"Toby, pwede mo na bang ipaliwanag sa akin ngayon kung bakit mo sinabi kay Medina, na magkapatid kayong dalawa ni-" Naputol na ang dapat sana'y sasabihin pa ni Auntie Sylvia, no'ng hindi man lang niya ko mapangalanan. "Mas gusto niyo pa po bang sabihin sa kanya na kinupkop natin siya dahil hindi niya maalala kung sino siya?" "Exactly! Dahil 'yun naman talaga ang totoo, hindi ba?" sa sinabing 'yun ni Auntie Sylvia ay napabuntong-hininga na lang ako nang mahina. Mukhang dahil sa akin ay magtatalo pa silang dalawa rito sa loob ng kotse. Bumibyahe na kasi kami ngayon papunta sa coffee shop ni Auntie Sylvia. "Auntie? Parang hindi mo naman kilala 'yun si Nay Medina, daig pa no'n ang social media sa pagkakalat ng chismis dito sa baranggay natin. Nakakarating pa nga minsan sa iba't-ibang baran

