"Hoy!!!!! Alam mo bang kanina pa ako andito!!! Pinag mukha mo akong tanga dito sa campus, alam mo ba sobrang aga ko pumasok dahil sabi mo agahan ko!!" talak ko kay jeon na kasalukuyang ngiting ngiti lang sakin.
"Jeonnnnnnnnn!!!!!" tawag naman ni Mark kaya napalingon kami parehas ni jeon sa may likuran namin, papalapit saming dalawa. Kanina andon lang sa may baba ngayon andito na. Daig pang spider man netong si Mark akala mong sa dingding dumaan sa sobrang bilis umakyat ng hagdan, napatingin naman ako kay Kaelan na nasa may likuran nya, blankong blanko ang reaksyon ng mukha nya.
"Gusto nyo ba sumama samin ni Kaerel, mag brebreakfast kami sa cafeteria?". nakangiting tanong saming dalawa ni Mark.
"Ah, kayo na lang siguro, may pupuntahan pa kami ni Dewei eh" nahihiyang sagot pa ni Jeon, luh??? At san naman kami pupunta?!
"Ayy, ganon ba, sayang naman" sabi ni mark
"Alam mo Mark, kapag yayayain mo yan si Jeon at tumanggi sayo, alokin mo ulit, nahihiya lang yan sa una" pagbibiro ko kay Mark, tumingin naman sakin si Jeon na kunot na kunot ang noo. Napangiti naman ng bahagya si Kaerel dahil sa sinabi ko, ghaddd! Ang cute ng ngiti nya hahaha.
"Sige na, sama na kayo, libre ko" pangungulit ni Mark.
"Libre naman pala eh, jeon tara na!! Makakatipid ako ng allowance" sabi ko sabay paling kay Jeon na mukhang hiyang hiya sa mga pinag sasasabi ko.
"Sige na" pangungulit ulit ni Mark sabay pulupot sa Balikat ni Jeon, napahawak naman ako bahagya sa bibig ko at medyo inasar ko si Jeon, napatingin din ako bahagya kay Kaerel na nakatingin sa braso ni Mark na nakapalupot sa braso ni Jeon.
"FC ka Mark" pangloloko ko na lang kay Mark.
"Ay hehehe, Sorry" sabi naman ni Mark at tinanggal nya yung braso nya, wala ng nagawa si Jeon kundi sumama na lang. Habang kumakain kami dito sa cafeteria, kita ko naman na pasimpleng pinapanood ni Jeon si Kaerel ng pagkain. Si Kaerel naman seryosong seryoso na nakain, yung para bang wala syang kasama dito sa table, kung may awarding lang dito sa school na Ice Prince of the Campus, for sure sya na ang makakakuha ng korona, kinuha naman ni Mark yung drinks na nasa may tabi ng tray nya at nilagyan ng straw saka inilagay sa may katabi ng tray ni Jeon, napatingin naman aa kanya si Jeon.
"Inumin mo, maganda daw sa umaga ang umiinom ng Apple Juice" nakangiting sabi sa kanya ni Mark, bahagya naman ulit ako tumingin kay Kaerel, bahagya din sya umismid.
"Alam mo Mark, nakakahalata ako sayo ha, may gusto ka ba sa kaibigan ko?" Intriga kong tanong kay Mark.
"Sa tingin mo?" nakangiti nyang sagot habang nakatingin kay Jeon, hindi naman malaman sa reaksyon ni Jeon kung tatawa ba sya o iiyak.
"Alam mo Mark, sa tinagal tagal ng panahon, ngayon lang may nag kagusto dyan kay Jeon" biro ko habang nakain
"Talaga? So means kung ganon ako ang una manliligaw sayo" imik ni Mark, bigla naman nasamid si Kaerel, kaya agad naman syang inabutan ng tubig ni Jeon.
"Thanks" sabi nya kay Jeon pagkakuha nya ng tubig, bahagya naman ako napangiti.
"Alam nyo, tapusin na lang natin kumain, malalate na tayo sa unang klase" singit ko na lang, halata naman kay Kaerel na nakikinig lang sa mga usapan namin.
Nauna naman umalis si Kaerel at Mark, samantalang kami ni Jeon andito sa may hallway papunta sa block namin.
"Ano ngapala napag usapan nyo ni Kaerel kagabi?" tanong ko
"Wala, tungkol lang sa mga nangyari samin nung nagkahiwalay kami, hindi ko naman pala sya masisisi kung hanggang don na lang ang galit nya sakin" paliwanag ni Jeon
"Kung nakaabot ka lang dun sa open forum, nalaman mo sana buong storya ng buhay nya, pero parehas naman kayo nag sacrifice saka , nasabi nya nga dun na nagkagusto na sya sayo nung mga time na magkasama kayo, kung ikaw nasa kalagayan nya, isipin mo, matagal ka ng may gusto sa kanya tapos isang araw lang ipapakilala ng mama mo magiging asawa nya at ang matindi, kinuha pa talaga sya ng mama mo para kumanta don sa kasal, kung ako yon talagang totoong nakabaon na ako sa hukay" paliwanag ko din kay Jeon
*JEON POV*
"Hindi ko naman akalain na sya ang kukunin ni mama non, nagulat na nga lang din ako nung nakita ko si Kaerel non na nakanta" sagot ko kay Dewei, nung mga time na yon kitang kita ko yung lungkot sa mata ni Kaerel na para bang gusto ko tumigil ng paglalakad noon at yakapin sya.
"Echosera din naman kasi yang mama mo eh ano!" inis na sabi ni Dewei sakin. Papasok na sana kami ng room ng isa isang naglalabasan mga kaklase namin.
"San punta nyo mga faggots?" tanong ni Dewei
"Sa kabilang block, pag cocombinenin daw tayo ni Sir" sagot naman nung isa naming kaklase.
Dali-dali naman kami nag paunahan ni Dewei sa pagkuha ng mga books naming ulit sa room.
“Echosero naman si Sir, combine talaga, mga mukhang bisugo naman yung andon sa kabilang block eh” asar na sabi ni Dewei.
“Hayaan mo na atleast wala tayong graded recitation” tuwa kong sagot kay Dewei. Kapag kasi nag cocombine si sir ng blocks, hindi sya nag papagraded recitation, araw araw kaya graded recitation sa kanya, nakakalaglag din kaya ng puso, palabunutan sa class cards.
“Oo nga no” sagot naman sakin ni Dewei.
Pag kakuha namin ng gamit namin, agad naman kami pumunta dun sa kabilang block. Pagkapasok namin, nakatingin lahat samin ng estudyante, napakunot naman ang noo ko dahil wala yung mga kaklase ko dito sa room na napasukan namin.
“Ms. Lai and Mr. Lee nagkakamali yata kayo ng room na napasukan” sabi samin ni Mrs. Sanchez. Napakamot naman ng ulo si Dewei.
“Sorry po ma’am sabi po kasi ng depugal kong kaklase dito ang room namin” asar nyang sagot kay Mrs. Sanchez, napatawa na lang si ma’am sa kanya, lumabas naman kami agad ni Dewei at lumipat sa kabilang room.
“Mr. Lee at Ms. Lai!!! San kayo galing? “ bungad agad na pagalit samin ng professor namin sa Music.
“Sir, pasensya nap o, dahil yang depugal na yang kaklase naming tinuro kami dun sa kabilang block kaya dun kami napapasok, napahiya pa kami kay Mrs. Sanchez” asar na sabi ni Dewei sabay turo dun sa kaklase ko.
“Di ba sab----“ iimik pa sana yung kaklase ko kaso pinutol agad ni Dewei yung sasabihin nya.
“Iimik pa eh, ibato ko sayo tong libro na hawak ko ng mapantay yang nguso mo eh” asar nyang sabi, napatawa naman iba kong kaklase, bigla na lang natanggal ngiti ko sa bibig nung nahagip ng mata ko si Kaerel, bigla naming taas yung dugo ko sa ulo ko habang nililinga linga ko itong room na pinasukan naming, napahawak na lang ako sa noo ko nung napagtanto ko na room pala ito nila Kaerel.
“It’s okay na Mr. Lee, please sit down beside Mr. Kang” sabi ni Sir
“Sinong Kang Sir??” takang tanong ni Dewei dahil wala naman kaming kaklase na Kang ang apelyedo.
“Mr. Mark Kang” sabi ni sir sabay turo kay Mark, nginitian naman ako ni Mark kay asinagot ko din sya ng ngiti.
“yan ang gusto ko sayo sir, kilalang kilala mo talaga ako” biro ni Dewei kay Sir, tapos pumunta na sya dun sa may katabi ni Mark, nginitian din naman sya ni Mark.
“As for you Ms. Lai, please sit beside Mr. Wang” imik ni sir, laki mata naman akong napatingin sa kanya.
“Ano ?? Hindi mo din kilala?” tanong sakin ni Sir, halos yung puso ko lumabas sa dibdib ko sa sobrang kaba.
“Mr. Kaerel Wang” sabi ni Sir sabay turo kay Kaerel, napatingin naman ako kay Kaerel na kasalukuyang nakatingin din sakin, sobrang blanko ng reaction nya.
“Please go there Ms. Lai” – sabi ulit ni sir sakin, kaya katog tuhod ako lumapit sa may kalapit ni Kaerel at umupo. Hindi naman ako masyado makapakinig dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko, sobrang lapit na lapit ang upuan ko at upuan ni Kaerel, dahil nga 2 blocks section ang andito sa room, magkakadikit ang mga upuan namin. Natotouch na ng balikat ko yung balikat nya, hindi ko alam kung ano nafefeel nya kung naasar ba sya sakin o ano, kaya dahan dahan ko inisod yung upuan palayo sa kanya.
“Naiintindihan mo ba Ms. Lai?” tanong sakin ni sir habang kasalukuyang busy na busy ako sa pag iisod ng upuan ko.
“Ang alin Sir?” tanong ko din kay Sir
“Nakikinig ka ba sakin o hindi?” medyo asar na tanong sakin ni Sir