CHAPTER 16
FIERCE'S POV
Naalimpungatan ako ng may narinig ako na nag ha-hum sa tabi ko. May marahan ding humahaplos sa braso ko na parang pinapayapa ako.
Tiningnan ko ang nag ha-hum. Cloak.
Akala ko umalis siya. I'm happy to know na hindi niya ako iniwan. Tinignan ko ang ginagawa niya. He's humming the tune of Superman. May hawak siyang manipis na steel tapos may sinulid na kulay blue. "Marunong kang mag-gantsilyo?"
Napatingin sakin. Nanlalaki ang mga mata niya at parang hihimatayin na, pagkatapos ay nagtatakbo siya palabas. Muntik pa siyang madulas.
Sinubukan kong tumayo pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Naiinis na itinulak ko ang paa ko pababa ng kama. Gusto ko talagang umupo. Humawak ako sa gilid ng kama at tumayo.
"Fierce!"
Bigla akong sinalo ni Cloak na dumating na pala bago ako bumagsak sa sahig. Iniupo niya ako sa kama. Nanginginig na tumingin ako sa kaniya at kay tita Sage na nasa likod niya. Something's wrong with me.
"A-Anong nangyayari? Bakit... Bakit parang hindi ako makatayo?" kinakabahan kong tanong.
"Fierce." alanganing nakamasid sa akin si Cloak.
"Please, just tell me the truth!"
Lumapit sakin si tita Sage at inayos ang pagkakaupo ko. Pagkatapos ay may kinuha siya na gamot at ibinigay sakin. Sumunod ako sa kaniya at uminom. Nang matapos ako ay siniyasat niya ang mga binti ko.
"A week or a few days more. Hindi ka makakalakad."
Napasinghap ako pati na si Cloak. mukhang hindi niya ini-expect na sasabihin sakin agad ni tita Sage ng ganon kabilis lahat. Pero mabuti na iyon, hindi ko din naman inaasahan na walang mangyayari sakin pagkatapos ng mga nangyari. Pero hindi ko alam kung dahil pa sa latigo o sa iba pa kaya hindi ako makalakad.
"Ginamitan ka namin ng isang gamot na makakapag pawala sa mga marka na natamo mo. Mas madaling sabihin na may nangyari sayo kaya ka napilay pansamantala kesa mag-explain kung bakit ka may mga marka ka na galing sa latigo. Kung naaalala mo, matinding sakit ang idinulot sayo ng gamot na ibinigay naman sa iyo. Kinailangan naming maglagay sayo ng isa pa nana gamot at iyon ang dahilan kung bakit hindi ka makalakad. That's the effect of the medicine." Paliwanag sa akin ni Tita Sage.
Tumango-tango ako. Tinignan ko si cloak na namumutlang nakatingin sakin. Mukhang natatakot siya sa magiging reaction ko.
"CLOAK! KASALANAN MO TO!" sigaw ko. Niloloko ko lang siya.
"A-Alam ko I’m sorry. Hindi kita dapat iniwan kaso sabi mo— Nevermind I mean kasalanan ko talaga. Sorry Fierce. Kakantahan kita kahit gaano kadaming kanta ang gusto mo. Tapos papatulugin kita sa gabi. Ipaglalaba kita. Ako maghuhugas ng plato. Magwawalis. Magluluto. Kahit hindi na rin natin ituloy ang agreement na kapag nabigo ka sa mission an ito—"
"Sige, gawin mo lahat yan. Wag lang iyong last part." Pagpuputol ko sa mahaba niyang paliwanag.
Nanlaki ang mga mata niya. Pagkaraan ay may sumilay na ngiti sa labi niya. Umuklo siya at lumapit ang muka niya sakin. Kung hindi tumikhim si tita Sage baka—Nevermind!
"Sa ngayon pwede ka ng bumalik as Jarrice. Basta inumin mo lang ang mga gamot mo. Sabihin niyo na lang na nagkaroon ng aksidente, okay?" sabi ni Tita Sage.
"Yes, tita." Sagot ko.
Lumabas na si tita Sage. Nang makaalis siya umupo sa gilid ng kama ko si Cloak at hinawakan ang kamay ko. There's a soft expression in his eyes na hinid ko maipaliwanag.
"Nag ga-gatsilyo ka kanina."
"Yeah."
"San ka natuto?"
"Sa mama ko."
"And where's your mother?"
"She was murdered."
Napasinghap ako. Tiningnan ko siya sa mga mata at may dumaan doon na lungkot na kaagad din namang nawala. Pagkatapos ay dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya. "And your dad?"
"Kasama ng kabit niya."
Napalunok ako. Kinakabahan ako kay Cloak. Hindi ko alam kung mainit ba ang ulo niya o ano. Besides he's acting weird kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Okay ka lang Cloak? Something is bothering you? About your mother?"
"No. I’m just thinking about your reaction. Okay ka lang ba? Mapipilay ka—"
"Its just for a week."
"Kahit na."
"I'm fine."
Nakatingin lang siya sa mga mata ko na parang tinitingnan kung totoo ang sinabi ko. Nginitian ko siya, hindi normal na ngiti. Yung ngiti na parang nagpapatawa. Nag-ala baraccuda style ako. Natawa siya.
"Crazy." Sabi ni Cloak.
"I know."
"For you."
"Huh?"
Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Nagkibit-balikat ako ng hindi siya nag-explain. Mukhang tinatamad na naman siya. Tinignan ko na lang ang sarili ko. Mukhang maganda ang gamot na yun ah. Parang buwan na ang naging treatment ko. Light na lang siya. Konti na lang halos mawawala na siya. Pwede ng takpan ng mahabang damit.
"So babalik na tayo sa pent house ni Jarrice?" tanong ko.
"Kung okay ka na."
"I'm fine."
"Nilatigo ka nila."
"Sarap nga eh!"
Napatawa ako ng pinanlakihan niya ako ng mga mata. Mukhang malapit na niya akong sakalin sa itsura niya. Nginitian ko lang siya at tinapik. "Joke lang. Syempre masakit pero okay na ako ngayon."
"Sure?"
"Sureness!"
Napatingin kami sa pinto ng biglang may kumatok. Pumasok si Yale na naka chef uniform na bukas ang sa harapan. May dala-dala siyang tablet pc.
Lumapit siya samin habang busy na busy na nakatingin doon sa tablet. Parang engrossed na engrossed siya sa pinapanood niya. Nang tumingin siya sakin ay ngumiti siya. "Ang galing mo Fierce. Para kang mumu." sabi niya.
Kinunutan ko siya ng noo. Lumapit siya samin at inabot kay Cloak ang tablet.
"Naayos na ang mga camera and nakuha na namin ang video." Sabi ni Yale.
Nakipanood ako. I wince ng makita ko kung ano ang nandoon. Video iyon kung anong nangyari doon sa loob niyong 'torture room' na kinalagyan ko noon. Kitang kita don kung paano nila ako pinahirapan. Nararamdaman ko na humigpit ang kapit sakin ni Cloak.
Dumidilim din ang muka niya at parang gusto niyang basagin ang tablet ni Yale na kasalukuyang inilalayo na ang tablet.
"Nandito lahat ng recipe ko kaya please wag mong basagin." Pagmamakaawa ni Yale
".............."
"Sabi ko nga aalis ako." Sabi ni Yale at dali dali siyang lumabas ng kwarto. Napahagalpak na naman ako ng tawa.
"Hindi ko alam kung paano pero parang hindi ka apektado sa video na iyon kahit na anong gawin nila sa iyo. Parang wala kang nararamdaman."
"Ayoko din makita niyo ang video. Ayoko na din maalala. But I’m proud of what I did. Because for once I felt how to be brave."
Nakatingin lang siya sakin at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko "Are you really okay?"
"Yes."
"Yung mga latigo sayo—"
"It doesn't hurt much."
"Alam kong masakit iyon."
"Mas masakit kung mapapahamak kayo dahil sakin."
"Damn it Fierce!"
"Cloak..."
"Ayokong nasasaktan ka! Dahil sa lahat ng tao sa mundo ngayon ikaw ang pinaka importante para sakin!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. No. Not that...Not yet. "Cloak...please.”
"I'll wait. Just promise me that you won’t get hurt again."
Lumingon siya sakin. Parang gusto ko na rin umiyak sa nakikita kong sakit sa mga mata niya. Parang hirap na hirap siya at alam kong pinipigil niya din ang sarili niya. "Stop it Cloak."
"No."
"Don't care for me that way."
"Too late."
"Cloak. No."
Hinawakan niya ako sa kamay at pumiksi ako pero hindi niya ako pinakawalan. Niyakap niya ako. "No Cloak. Not that way." Sambit ko.
"I can't stop it."
"You can."
"I cant' and I won’t."
"Please." pakiusap ko
"Listen—"
"No!"
"Listen, Fierce. I'm falling for you."