Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana nitong bus na sinasakyan ko ngayon at nalulunod sa pag-iisip tungkol sa mga bagay na natuklasan ko kanina. Hindi maalis sa isipan ko ang tungkol sa mga naging employer niya noon sa ibang bansa, kaya naman naglakas-loob na lamang ako na tanungin siya. Hanggang ngayon ay para bang naririnig ko pa rin sa isipin ko ang boses niya, maging ang mga bagay na sinabi nito sa akin kanina... "Tita Stella, p-pwede ko ho bang m-malaman ang buong pangalan ng mga naging employer niyo noon sa U.S?" "Pasensya kana iha, simula kasi no'ng naoperahan ako dahil sa brain tumor ko. Mayroon na ako'ng mga bagay at detalye na hindi ko maalala, naalala ko lang naman ulit ang mga taong 'yun dahil sa'yo." "Wala na ho ba talaga kayong maalala, k-kahit iyong pangalan lang po san

