Nakatitig lang ako ngayon sa bintana nitong kwarto, habang nakahiga ako nang patagilid dito sa malambot na kama. Medyo madilim na rito sa loob dahil lamp shade na lang ang nakasindi ngayong ilaw. Nakahawi ang kulay nude na kurtina sa nakasarang glass na bintana, kaya naman naaaninag ko mula rito ang maliwanag na buwan sa labas. Mukhang bagong palit lang ang kurtina, siguro ay pinalitan ito ni Auntie Vilma kanina. Ilang segundo lang ay naisipan kong bumangon na muna sandali, no'ng makaupo na ako ay kaagad na rin akong tumayo para simulan na ang paghakbang palapit sa may bintana. Ilang hakbang lang ay nakarating na rin ako kaagad dito sa harapan ng bintana, binuksan ko ito na siyang naging dahilan naman ng agarang pagsalubong sa akin ng malamig na hangin ng gabi. Hindi ko na rin naiwasan a

