"Habulin niyo!!!"
"Bilis!!!"
Habol ko ang hininga ko habang pilit na tumatakbo sa gitna ng tahimik na kalsada. Pero ang katahimikan nito ay bigla na lang nawala no'ng makarinig ako ng mga putok ng baril. Palakas na ng palakas ito na para bang tatamaan na ako, ilang saglit pa ay lumingon ako sa likuran ko para tignan ang mga lalaking humahabol sa akin. Pero nangunot ang noo ko no'ng makita kong malabo ang mga mukha ng mga ito, hindi ko sila makilala dahil do'n.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan ko at pilit na binilisan pa ang pagtakbo, pero bakit gano'n? Hindi ko man lang maalala kung bakit parang gusto nila akong patayin. Alam kong nakakalayo na ako dahil hindi ko na naririnig ang mga putok ng baril dito sa direksyon ko, nang lingunin ko ulit sila sa likuran ko ay gano'n na lang ang paglunok ko nang mabigat no'ng makita kong wala na nga sila sa likuran ko.
Wala sa oras na nabaling ang tingin ko sa harapan no'ng makarinig ako ng isang malakas na busina mula sa isang sasakyan, pero pagharap ko ay kaagad nang sumalubong sa akin ang maliwanag na ilaw, na siyang kaagad ding nagpahinto sa akin sa pagtakbo. Halos manigas na ang katawan ko dahil ilang segundo na lang ay masasagasaan na ako nitong humaharurot na sasakyan, naipikit ko na lang ang mga mata ko nang mariin dahil hindi ko na nagawa pa ang makakilos.
Halos mapasinghap ako no'ng magmulat ang mga mata ko at kaagad na akong bumangon mula rito sa pagkakahiga ko. Wala sa oras na nasapo ko ang dibdib ko dahil ramdam ko ang pagbilis ng t***k nito, bumibigat na rin ang pakiramdam ko na para bang may kung ano sa loob ko na hindi ko maintindihan. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit, panaginip lang ang lahat pero bakit parang totoong-totoo?
Hindi ko na lang naiwasan ang mapabuntong-hininga, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko pero hindi pa rin talaga nagbabago ang pakiramdam ko.
"Panaginip lang 'yun." Huminga ako nang malalim at pagkatapos ay marahan din itong inilabas dito sa bibig ko. Ilang saglit pa ay nahagip na rin ng paningin ko ang isang wall clock dito sa loob ng kwarto at nakita kong mag-aalas tres pa lang ngayon ng madaling araw.
"Bakit kaya gano'n ang panaginip ko? Bakit nila ako gustong patayin?" Hindi ko na lang naiwasan ang mapaisip tungkol sa napaginipan ko. Gusto kong isipin na talagang panaginip lang ito at wala itong ano mang ibig sabihin, pero iba talaga ang pakiramdam ko. Para bang nangyari talaga 'yun sa akin, napalunok na lang ako sa sariling laway dahil sa kaba na bumabalot pa rin sa akin hanggang ngayon.
Marahan akong humiga ulit dito sa kama at mahigpit na napahawak sa makapal na kumot na siyang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Tumagilid na ako ng higa at Itinaas pa ang kumot para matakpan na rin ang mga braso ko. Ilang segundo pa ay bahagya nang nangunot ang noo ko no'ng maisip ko naman ang tungkol sa sasakyan na sumagasa sa akin sa panaginip ko, "Hindi kaya? 'Yun din ang sasakyan na nakasagasa sa akin kaya ako naaksidente at nawalan ng ala-ala?" Napalunok na lang ako nang mabigat no'ng bahagya na ring nanindig ang mga balahibo ko. Pilit kong ipinikit nang mariin ang mga mata ko at sinikap nang makatulog ulit, kung totoo mang parte talaga ng ala-ala ko ang panaginip na 'yun. Sana lang ay managinip ulit ako at tuluyan nang ipaalala nito sa akin ang lahat ng mga dapat kong malaman tungkol sa pagkatao ko.
NAALIMPUNGATAN akong nag-iinat ng katawan ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Ang sarap matulog at para bang hindi pa gustong dumilat ng mga mata ko at bumangon ang katawan ko. Pero ilang segundo lang ang nagdaan ay nagdesisyon na rin akong tuluyan nang magmulat ng mga mata ko, alam kong umaga na at maliwanag na sa labas dahil maliwanag na rin ang mga bintana. Kulay dilaw ang mga kurtina nito at manipis lang kaya't tagos dito ang liwanag na nagmumula sa labas.
Ilang sandali pa ay sunod ko na ring ibinangon ang katawan ko mula rito sa pagkakahiga, iniikot ko pa nang bahagya ang ulo ko at napahawak sa batok ko dahil medyo sumasakit ang leeg at batok ko. Paggising ko kasi ay nakadapa ako at parang magdamag nang ganun ang posisyon ng higa ko. Hinanap ng mga mata ko ang wall clock para tignan ang oras at no'ng makita ko ito ay kaagad namang bumungad sa akin ang oras na alas nuwebe.
Hindi ko na lang naiwasan ang mapabuntong-hininga dahil hindi na ulit ako nanaginip. Para bang naging payapa lang ang tulog ko hanggang sa magising ako ngayon. Napahawak ako sa sintido ng ulo ko no'ng makaramdam ako nang bahagyang pagka-inis sa sarili ko.
"Bakit hindi ko man lang alam ang dahilan bakit ako hinahabol sa panaginip ko? Ano ba talagang nangyari sa'kin?" Napailing na lang ako sa mga nasabi ko sa isipan ko. Kahit naguguluhan pa ako kung totoo mang nangyari o hindi ang mga napaginipan ko ay hindi ko ito pwedeng basta-basta na lang balewalain.
Hindi nagtagal ay naisipan ko na rin ang umalis dito sa kamang inuupuan ko ngayon, nang makatayo na ako nang tuluyan ay kusa nang tinunton ng mga paa ko ang papunta sa pintuan nitong kwarto. Ilang hakbang lang ang ginawa ko bago ako tuluyang makarating sa harapan nitong pinto, hindi naman kasi gaanong maluwang itong loob ng kwarto kaya hindi rin malayo ang kinaroroonan ng pintuan.
Pinihit ko na ang doorknob ng pinto at pagkatapos ay ibinukas na ito, nang mabuksan ko na ito nang tuluyan ay kaagad na rin akong lumabas mula rito. Pagkalabas ko ay bumungad naman kaagad sa akin ang pasilyong papunta sa hagdanan pababa sa first floor nitong bahay. Siguro ay gising na rin ngayon ang mga kasama ko rito sa bahay at kailangan ko nanamang lakasan ang loob ko para harapin sila, pero sa pagkakataong ito, mukhang wala na akong ibang magagawa pa kundi ang harapin sila ng may tiwala lalo na't tinanggap din naman nila ako rito nang walang ano mang pagdadalawang-isip at pagdududa.