chapter 1
this content is not suitable for our young
readers. please find another story to read,
that suits your age. this content is for
18 years old and above
thank you
______________
Selma POV's
I'm at a rooftop of Twenty-story building
a few kilometers away and I'm facing a
Empire casino
gabi na kaya hindi na ako nag maskara at
Naka suot ako ngayon ng all black outfit na
hapit sa katawan at sapatos na katulad ng
ginagamit ng mga army.
nasa tabi ko si baby bush ko, an McMillan
TAC-50 ang pinakapaburito ko sa lahat
ng aking laruan, may sarili din itong higaan
kung hindi nyo alam Ganon ko ito kamahal.
ngayong gabi ko kasi tatapusin ang drug
lord na si Mr. watanashi Isang japanese
drug lord na nag sisimula ng mag hari dito
sa pilipinas. kaya panahon na para putulin
ang sungay. mula sa kinatatayuan ko ay
kitang kita ko sa scoop kung paano ito
tumatawa sa natatalo nitong kalaban sa
casino, nasa likod niya ang tatlong babaeng
mababa ang lipad habang parang hinihilot
ang likod nito. kasabay niyang tumatawa.
inihanda ko ang sarili at nag simulang
pumisto , humiga ako sa simento at saka
tumingin sa scope mula sa baby bush ko.
pero kunot ang noo ko ng mahagip ko ang
babaeng nag se serve ng inumin doon sa
kanila, na sa pag kakaalam ko ay Isa
itong waitress basi sa uniform nito. may
laser sa dibdib nito na hindi namamalayan.
napatingin ako sa aking paligid at tinignan
ang bawat mataas na building, alam kung
hindi lang ako ang nag iisa dito. hindi ko
alam kung Tama bang hayaan ko na lang
ito. Ako ang nasa pinaka mataas na building kaya makikita ko kung ano ang nasa ibaba. pero kailangan ko muna unahin ang
mission ko bago ko hahanapin ang nag
mamayari ng bagay na iyon. I had to get
ahead of him before it was too late.
tinuon ko nalang ang attention ko sa aking
target hindi at muli akong tumingin sa
scope. kinalma ko ang sarili saka
hinawakan ang trigger ni baby bush
sandali pa akong huminga ng malalim at
pumikit, pag dilat ko ay matalim na
tumingin sa lalaki saka ko pinakawalan ang
bala.
pero nagulat nalang ako ng hindi lang si Mr.
watanashi ang natumba kundi ang babae
ring may hawak na trey magkasabay silang
natamaan ng bala? kasabay ng pagka
tumba nila ay saka nag kagulo ang tao sa
loob ng casino.
subra ang kaba ko na tumingin sa pagilid at
hinahanap ang may kagagawan sa
pagkatumba ng babae. kaso wala talaga
akong makita. mula sa itaas ay may narinig
ako ng Isang maingay na bagay na
lumilipad, Ganon nalang ang panlalaki ng
mata ko ng makita ang Isang drone
camera. Inayos ko ang suot kung baseball
cap. At tinago ang mukha ko para hindi
mahagip ng camira. Dali Dali kung inayos
ang mga gamit ko, mabigat si baby bush
pero sanay na akong palagi itong dala sa
tuwing ganito ang misyon ko kaya madali
nalang sa akin. mabilis na umalis sa Lugar
na iyon at inayus ang suot kung baseball
cup.
kanino Naman kaya yung drone na yun?
anang isip ko habang parang ninja na
tumatalon sa bawat tuktuk ng building na
Mas mababa pa sa building na
kinatatayuan ko. Ng nasa kalsada na ako ay
saka lang ako nag lakad na parang normal.
Saka ako sumakay sa motor isa ko pang
baby, Diavel 1260 Lamborghini. Mabilis
kung pinaharurot iyon paalis sa lugar na
iyon.
dumaan ako sa likurang bahagi bahay
namin. ang alam ko ay tulog na Ang mga
tao ngayon sa bahay dahil lumalalim na ang
gabi kaya habang dala ko si baby bush ko
ay pa tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad.
"ay!! matandang tandang !!!" gulat na sigaw
ko ng biglang sumulpot ng bigla si nay selia
na parang Isang kabuti sa harap ko. May
dala itong basura na itatapon siguro sa
labas.
"nay selia Naman eh, nakakagulat Naman
kayo!" nanlalaki ang mata ko habang
nakahawak sa sariling dibdib. pero gusto ko
matawa sa reaction nito. May Sinabi ba
akong hindi Maganda?
"Selma Naman, alam kung matanda na ako,
pero ang tandang? Hindi ko matatanggap
yun!" Gusto kung matawa sa reaction nito
Para itong nandidiri sa tandang o sa Sinabi
ko sa kanyang tandang?
"ako dapat ang mas magulat sayo,
dahil ako ang mas matanda sa ating dalawa
dito, at ikaw tung bigla bigla nalang
dumating." sabi nito. Habang Naka nguso.
"bakit ba kasi hindi pa kayo natutulog
eh lumalalim na ang Gabi?" tanong ko dito
habang nakapamaywang. Inayos nito ang
likod at hinilot hilot pa. Sumasakit ang likod
Tapos hindi PA natutulog.
"eh sa hindi ako makatulog eh, kaya kung
ano na ginagawa ko dito para antukin. tika
ikaw dapat tinatanong ko eh, kung bakit
nasa labas kapa, at ano yang dala mo eh
mukhang mabigat yan ah." tanong nito
habang katulad ko ay naka pamaywang Rin.
bigla akong nag isip ng dahilan.
"ah itong nasa likod ko gitara to? ah oo
gitara nga at ano yung ah may gig kami
kanina ng barkada ko." sabi ko pero kunot
ang noo ko ng malakas itong tumawa halos
mabulabog ang buong kusina sa lakas ng
tawa nito. nakahawak pa ang tiyan nito na animoy nag joke ako ng subrang
Nakakatuwa. "anong nakakatawa Nay selia?" kunot noong tanong ko.
"ikaw na Bata ka hindi ka marunong
mag sinungaling, paano ka naman mag karuon ng gig, baka mabato ka doon, pag
string nga ng gitara masakit sa tinga, at
yung boses mo- parang - naipit na aso."
natatawang sabi nito.
"nay selia Naman eh, subra na kayong
manlait ng Boses ko. maganda naman yung
boses ko eh, sabi ni Lolo Ben." maktol ko
dito. kaya mas Lalo pa itong tumawa ng malakas.
"wag kanga mag papaniwala sa
sinasabi ng asawa ko, Selma." sabi nito
habang natatawa. matagal na kasing nag
tatrabaho sa Amin silang mag asawa
simula pa noon sa mga grandparents ko
kaya talagang pamilya na Ang Turing namin
sa isa't Isa.
"sige na bukas nalang kita tatanungin ulit
ayusin mo na yung pag sisinungLing mo,
yung kumbinsido, at saka wag kang kumanta tuwing tag ulan baka kukulog lang,
takot pa Naman mga Kapatid mo doon, mag
sayaw ka nalang dun ka magaling." sabi ni
nay selia habang natatawang papalayo sa akin. bigla tuloy ako napa isip kung bakit
hindi yun yung dinahilan ko.
na papailing nalang ako habang nag lalakad patungu sa aking silid. talagang kilalang
kilala na ako ni nay selia, kung sabagay siya
ba Naman ang nag alaga sa akin mula
pagkabata, na para ko na ring pangalawang
nanay ko na Rin ito.
pasok ako sa silid at saka pinindot ang
switch ng ilaw. Bumungad ang liwanag sa
kwarto ko. Nag lakad ako papasok saka
may pinindot sa likod ng book shelf at saka
Nahati ang lagyan ng libro at bumungad sa
akin ang secret office ko. Dito ko tinatago
ang mga cases ko na dapat lutasin. Mga
Papilis na ako lang dapat ang makakaalam
Madami din akong Naka display ng ibat
ibang uri ng baril at patalim.
Inilagay ko ito sa kanyang lagayan kasama
Ang Iba.
"tulog kana ulit, dahil madami pa tayong
pag sasamahan." kausap ko dito bago
Ako umalis sa secret room at bumalik sa
Sarili Kung kwarto pumunta ako ng banyo
para maligo. pag katapos ay huminga ako
sa kama.
bigla nalang lumipad ang isip ko sa
babae kanina, bakit kaya siya pinatumba?
sabay pang matamaan ang dalawa, sino
Naman kaya ang nag paplano ng ganoon?
kailangan ko mag ingat ngayon, Lalo na at alam kung nakita ang mukha ko kanina ng
camera na yun. yun din ang nag gugulo sa
isip ko, kung bakit may drone cam doon?
at kanino Naman kaya yun, basi sa nakikita
ko mukha malawak ang makuha ng camera
na yun.
'ang importante ngayon ay nabawasan ko
Na naman ng sakit sa ulo ang Mundo.