Chapter 15

1236 Words
CHAPTER 15 FIERCE'S   Naalimpungatan ako ng may marinig ako na nagkakagulo. May nangingibabaw na boses na parang may hawak na megaphone at nakatapat sa tenga ko. Tumili ako ng pagkalakas-lakas. Effective. Natahimik ang paligid.   Dumilat ako. Hindi ako makakita agad dahil nasisilaw ako sa ilaw na nasa ulunan ko. May mga naka hospital mask, hindi ko sila makilalang lahat.   Maliban don sa isang lalake na nagsimula na namang mag-ingay. Sinisigawan niya ang mga taong mukhang mga nurses at doctor. May kahabaan ang buhok niya kaya familiar siya sakin. Cloak. "C-Cloak..."   "Don't worry you'll be alright angel. Damn it get to work o babarilin ko kayong lahat! Pasalamat kayo wala dito si tita Sage kung hindi wala na kayong mga lisensya!"   Kumunot ang noo ko. ‘Bat ang daldal ni Cloak ngayon?   "Quiet Cloak. L-lalo silang hindi makakapagtrabaho." Saway ko sa kaniya.   "PERO—"   "Shh!"   Madilim pa rin ang anyo niya pero nanahimik na siya. Binibigyan niya ng matalim na tingin ang mga doctor habang kumikilos kaya tense na tense lahat ng tao.   Sinubukan kong hindi umaray habang ginagamot nila ako. Halos kasingsakit nang nilatigo ako ang pag gamot sa akin ngayon. Kulang na lang hilahin ko ang kamay ng doctor para ako na lang ang gumamot sa sarili ko dahil ang bagal nilang mag gamot. Sabagay, alangan namang bilisan nila ang ginagawa nila eh di hindi naayos.   Naririnig ko ang tunog ng pagpunit ng damit ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Cloak na seryosong nakatingin sakin. He need to get out of here.   "Sir Cloak—"   "What?!"   "Tatanggalan ho namin ng d-damit si Miss Fierce. Kailangan niyo pong umalis—"   "Nakita ko na lahat yan! At ‘bat niyo siya tatanggalan ng damit?! Eh di nakita niyo na lahat?!"   "Sir, babae naman po kaming lahat."   Sasagot pa sana si Cloak pero pinigilan ko na siya. Tumahimik naman siya pero masama parin ang tingin niya doon sa mga nurses at doctor.   Napasigaw ako ng may naramdaman ako na inilagay sakin. Gusto ko pa sanang takpan ang sarili ko ang kaso hindi na pwede dahil pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay.   Kahit unti unti na akong nawawalan ng ulirat at sobrang sakit na ang nararamdaman ko hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinitingnan si Cloak na pigil na pigil ang sarili niya na sigawan ang mga nasa paligid niya.   That's the last thing I remember. Cloak terrorizing everyone for me.      CLOAK'S POV   Hindi ko alam kung bakit ang babagal nilang kumilos. Kumukunot ang noo ko habang napapatingin kay Fierce na wala ng malay ngayon. Puro sugat ang katawan niya and I bet hindi niya magugustuhan kapag nakita niya ang mga yon.   "Is there any way para matanggal lahat ng marka?" tanong ko.   Tumingin sakin ang doctor. Kita sa mukha niya na namumutla siya. May mga nurse din na nanginginig habang nakatingin sakin. They should be scared dahil kapag may nangyaring masama kay Fierce ihahagis ko sila palabas ng The Camp. Ang babagal nilang kumilos lahat.   "Meron ho. May bagong invention po sa baba."   She's talking about the underground facility. I can hear a but in her words and I have a feeling that I won't like it.   "What's the catch?"   "First we need to inject her with the scar removal solution. It's called 'fade'"   "And?"   "Masakit po siya kapag kumalat na sa katawan. Dadaanan niya lahat ng nagkasugat. As fast as a week gagaling na lahat. Matatanggal din ang mga marka—"   "Now wait, are you telling me that it will f*****g hurt for a week?!"   "S-sir..."   Masama na ang pagkakatingin ko sa kaniya. Lahat ng suggestion nila hindi maganda. Anong maitutulong kay Fierce niyon kung mahihirapan siya sa isang buong linggo? Kaya ba nilang makita ng ganon si Fierce? Dahil ako hindi/   Naiinis na tumalikod ako sa kaniya. Pero humarap din ako dahil hindi ko matiis na hindi tingnan si Fierce. She looks so fragile. I'm gonna kill that woman that hurt her.   Napatingin ako ng bumukas ang pinto. Pumasok si tita Sage na nagsusuot na ng mask. Tumingin siya sakin at tumango pagkatapos ay pinaalis ang doctor na gumagamot kay Fierce. Mukhang sayang-saya ang doctor na umalis dahil narinig ko pa siyang bumuntong hininga na parang life saver niya si tita Sage.   "You're scaring them. Lalo silang walang matatapos na trabaho." Sabi ni Tita.   "Ang bagal—"   "Hindi minamadali ang panggagamot."   Hindi na ako nakaimik. Kung sila Craige at ang daddy nila ay takot kay tita Sage. Lalo na ako. Kapag sinabi si Tita Sage, walang choice ang kahit na sino kung hindi sumunod. Reyna siya ng The Camp. And no one can messed with the queen.   "Ilalagay ko ‘to kay Fierce. It will hurt for a for a week kung hindi ko ‘to ilalagay. This other syringe contains something that can stop the pain. Ang kaso may kapalit."   "What is it tita?"   "Hindi makakalakad si Fierce for a week. This won't numb her entire body. Kalahati lang ng katawan niya."   "And her wounds and scars will be healed?"   "Yes."   Napalunok ako. Masasaktan pa rin siya. Pero kailangan namin ‘tong gawin dahil kailangan ipagpatuloy ni Fierce ang mission. Rght now I don't care an ounce over that mission. All I care about is Fierce.   "Do it, tita."   Nakita kong lumapit siya sa isang glass cabinet na nandoon. May kinuha siya na maliit na tube na may kulay pinkish na likido. Pagkatapos ay ginamit niya ang syringe. Kinuha niya pa ang isa na heringilya at iyon ang ginamit. May nilagay din siya na likodo roon. Kulay berdenaman.   Kinakabahan na napatingin ako kay Fierce ng lumapit sa kaniya si tita Sage. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa gamot. But pain for the outside is different from the inside.   Napatingin ako kay Fierce ng bigla siyang sumigaw. May isang nurse na hinawakan siya para pigilan siya sa pag-angat. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.   "It'll be alright okay? Trust me, angel."   Napatiim bagang ako ng makita ko lahat ng sugat niya. Kapag nahanap ko ang babaeng gumawa nito, ako mismo ang manglalatigo sa kaniya. Hindi ko na kailangang gantihan ang dalawa pa dahil patay na sila.   Kasalukuyang ini-rerestore ang security camera sa loob ng basement kung saan ikinulong si Fierce.   Hindi kasi namin maintindihan kung pa’no niya napatay ang dalawang babae. Samantalang halata sa katawan niya na mas matagal siyang pinahirapan.   "Hindi mag fe-fade ang mga marka ng parang wala lang. Gagaling lang siya agad at puputi ang kulay ng mga ito na halos kasing kulay ni Fierce. Pero para makompleto lahat at mawala ng tuluyan, araw-araw may iinumin siya na gamot." Paliwanag ni Tita Sage   "T-Tita. Nahihirapan na siya—"   "We need to do this. Naka active pa rin si Fierce sa mission niya. Pwede pang gawan ng dahilan ang pagkawala niya ng isang linggo. But you know she need to finish this mission."   Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Fierce. Sigaw siya ng sigaw. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong in-inject ni tita Sage ang isang syringe and slowly, nagsubside ang pamimilipit ni Fierce.   Nakikita kong napapapikit na siya pero parang ayaw niyang matulog. Nakatingin lang siya sakin na parang natatakot siya na mawala ako.   "Sleep."   "D-Don't leave me."   "I won't."   I don't think I have a choice, because right now I found myself, falling for this angel. My fierce angel.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD