Tahimik lang akong bumababa rito sa hagdan habang iniisip kung saan ba ako unang pupunta. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga pasikot-sikot dito sa loob ng bahay nila. Ang alam ko lang ay ang banyo na siyang pinasukan ko kagabi no'ng naligo ako. May banyo naman doon sa kwartong pinanggalingan ko, ang kaso ay hindi lang iyon ipinagamit sa akin kagabi dahil inaayos pa no'n ang guess room. No'ng makababa na ako nang tuluyan ay iginala ko lang ang mga mata ko sa paligid nitong bahay, tahimik lang at wala man lang katao-tao. "Oh, gising kana pala iha," sabi ng isang babaeng pamilyar na sa akin ang boses. No'ng balingan ko ito ng pansin ay kaagad namang bumungad sa akin ang Auntie ni Toby, nakangiti na rin ito ngayon sa akin nang matamis na para bang maganda ang naging paggising nito ngay

