Chapter 13

1492 Words
CHAPTER 13 FIERCE'S POV   Kasalukuyan kaming papunta ni Cloak sa address na nakuha namin sa bahay na tinuluyan nila Jarrice. Pero bago kami kumilos pina-check muna namin ang mga gamit na nakuha namin.   Tumugma kay Jarrice. Kaya ngayon papunta kami sa address na nakuha namin. Hindi ko alam kung address iyon papunta sa susunod nilang pupuntahan. Para kasing imposible. Kung nakagapos si Jarrice sa upuan, pa’no niya maisusulat iyon diba?   Pwedeng address ‘to kung saan siya dinala bago siya nakuha ng mga kumuha sa kaniya. Basta kahit ano pa iyon, kailangan naming malaman.   Ito na lang ang nag-iisa naming clue sa ngayon. Nilingon ko si Cloak na pa-easy easy lang sa pagda-drive. Parang fresh na fresh siya ngayong gabi. Sabi niya sakin kanina fully re-charge na daw siya. Dahil sa nangyari kahapon.   Half SPG. "You're thinking about it again." Pukaw ni Cloak.   "Hindi ah!—"   Napatawa si Cloak. "Ang ibig ko lang sabihin, iniisip mo na naman ang tungkol kay Jarrice."   Namula ako. Huli.   Tumahimik na lang ako habang nakikininig sa music. Si Cloak naman ay smug na smug habang nagda-drive, malamang iniisip niya na hindi ko makalimutan ang half SPG niya. Well, hindi ko nga makakalimutan.   Nang hindi na ako mapakali kinuha ko ang cellphone ni Cloak at naglaro. Wala ng mga messages iyon dahil binura na niya kahapon. Kinalikot ko ang cellphone niya at naghanap ng games na luckily ay meron naman.   Sinubukan ko lahat sa sobrang boredom ko. Ang haba kasi ng biyahe. Kung sana madami kami ngayon baka sakaling hindi boring, pero I doubt it, baka ma-bored lang din kaming lahat.   "Ano ba naman ‘tong mga games mo Cloak pambata."   "............."   "Wala ka bang pang-adult na laro diyan?"   "Meron."   "Saan? Dali ituro mo sakin."   Kinuha niya sakin ang cellphone at nagpipindot doon. Tapos ngumisi siya at ibinigay sakin ang phone, parang may kakaiba sa ngiti niya. "Anong meron?"   "Basic muna yan. Laro ng adult"   Tumingin ako sa cellphone. Muntik ko ng maibato yon ng makita ko ang babae't lalake na nasa kasagsagan ng halikan. Part esiguro ito ng isang movie dahil nakilala ko ang artista. Nakasimangot na mahinang ipinukpok ko sa ulo ni Cloak ang phone bago ko in-exit ang video.   "Baliw ka."   "Ikaw ang may sabi na gusto mo ng laro na pang matanda."   "Manyak."   "............"   "Minsan talaga ang sarap mong ibaon sa lupa."   "Wag mo naman akong ibaon sa lupa, bakit hindi na lang sa puso mo?"   Napatulala ako. Saan galing iyon? Si Cloak bumabanat? Sa itsura niya ngayon mukhang asiwa din siya sa sinabi niya dahil nakangiwi siya habang nakatingin sa dinadaanan namin. "Saan mo nakuha iyon?" tanong ko.   "................"   "Cloak pipe ka ba?"   "Bakit?"   "Bakit ka diyan? Magsalita ka uy! Saan galing iyong kanina?"   "Kay Craige. Tinext niya ako kaninang umaga."   "Weh? Paano magkakaron ng ganoon si Craige?"   "Kasi may nagpasa sa kaniya galing sa BHO."   Napatango-tango ako.That figures, kung naniniwala ako na hindi marunong bumanat si Cloak lalo na si Craige na numero unong mas malamig pa sa ice burg.   Pinaglaruan ko na lang ulit ang cellphone niya. Tinaas ko ang mga paa ko sa dashboard habang pinagtiya-tiyagaan ko ang laro niya sa cellphone. Hindi ko siya pinansin ng maramdaman kong patingin-tingin siya sakin.   "What?" tanong ko.   "......."   "Ewan ko sayo."   Nang makarating kami sa address ay kaagad na bumaba ako. Nag inat-inat ako dahil sumasakit na ang likod ko sa kakaupo. Ang tagal din nang biyahe namin.   Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Hiwa-hiwalay ang mga bahay. At ang bahay na nasa tapat namin ngayon may kaliitan lang siya. Kumatok kami sa gate pero wala namang sumasagot. Nagpalinga-linga ako at tinignan kung may tao sa paligid. Nang matiyak ko na wala ay isinuot ko ang kamay ko sa may gate. Dahil maliit lang ang kamay ko naipasok ko iyon sa siwang at nabuksan ko ang pintuan.   Nilingon ko si Cloak at ngumisi ng mabuksan ko iyon. Pumasok na kami sa loob, sa tantiya ko mukhang may katagalan na rin na na-abandona ang bahay. Siguro sakto na nawala si Jarrice.   "Walang tao." Sabi ni Cloak.   "Maaring dito sila unang pumunta."   "........."   "Malay mo dito nila kinuha si Jarrice."   Pumunta kami sa front door. May ginawa si Cloak doon at agad na nabuksan iyon. Nauna siyang pumasok at huminto saglit, pagkatapos ay lumingon siya sakin.   "Walang tao. Pero may mga bangkay dito."   Napasinghap ako. Kinilabutan ako sa sinabi niya at nagtataka din ako kung pa’no niya nalaman. Wala naman akong naamoy.   "Pa’no mo nalaman?" tanong ko.   "I don’t know."   Ang gandang sagot. Pumasok na kami sa loob. Pumunta kami sa kusina at napatakip ako sa bibig ko, naamoy ko na. May dalawang naagnas na bangkay sa kusina. Base sa uniporme nito ay maaring nagtatrabaho ang babae bilang kasambaha dito.   Nilabas muna ako ni Cloak sa living room. "What do you think?"   Huminga muna ako ng malalim. Mission ko ‘to. Kaya hindi ko pwedeng i-asa kay Cloak lahat. Dapat matuto akong kumilos sa sarili ko. Tumingin ako sa paligid.   May mga basag na gamit sa hagdanan, baso, may nakatumbang upuan. Magulo ang sofa. May mga patak ng dugo. Basag din ang coffee table. At basag ang maliit na part ng bintana na malapit sa pinto na kasya ang kamay ng isang tao.   "May struggle. Siguro huminto siya sa hagdanan at may dala siyang inumin. Nabagsak niya iyonn nang binasag ang bintananiya at nakapasok ang kung sino man. Hinila siya. Tumama sa upuan. Itinulak sa sofa at nagpumiglas siya kaya nabasag ang coffee table."   "Right. That's a possibility."   "Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit siya nandito? Ang laki ng bahay niya sa Manila ah. Saka bakit puro babae ang kumuha sa kaniya. Ano iyon? May gusto sa kaniya?"   Nakatingin lang sakin si Cloak. Pero mukang nag-iisip siya.   "Wala kang maisip no?" tanong ko.   "..............."   "Siguro may kinakatagpo siya dito—"   Nagulat ako ng biglang napapalo si Cloak sa noo niya tapos ay nagpipindot siya siya sa phone niya. Pagkaraan ay tumatango-tango na siya.   "What?" tanong ko.   "Hindi pa kompirmado pero mukang may kinatagpo nga siya dito."   Kung nagtatago sila baka talagang ayaw niya o noong lalake na may makaalam na nagkikita sila. Hindi naman sila magtatago dahil wala lang.   Nagulat ako ng bigla akong hinatak ni Cloak papunta sa sa may ilalim ng hagdanan. May maliit na pintuan doon. Binuksan niya iyon at pumasok kami.   "What—" Naputol ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.   "Bakit ba kasi bumalik tayo dito? Mamaya may nag-aabang satin dito dahil sa pagkawala ni  Jarrice."   "Walang may alam ng lugar na ‘to maliban satin, kay Jarrice at kay papa."   "Bakit ba kasi kailangan nating bumalik dito?"   "Dahil ang pesteng Jarrice na iyon sinabing may magliligtas na daw sa kaniya. At may palagay na ako dito ang unang pupuntahan ng kung sino man na maghahanap sa kaniya. Madulas talaga ang babaeng iyon. Nakakagawa ng paraan."   Napatingin ako kay Cloak. Pa’no niya narinig na parating ang mga babaeng nagsasalita ngayon kung wala nga akong narinig kanina? Pinilit kong tanggalin ang pagkakatakip niya sa bibig ko pero hindi niya ako binitawan. Nilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi niya. Tumahimik daw ako. Tumigil ako sa pagpupumiglas at nakinig ng mabuti. May mga yabag papalapit sa kinaroroonan namin. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko si Cloak.   He leaned closer to me and breathed to my ear. "You'll gonna be alright."   Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na ang mga yabag. Pakiramdam ko ay namumutla na ako dahil hindi na ako makahinga at naiinitan na ako sa kinaroroonan namin.   Dahan-dahang binitawan ako ni Cloak. "Breathe."   Hindi naman ako claustrophobic. Pero dahil narin siguro sa pinagsamang takot at kaba ay nagkakaganito ako.    "Fie?" tawag niya sa akin.   Tinapik ko siya para sabihing okay lang ako pero hindi ko magawa. Hindi talaga ako makahinga. Sobrang sikip kasi ng kinaroroonan namin ngayon. "Look at me Fierce.”   Nakita kong nagpapanic na ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at hinalikan. I think he's giving me some air. Nang tumigil na siya ay bigla siyang umikot. Hinila niya ang kamay ko papunta sa balikat niya tapos ay binuksan niya ang pintuan. Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa hita. Piggyback ride.   "I-I'm fine..." sambit ko.   "You're not."   "I'm fine."   Napahiyaw ako ng bigla akong bumagsak kasunod ng isang putok ng baril. May tumama sa hita ko. Si Cloak naman ay nanlalaki ang mga mata na dinaluhan ak.   "Run." Utos ko kay Cloak.   "No."   "Run then save me. Hindi pwedeng sabay tayong mahuli."   Nakatingin lang siya sakin. Naririnig ko na ang mga yabag. Binaril nila kami mula sa labas. Nakita kong napapikit siya pagkatapos ay hinila niya ako at hinalikan. Mabilis lamang iyon at pagkatapos ay mabilis na umalis.   Tama ang ginawa niya. Hindi kami makakaligtas pareho ngayon pero alam kong kukunin niya akong pabalik.   He'll save me. I know he will.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD