Chapter 22

2192 Words

MATTEO Matapos kong pakalmahin ang aking sarili ay nagpatuloy na ako sa pagmamaneho. Tumuloy ako sa bahay ko. Bahay na ipinagawa ko para sa amin ng babaeng pakakasalan ko at paglalaanan ko ng aking buong buhay, at pagmamahal. Pero hanggang ngayon, ako pa lang rin ang nakatira dito. Mag-isa, walang kasama. May asawa pero nasa ibang bahay. May ibang babaeng minamahal, pero hindi ko naman magawang dalahin dito. Ewan ko ba kung bakit mabigat pa rin sa aking patirahin dito si Eloira, kahit alam ko sa isipan kong mahal ko siya. Hindi ko rin naman magawang dalahin dito si Raselle, kahit kasal kami. Dahil alam kong masasaktan ko si Eloira. Ang gulo lang. Dito sa bahay na ito ako noon tumuloy nang mawala ang anak namin ni Eloira. Noong panahong, hindi ako umuwi kay Raselle kahit kay Eloira. Ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD