CHAPTER 11
FIERCE'S POV
Nakatingin ako sa folder na hawak ko. Galing sa VEIL. Meron daw silang nakuhanan ng information na may nakakita sa isang babae na walang iba kundi si Jarrice.
Bumaba daw si Jarrice kasama ang ilang babae. Wala naman daw struggle na nakita pero parang may kung ano daw sa mata ni Jarrice ayon sa source. Para daw humihingi ng tulong.
Ang clue lang namin ay puro babae ang kumuha sa kaniya. Pangalawa, alam namin ang lugar kung saan siya dinala. Ang problema nga lang namin ay hindi namin alam kung nandon pa sila ngayon. Kasalukuyang pinahaharurot ni Cloak ang sinasakyan namin. Hindi na nga namin naabutan ang mga stop light sa sobrang bilis ni Cloak.
Inabot ko ang footlong na binili namin kanina. Buti nga mukhang early bird ang may-ari ng stall na binilan namin dahil ang aga niyang gumising. Madaling araw pa lang ngayon. Nakapang-tulog pa nga ako, si Cloak nakapang alis since nakabihis na siya ng pilit niya akong ginising mula sa pakikipagkita ko sa long time crush ko na si Ian Somerhalder sa panaginip ko.
Sa tingin ko may insomnia ang manong na nagtinda samin kaya ang aga niyang nagising. Alas kwatro pa lang eh. O kaya baka kailangan niya talagang kikitain ngayon.
Kumagat na ako doon sa footlong at nilingon ko si Cloak na busy na busy sa pag da-drive. "Gusto mo?"
"..........."
That's a yes I guess.
Nilapit ko sa kaniya ang dulo ng footlong at kaagad na kumagat siya don. Inilayo ko na sa kaniya ang footlong. Ngumiti siya at kinuha yag kamay ko. Napasinghap ako ng sinubo niya ang forefinger ko na may ketchup at cheese pa.
"Sarap."sabi niya.
Napailing na lang ako. Ang landi talaga ng lalaking ‘to. Hindi na ako magtataka kung bakit lagi siyang pinagsasamantalahan ng mga flings niya kapag nakikita siya. Parang wala naman kasi siyang angal.
"Bakit ka nag-agent Cloak? bakit hindi ka na lang nag gi-golo kung parang nandoon naman ang talento mo?"
Lumingon siya sakin at tinignan ako ng masama. Nag peace sign lang ako sa kaniya.
Tumingin ako sa labas ng biglang umulan. Mahihirapan nito si Cloak na magdrive since dudulas ang dadaanan namin. "We need to slow down, umuulan—"
"You'll be fine, trust me." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
I trust him. Kung sasabihin niya nga sakin ngayon na race car driver siya dati, hindi na ako magtataka since parang kaya naman niyang gawin lahat.
"Bakit? Dati ka bang sumasali sa racing?" tanong ko.
"Yes."
Nanlaki ang mga mata ko. Nagbibiro lang ako. Akalain mo tama pala. Well sa itsura naman ni Cloak mukha naman siyang maraming kayang gawin. Siya iyong tipo ng tao na oozing with s*x appeal— I mean oozing with confidence.
"Seryoso?”
"............."
"Seryoso ka nga. Wow. Racing? Ang cool naman non. Bakit ka tumigil? Naubos na ang kotse mo sa kakabangga mo?"
"No. Namatay ang kaibigan ko na kasali sa competition na sinalihan ko,." Natahimik ako. Me and my big yummy mouth. Lumingon ako kay Cloak at tinitigan ko siya. Seryoso parin siyang nakatingin sa dinadaanan namin, pero hindi ko alam kung galit siya sa ka- tsismosahan ko.
"Stop fidgeting. I’m not angry."
"Weh?”
"..........."
"Seriously?"
"............"
"Really?"
".........."
"As in?—"
Nagulat ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan, bumaling siya sakin at bigla akong hinalikan.
Habol ko ang hininga ko ng bumitiw na siya sa paghalik sakin na parang nilulunod niya ako. Sumisinghap na tinignan ko siya. "What—"
"That's a I'm-Driving-So-Don't-Disturb-Me kiss."
Napailing ako ng pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Expect it from Cloak na makagawa ng dahilan kahit biglaan. I’m very sure na kahit gumawa siya ng krimen hindi siya mahuhuli dahil sa galing niyang mag alibi.
After a few hours of drive nakarating narin kami. Bumaba ako at inilibot ko ang paningin. Bahagya ng sumisikat ang araw kaya may mga ilang tao na na ngayon ay nakatingin sakin dahil ang weird nga ng suot ko. Naka-silk pajamas lang ako at pinatungan ko lang ng robe na kapartner non.
"Dapat kasi nagbihis ka."
"Ano namang akala mo sa suot ko? Imagination? Ikaw kaya ang may kasalanan at ginising gising mo ako ng pagkaaga-aga. Hindi pa ready ang kaluluwa kong gumising kanina."
"Add it to your notes. You must be ready everytime at kahit sa pagtulog mo dapat aware ka sa paligid mo or you'll end up getting killed in your sleep."
Napanguso ako. Fine.
Lumapit kami sa isang babae na nagwawalis malapit sa bahay na siyang sa tingin ko ay ang ibinigay samin na address. Tumingin ako sa gilid ng gate at napatango-tango ako. Eto nga yon.
"Excuse me." Sabi ni Cloak.
"Ano ho iyon?"
"May nakatira ba ditong babae na hanggang dito ang tangkad, mahaba ang buhok na kulot at maputi? May mga kasama pa siyang ibang babae."
"Babae ho?"
"............"
Natatawang hinila ko si Cloak sa likod ko. Mukhang balak niyang gamitan ng silent type of guy method yung ale na kausap namin ngayon. "Hi po. Opo mga babae po. Kapatid ko po kasi iyong isa sa kanila."
"Ganon ba. Ako kasi ang nagbabantay diyan sa bahay na yan kapag walang tumatao. Bibigyan ko na lang kayo ng susi, sandali lang."
Tumalikod na siya at pumasok sa bahay na kalapit ng bahay sa address na binigay samin. "You know hindi ka dapat binibigyan ng ganitong mission. Dapat nakikipag interact kaHindi ka marunong makipagcommunicate."
Nagbaling ako ng tingin sa ale ng lumabas na siya ng bahay niya. Nakangiting inabot niya sakin ang susi at sinabing ibalik ko na lang daw pagkatapos. Nang nagpatuloy na siya sa pagwawalis ay bahagya akong napapapalatak.
Hindi dapat nagbibigay basta-basta ng susi sa kung sino-sino lang. Pa’no pala kung murderer kami? O kaya magnanakaw? O kaya r****t?
I mean si Cloak, r****t. Or rather siya na lang ang re-r**e-in.
Naglakad na kami papasok sa bahay. May mga nagkalat na basyo ng red wine kaya halatang hindi lalaki ang tumira. Dahil kung lalaki bakit hindi na lang beer, gin o kung ano-ano pang hard drinks? May mga upos ng sigarilyo at mga pakete ng kahina-hinalang mga bagay. Pero bukod don wala na kaming ibang nakita.
Maliban na lang siguro sa isang upuan na puro tuyong dugo. Kaya malamang matagal na silang nakaalis dito. Hindi ko alam kung pa’no pero mukang may nagsi-signal sa kanila.
Iyon ang mahirap sa mission na ‘to. Hindi namin alam kung sino ang kakampi. May kinuha akong maliit na kit na nasa bulsa ng robe ko. Kinuha ko ang maliit na glass at bahagya kong ini-scrape don sa dugo.
Pagkatapos ay inilagay ko sa maliit na zip lock. May inabot sakin na gwantes si cloak at kaniya-kaniya na kaming dalawa ng kuha ng mga ebidensya.
Napatingin ako sa gilid ng upuan ng makita kong may nakasingit don. Hinila ko iyon ng dahan-dahan at nakita kong papel ang nakasingit doon. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang nakasulat. An address.
Hindi ko alam kung paano pero mukhang nagawang isulat ni Jarrice kung saan sila pupunta. "Cloak.."
Lumapit siya sakin at inabot ko sa kaniya ang papel. Tumango-tango siya. Proud naman na nginitian ko siya. At least hindi ako nagkamali ngayon. "Good?"
"Very good. You passed this one."
"Really?"
"............."
"Aalis na ba tayo dito?"
"No. Lets' look for more."
Naghiwalay na ulit kami at naghanap ng kung ano-ano. Umakyat ako sa itaas dahil baka sakaling may makita pa kami na kung ano doon. Napansin ko na lumang luma na ang bahay. Wala ding masyadong.
Naglakad-lakad pa ako habang palingon-lingon sa paligid. Bukod sa alikabok wala naman na akong nakitang kakaiba. Nag pasya ako na bumaba na lang ngunit bago pa ako makalapit sa may hagdanan ay bigla na lang bumigay ang kinatatayuan ko. Nagawa kong makakapi.
"Cloak!"
Hindi ko alam kung maririnig ako ni Cloak, ang alam ko naglakad siya papunta sa likod ng bahay.
Napatili na naman ako ng natanggal na sa pagkakapit ang kaliwa kong kamay. Umiiyak na ako sa takot. Hindi ko na alam kung pa’no ako kakapit ulit. Damn it. I’m gonna fall. "Fierce!"
Biglang may humila sakin paangat. Si Cloak. Niyakap niya ako ng magawa niya akong iangat.
"Cloak..."
"Shh, you're okay."