"Pistol ang tawag sa baril na ito," narinig kong sabi ng lalaki sa tabi ko. Hindi ko na nagawa pang mag-angat ng tingin sa kanya dahil mas natuon na ang pansin ko sa baril na iniaabot nito sa akin ngayon. "Aralin mo kung paano gamitin ang mga ganyang weapon, dahil kakailanganin mo rin 'yan balang araw. Darating ang araw na wala ka nang pwedeng asahan kundi ang sarili mo lang." Hindi ako nagdalawang-isip na kuhanin at hawakan ang baril na ibinibigay nito sa akin. Ramdam ko ang bahagya nitong bigat, pero kahit gano'n ay hindi naman ito naging hadlang sa akin upang mas lalo ko pa itong titigan. Sinisipat ko ang bawat detalye nito, para bang bagong-bago. "Gusto mo na bang simulan ang training?" sa tanong ng lalaking kausap ko ay marahan na akong nag-angat ng tingin dito. Gano'n nalang ang pa

