CHAPTER 14
FIERCE'S POV
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, may nakatakip doon. Nararamdamn ko din ang mahigpit na pagkakatali sa mga kamay at paa ko ng lubid na sumusugat na sa balat ko. May takip din ako sa bibig. Gumalaw ako, pero lalo lang akong nasaktan. Kumikirot din ang hita ko na tinamaan ng bala at alam kong nandoon parin ang bala hanngang ngayon.
Kung hindi ako makakakawala dito mas lalo akong mapapahamak. "Oh gising na tong bisita natin."
Biglang may humila sa nakatakip sa mga mata ko. May nagtanggal din ng nakatali sa bibig ko. Inilibot ko ang paningin ko. May tatlong babae na nakatayo sa harapan ko at nakangisi sakin. Naalala ko ang tinuro sakin ni Cloak dati. Na kailangan kong tandaan ang mukha g kahit na sinong threat sa akin.
Tinitigan ko sila, pagkatapos ay tumingin ako sa kaliwa ko. May upuan doon na puno ng natuyong dugo. "J-Jarrice.."
"Wala si Jarrice dito. Itinago na namin siya sa lugar na hindi mo makikita at ng mga kasamahan mo. Siguradong magagalit ang mga boss namin kapag nakuha si Jarrice samin."
"Bakit ginagawa niyo ‘to sa kaniya? Wala siyang kasalanan."
"Dapat lang na mahirapan ang babaeng yon!"
"Kayo ba ang kasama niya? Doon sa lumang bahay—"
"Hindi. Mga boss namin iyon. Dinala siya doon pagkatapos namin siyang pwersahing kunin sa bahay kung saan sila nagtatagpo-"
"Tama na yan, Jet."
Saglit akong nakahinga ng maluwag na wala pa silang ginagawa para patayin ako. Maybe hindi nila ako papatayin. Baka ipapain lang nila ako. Ngunit kaagad din nawala ang isipin na iyon ng may kinuha ang isang babae. Latigo. "W-What...”
Napahiyaw ako ng bigla niyang ipalo iyon sa hita ko. May mainit na dumaan sa mga hita ko ng pinalo niya yon. Then the searing pain followed.
"Sino ang nagpadala sayo?"
Hindi ako nagsalita. There's no way in hell na ipapahamak ko ang The Camp. Siguro mas mabuting ako na lang ang mapahamak. Then I'll see him again. Harvey.
Napasigaw na naman ako ng may tumama ulit sakin. Pero hindi pa rin ako nagsalita. Pagkaraan ay nawala na ang latigo. Pero muli akong napasigaw ng may bumuhos sa sugat ko. Alcohol.
Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko sa sobrang sakit na dinadanas ko. Kahit hindi dapat, parang gusto ko ng magsalita. Kahit naman sino na masaktan iyonn ang iisipin. Pero naiisip ko ang mga kasamahan ko sa The Camp. Ang mga pamilya nila....at si Cloak. Kaya kahit mamatay na ako ngayon, hindi ako dapat magsalita.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak, hanggang naging hikbi na lamang iyon at hanggang sa tuluyan ng huminto.
Nakita kong napahinto sila sa ginagawa nila ng hindi na ako umiimik kahit anong gawin nilang paghampas sa akin ng latigo. Paulit-ulit nilang ginawa iyon, sinampak nila ako, binuhusan ng alcohol. Pero hindi ako umiimik. Lahat ng sakit na nararamdaman ko, lahat ng sigaw. Nakatago lang iyon.
"Walangya kang babae ka!"
Bigla niya akong sinuntok. Pero nanatili akong walang imik. I can feel the pain, but I can't force myself to move. I can't speak, I can't move even my fingers. But I'm screaming inside...for Cloak to find me.
Because I have no doubt that they're going to kill me.
CLOAK'S POV
Pabalik-balik ako sa loob ng VEIL. Kasalukuyang tina-track ni Marv at Andreige ang tracker na nakakabit kay Fierce. Lahat kami meron noon at nakakabit sa insignia namin. Ilang oras ng nawawala si Fierce at kasalanan ko iyon.
Hindi ko siya dapat iniwan. Pero alam kong kailangan. Hindi kami pwedeng mahuling pareho dahil tiyak hindi kami mapapansin na nawawala na kami ng mga taga-The Camp.
Kanina pa ako na nanahimik dito. Ganito naman ako lagi. Sarili ko lang ang kinakausap ko. Pero sa ngayon, parang gusto kong magwala. We need to find Fierce. Hindi ako nakakasiguro kung ligtas siya ngayon. I need to find her and save her. Kanina katulong ako nila Marv. Pero pinatigil nila ako ng makita nilang hindi ako makapag focus. Maybe, this is what they called guilt.
"Ang hirap hanapin ng tracker niya. Kung nasaan man siya nahihirapan siyang abutin." Sambit ni Marv.
Napatingin ako sa kaniya ng may maisip ako. "Underground."
Nagsimula na naman sila ulit sa ginagawa nila. Napatingin naman ako sa pinto ng pumasok si Paige. Nakangiting lumapit siya sakin."Hi Cloak!" bati nito sa akin.
"............"
"Kamusta?"
".............."
"Naghiwalay na kami ni Aries."
"WHAT?!” gulat na gulat kong sabi.
Nakangiting tumango-tango siya. Nawi-weirdohan ako sa kaniya. Parang ang saya-saya pa niya. At parang hindi siya nalulungkot na nag hiwalay sila. "Yup! Kaya pwede na tayong dalawa. Iiwan ko na nga sila ng mga anak niya eh." Sabi pa niya.
Napalayo ako kay Paige ng tangkain niyang yakapin ako. Tinaasan niya ako ng kilay. "O, bakit?"
"I..."
"What?"
"I'm sorry Paige."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I know I love her still. But I can't...I just can't face this right now. I'm worried for Fierce. Siya lang ang umiikot sa utak ko ngayon. But I should be happy right? This is the woman that I love. So why do n't I feel anything?
"What is it Cloak” tanong niya uli.
"I... I don't think I still love you that way. I can't talk about this right now."
Iniintay ko na sampalin niya ako pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang tumawa. Tapos bigla niya akong niyakap at pumapalakpak na tumalon talon pa siya. Something's wrong with Paige."I’m so happy for you! Actually magdi-dinner kami ni Aries with the babies ngayon. Joke lang iyong kanina. By the way, I’m very sure mahahanap mo si Fierce."
Bigla siyang tumakbo palabas. Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Tumingin ako kina Marveige at Andreige ng marinig ko silang nagkakagulo. Dali-dali na lumapit ako sa kanila. Napatingin ako sa monitor ng makita ko ang tracker ni Fierce. Finally.
Tumakbo ako papunta sa pintuan at pumasok sa kwarto na kanugnog ng VEIL. Iniangat ko ang grills na nakatakip sa isang wall cabinet at kumuha ako ng mga baril. Isinuksok ko din sa bulsa ko ang isang kutsilyo at tumakbo na ako palabas.
Naririnig ko na may tumatakbo sa likod ko pero hindi ko na tinignan.
"Oy sama kami!" sigaw ni Marv at Andreige.
Hinanap ko sa garahe ang motorsiklo ko at dali-dali akong sumakay doon. Pinaharurot ko agad iyon. I need to find her, fast. I want to see her.
Hindi ko mapapatawad ang kahit na sino na mananakit sa kaniya. I'm not really sure what I feel for fierce. I may not in love with Paige now. Naka move on man ako. Pero hindi pa ako handa na magmahal ulit.
I want to take my time with Fierce para walang pagsisisi sa huli. What I know right now is Fierce is a very special girl. A very important person in my life.
FIERCE'S POV
Nakatulog ako. Nagising lang ako ng maramdaman ko na wala ng tao sa kinaroroonan ko. Baka kumakain sila sa labas o may ginagawa.
Sinubukan kong kalagin yung tali sa kamay ko pero sa higpit niyon ay hindi ko magawang makagalaw kahit kaunti. Pero kailangan ko ‘tong gawin dahil hindi ako pwedeng umasa na lang sa magliligtas sakin.
Nakatali na ngayon sa likuran ko ang mga kamay ko. Kanina kasi nakatali iyon sa armrest ng upuan. Kinapa ko ang lubid, katulad ng turo sakin ni Cloak noon.
May weakness daw ang bawat tali. Hindi daw maaring maging perpekto ang kinalalabasan ng pagkakatali lalo na kapag nagmamadali. Sinubukan kong hanapin ang sinasabi ni Cloak, nang makapa ko iyon ay sinubukan ko na kalasin ang tali.
Tagaktak na aang pawis ko, may mga sugat din ako sa braso kaya sumasakit kapag gumagalaw ako. Hindi ko na lang ininda dahil kailangan kong makaalis dito. Nang lumuwag iyon ay nakahinga ako ng maluwag, tumungo ako at kinalag ang pagkakatali sa paa ko. Pagkatapos ay sinubukan kong tumayo.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. I can't feel my legs.
Humawak ako sa isang lamesa para suportahan ang bigat ko dahil hindi talaga ako makalakad. Inabot ko ang latigo, napasigaw na ako ng malaglag ako sa sahig at unang tumama ang hita ko na tinamaan ng bala. I don't want to be like this, I don't want to feel hopeless.
May narinig ako na mga komosyon sa labas. Pagkatapos ay bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo. Nakita ko pa sa labas na may mga lalake din. Mga bantay siguro.
Lumapit ang tatlo sakin. Nauuna ang isa. Itinaas ko ang isang kamay ko at hinagupit ko siya ng latigo. Napatili siya at bumagsak sa sahig pero hindi ko siya tinigilan. Nahagip din ang isa na kaagad na natumba sa sahig, pero iyong nasa likod nila ay nagawang makalapit sakin.
Hindi ako nagpapigil sa kaniya at pinagpatuloy ko ang pagpalo doon sa dalawang babae. Kumpara sakin, mukang hindi nila kayang tagalan ang latigo.
One final whip. Hindi na sila umimik. Dead.
Naramdaman ko na may tumama sa mukha ko ng malakas. Napasubsob ako sa sahig. May umagaw sakin nung latigo at tumama iyon sa likod ko.
"Walangya ka!"
Katulad kanina, hindi ulit ako umimik. Hinayaan ko siya sa ginagawa niya. It hurts. Heaven knows how much it hurts. Pero wala namang matutulong ang pagsigaw. Hinagupit niya ako ng hinagupit. Harvey.
"Fierce!"
Napadilat ako. Nilingon ko ang babae na pumapalo sakin pero nawala siya. May lumapit sakin at niyugyog ako. It took all my strength to focus my eyes on him.
"C-Cloak..."
"Marv get that woman! Hindi pa siya nakakalayo. Tinamaan ko siya kanina!"
May narinig akong mga yabag. Napapapikit ako pero niyugyog lang ulit ako ni Cloak. "Angel. Open your eyes! Fierce please..."
Sinubukan kong dumilat. Pinilit ko kahit nahihirapan na ako. I don't know how long I endured the pain, pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pang tiisin. Too much. It’s too much.
"You'll gonna be fine now okay? Just hold on please."
"Y-You're crying..."
"Yes I am! Now...don’t go okay?"
"Makikita ko na si Harvey—"
"Damn it! No! Stay with me. Iniwan ka niya kaya wala na siyang karapatan sayo! Don't leave me. Promise me. Stay, Fierce."
"W-Why?"
"I don't want too lose you. So don't leave me..."
Napapikit na ako. Naririnig ko ang boses ni Cloak. Sigaw siya ng sigaw. Naiinis na minulat ko ang mata ko at namataan ko si Andreige na nasa likod niya.
"Come on, Cloak. Give the woman a break." Sambit ni Andreige.
"No!" sigaw ni Cloak.
Sinimangutan ko si Cloak. I don't feel like dying now but I’m really tired.
"Pwede bang tumahimik ka muna Cloak? Pinili mo pa talaga ‘tong araw na ‘to para dumaldal. I won’t die okay? Just let me sleep please?"
Napatunganga sakin si Cloak then he laugh. "I don't know what to do to you woman." .
"How about just kiss me?"
"Yes, ma'am."