*DEIWI’s POV*
Gaya ng sinabi ni Jeon sa text kagabi maaga ako pumasok , Masasabunutan ko talaga mamaya yun sabi magkita daw kami sa gate ngayon , ilang oras na ako nag antay sa gate wala pa din akong Jeon na nakikita , Pag nakita ko lang talaga yung babaeng yun , ilalagay ko yung dila nya sa ilong nya , kaasar , Pero ano nga kaya ? totoo kaya yung tinext nya sakin kagabi ? Kinausap na sya ni Papa Kaerel ? Or baka tss , ano nga kaya ? Pero kung sa tutuusin napansin ko din kay Kaerel nun nung nasa canteen kami na nag- aalala sya kay Jeon eh , lalo na nung sumigaw ako kay Jeon sya unang tumingin , Ang sagap lang talaga ng presensya ko , Kahit papano may gusto pa din ata si Kaerel kay Jeon eh , Haban nag iissip ako ng paraan kung pano ko mapapaamin si Kaerel nakarating na ako dito sa may malapit sa School Park , luming a- linga naman ako baka sakaling andito na si Bruhang Jeon kaso si Kaerel lang nakita ko dun sa may Baba. Pinagmasdan ko naman muna si Kaerel dun sa baba habang nakaupo, kung di lang eto kaibigan ni Jeon na nyang iniyakan , Naahas ko na sana to ,Maya – maya dumating na din si Mark ,Dumeretsyo sya dun kung san nakaupo si Kaerel tapos nagkwentuhan sila , Eto namang si Jeon, pinaaga lang talaga ako dito , mukha na talagaakong tanga dito , nakakaasar na , Pagkatingin ko ulit kay Kaerel ,Nakatingin na sya dun sa malayo tapos nakangiti sya kaya tinignan ko din kung ano yung nginingitian nya Tapos kita ko si Jeon papadating , Takbong takbo kung san ako andun , nakaway kaway na din sya sakin , kaya napatingin naman ulit ako dun sa inuupuan ni Kaerel nakatingin na sya sakin , tapos tinanggal na nya yung ngiti sa bibig nya