Napapanguso nalang ako habang bitbit ang isang food tray, papunta rito sa counter dahil kabibigay ko lang ng order sa table ng isang customer. "Totoo ba? Naku, nakakaawa naman." "Ays! Nakakatakot na nga talaga ang panahon ngayon." Hindi ko sinasadyang marinig ang mga pinag-uusapan nila Jody at ang isa pang waitress dito sa cafe, hindi ako sigurado kung ano'ng pangalan niya pero, siya yata 'yung naririnig kong tinatawag nila sa pangalang Mila. "Kai. Nabalitaan mo na ba 'yung tungkol sa pinsan ni Ethel?" bungad na tanong sa akin nitong si Jody, no'ng mapansin nila akong makarating malapit sa kinatatayuan nilang dalawa. "Bakit? A-Ano ba ang nangyari?" balik kong tanong sa kanya dahil hindi ko naman talaga alam kung ano'ng pinag-uusapan nila. "Hindi ba't sinabi ni Ma'am Sylvia, late raw

