindi kalakihang maleta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD