"Dito po tayo," narinig kong sabi sa akin ni Aling Susan, habang iginigiya na ako nito ngayong pumasok sa loob ng isang kulay silver na gate. Mataas din ito at napakalapad tulad no'ng itim na gate na nasa tapat lang nito sa kabilang bahagi ng kalsada. Pagkapasok namin dito sa loob ng gate ay bumungad kaagad sa akin ang maluwag na espasyo rito sa harapan, makikita rin kaagad ang maraming halaman at iba't ibang uri ng bulaklak sa paligid. Ilang segundo pa ay sinimulan na ring tahakin ni Aling Susan ang malawak na daan dito sa gitna, na siyang pinaliligiran naman ng mga halaman. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumunod sa kanya dahil mas nasabik na ako ngayon na malaman kung ano bang klaseng buhay ang mayroon ako noon, bago pa ako tuluyang mawalan ng ala-ala. "Ito po ang bahay niyo." Hi

