Chapter 12

1469 Words
CHAPTER 12 FIERCE'S POV   Nagising ako ng naramdaman ko na may kalamigan na bagay na dumadampi sa mukha ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko matagal-tagal narin akong nakapikit.   Una kong nakita si Cloak na mukhang alalang-alala na nakatingin sakin ngayon. May hawak siya na panyo na binasa ng tubig at idinadampi niya iyon sa muhka ko. "H-Hey."   "Hi."   "Are you alright? May masakit ba sayo? May nabali ba sayo? Dadalin na ba kita sa hospital para magamot ka? Tama! Ambulansiya. Ay hindi, dapat mag drive na ako—"   "Relax Cloak. I’m fine."   Nasa likod pala kami ng kotse kung saan hinihintay niya akong gumising. Wala na kami sa bahay kung saan dinala si Jarrice. Nasa gilid na kami ng daan.   Mukhang hindi na kinaya ni Cloak na mag drive at huminto na lang siya kaya nakatigil   kami ngayon. Namumutla na rin siya. "I'm okay, swear. Natakot lang ako kanina."   Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap. Mukha ngang natakot siya ng todo. Sabagay kahit ako matatakot kung mahuhulog si Cloak doon.   Bigla siyang humiwalay sakin dahilan para maumpog siya sa bubuong ng kotse. Napatawa na lang ako. Naningkit ang  mgamata niya at bigla na lang akong kiniliti.   "Cloak! Stop!" natatawa kong sabi.   Hindi niya ako tigilan. Sinubukan kong gumanti sa kaniya pero pinigilan lang niya ang kamay ko. Tawa ako ng tawa sa ginagawa niya. Napatigil lang kami ng biglang may kumatok sa bintana. Binaba ni Cloak ang bintana, may pulis sa labas na nakatingin samin.   "Bawal ho, dito yan sir. May motel naman malapit dito."   Halos sabay na namula ang mukha namin ni Cloak. Lumabas si Cloak at kinausap ang pulis pagkatapos ay nagpunta na siya sa driver side. Nang umandar na ang sasakyan ay humawak ako sa upuan ni Cloak at lumipat ako sa unahan.   "Ikaw kasi eh." Sabi ko.   "........."   "Galit ka?"   "No, of course not."   Ngumiti na lang ako. Tumagilid ako ng upo para nakaharap ako sa kaniya. Niyakap ko ang tuhod ko habang titig na titig kay Cloak. Mukhang hindi naman siya naiilang ngayon na tinititigan ko siya.   "Want something to eat?" tanong ni Cloak sa akin.   "Jollibee."   "Hmm."   Pinalo ko siya sa braso ng naisip ko kung ano ang iniisip niya. Ngumiti lang siya at kumindat sakin. How can be a grown up man be cute? Alam ko ang cute para sa bata lang.    Dumaan kami sa drive thru. Nag-order ako ng yum burger at french fries at siya naman ay Jolly hotdog. Natagalan kami dahil ilang beses nagkakamali ang nag o-operate dahil sa kakatitig kay Cloak.   I rolled my eyes. Nang umandar na kami ay sabay na kaming kumain. Sinubukan ko na aliwin ang sarili ko sa tanawin sa labas ngunit dahil sa traffic ay hindi ko na napigilan ang boredom ko.   "Hey Cloak. What's your favorite color?"   "Green."   "Kasi green minded ka?"   Tumawa lang siya. Saglit na napatulala ako bago ko inabot ang coke at uminom. That laugh. That should be illegal. "A-Anong favorite food mo?”   "Jollibee."   "Right. Especially after your re-charge thingy. How about your favorite kind of transportation?"   "Motorcycle."   "Dahil nakakatyansing ka—"   Naputol ang sasabihin ko sa pagtawa niya "Angel, kanina mo pa ako pinipintasan."   Nag-peace sign lang ako sa kaniya. Ngumiti lang siya at pinagpatuloy na ang pagda-drive ng umusad na ang traffic. Buti naman dahil naiinitan na ako. Tirik na tirik kaya ang araw.   "Fine, next. Who's your first crush? Kung ayaw mong sagutin, okay lang."   "I don't mind. My first crush is Angelina Jolie."   Napatawa ako. Who wouldn’t have a crush on Angelina Jolie? Ang cool kaya niya. "Your first love?"   Nakita kong napatigil siya.Tumingin siya sa labas ng bintana ng ma-traffic kami ulit. Bahagya akong kinabahan. Alam ko naman kung ano ang sagot niya.   "Paige."   "O-Okay. What's your favorite song?"   "Superman."   Napangiti ako. Right, iy9ong kinanta niya sakin. Pa’no ko makakalimutan iyon? Nung matapos siyang kumanta, merong nangyari na—Nevermind!   "May nakantahan ka na ba na iba?" tanong ko.   "Wala pa. Hindi ako mahilig kumanta."   "Maganda naman ang boses mo ah."   Nagkibit balikat siya. Ngiting ngiti ako dahil sa sinabi niyang wala pa siyang kinakantahan na iba. Meaning ako pa lang. I don't know why but that really made me happy. "Cloak. Alam mo parang ang sakit ng labi ko."   "Ha? Bakit? Anong nangyari? Sandali dadalin kita sa ospital—"   "Ang sakit ng labi ko, parang kailangan ko ata ng kisspirin at yakapsule."   Dahil traffic pa malakas ang loob ko na dumukwang sa kaniya at halikan siya. Yumakap din ako sa leeg niya. Napangiti ako ng maramdaman ko na sumagot siya sa halik ko. Nang matapos ako ay nakangiting bumalik ako sa pagkakaupo ko.   "Akala ko naman kung ano nangyari." S   "Ikaw nga ang daming dahilan para makahalik eh."   "............"   Nakangiting pinaandar na niya ang sasakyan..   "Color?" sambit ni Cloak.   "Huh?"   "............"   Hindi siya sumagot. Inisip ko ang sinabi niya at pagkaraan ay napangiti ako. Tinatanong niya kung anong favorite ko na color at mukhang tinatamad na naman siyang magsalita masyado. "I love blue."   "Food?"   "Seafoods."   "Transportation?"   "Car. Basta iyong mabilis. Madali akong ma-bored eh."   "First crush?"   "Si Brad Pitt."   Pareho kaming natawa. Siya ang first crush niya si Angelina Jolie, ako naman si Brad Pitt. "First love?" tanong uli ni Cloak.   Hindi ako nakasagot. Iisa lang naman ang taong minahal at mahal ko. Hindi ko lang alam kung bakit parang ayokong sabihin sa kaniya. "Fierce?" pukaw niya sa akin.   "Si Harvey."   Nakita kong saglit siyang natigilan. Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan. "Do you still love him?" t   "Y-Yes."   Alam kong totoo ang sinabi ko. I still love Harvey and I don't think it's possible for my feelings to go away. I may be feeling something towards Cloak, but that doesn't mean I already moved on.   "Why?"   "Do you still love Paige?"   "Answer the question—"   "Kapag nasagot mo ang tanong ko, alam mo na kung anong sagot sa tanong mo."   Tumingin siya sakin. Pagkatapos ay ibinalik na ulit niya sa daan ang tingin niya. Pagkaraan ay sumagot siya. "Yes."   See that? Pareho lang kaming dalawa na may emotional baggage. Kasi hindi naman natin kayang piliin kung kailan tayo magmamahal at kung kailan tayo titigil sa pagmamahal. Hindi ganoon kadaling mag move-on. Hindi ganon kadaling sabihin na iba na lang ang mahalin dahil kung gaano kahirap hanapin ang tunay na pagmamahal, ganin din kahirap na kalimutan iyon.   Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa pent house ni Jarrice.  "Want something to drink?" tanong ni Cloak ng nasa loob na kami.   "Yup."   Umalis siya saglit. Nahahapo na umupo muna ako sa sofa. Nang bumalik si Cloak ay may dala na siyang dalawang kopita, inabot niya sakin iyon.   "Drink. Namumutla ka parin."   "Nagsalita ang hindi namumutla."   Umupo siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sa kaniya at napangiti ako ng makitang namumula ang mukha niya habang nakatingin sa kaliwa niya. Mukhang hindi niya gustong makita ko ang pamumula ng mukha niya.   Too late.   "Why are you holding my hand?” tanong ko.   "I just feel doing it."   Nakatingin lang ako sa kamay namin na magkasalikop. How can something that we have...something that can't be named, feels so right?   "I'm sorry." Sabi ni Cloak.   Nagtatakang tinignan ko siya. "Bakit ka nagso-sorry?”   "Dahil hindi ko kayang lumayo sayo kahit alam kong dapat kong gawin iyon para hindi ka masaktan. Fierce, I don't think I'm ready to love again and I don't think that something I can give again."   Pareho lang kaming walang choice dahil pareho naming hindi kaya na malayo sa isa’t isa. Kahit na pareho pa rin kaming hindi handa na magmahal.   "Marami pa tayong oras."   "I know and heaven knows how much I like to spend more time to you. Just be patient with me."   Ngumiti ako sa kaniya. Napatingin ako sa cellphone niya ng mag beep iyon. Sumilip ako at napangunot noo ako ng makita ko ang pangalan nung caller. Gretchen.   And may nakalagay na asteris sa unahan ng pangalan. Sabi sakin ni Paige noon lahat ng may ganoon ay mga flings ni Cloak at mga ‘charger’ niya.   "Pumunta ka na nga diyan sa charger mong manyak ka!" singhal ko sabay palo sa braso niya.   "As always woman. Maingay ka pa rin."   Kinurot ko siya at pinagpapapalo. Tumigil lang ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay at dinaganan. Nanlaki ang mga mata ko ng hindi niya ako hinayaang makaalis.   "Hindi ko kailangan ng charger. I only have a special charger here. Very special."   "Pero..."   "That what makes it special. We don’t need to do it but I’m fully satisfied."   Mukhang uulitin na naman niya ang 'half' SPG namin.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD