Alas-diyes y medya na ngayon ng gabi, pero magpahanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa sala. Nakaupo ako rito sa mahabang sofa at katabi ko ngayon dito si Auntie Sylvia, samantalang ang nakatatanda naman niyang kapatid na si Uncle Marco ay nakaupo lang din sa sofa na nasa harapan namin. Ilang sandali pa ay dumating na rin dito si Auntie Vilma na bitbit ang isang food tray, sa ibabaw no'n ay nakapatong ang apat na tasa ng kape. "Hindi talaga ako makapaniwala na makikita pa ulit kita, at dito pa mismo sa bahay ng kapatid ko," narinig kong sabi sa akin ni Uncle Marco. "Simula no'ng umalis ka sa hospital ay hindi na ako natahimik. Sinubukan pa nga kitang hanapin noon dahil hindi ko alam kung maayos na ba ang kalagayan mo, o 'di naman kaya ay napahamak kana," dagdag nitong sabi, na siyan

