#ego
#deal
Zain.
"I hate you Zain. Really I hate you. Ganon pala yon. Hinusgahan mo ako. Fine tama ka naman bakit mo nga naman ako papatulan eh pinagsawaan na nga pala ni Phaton ang katawan ko. I hate you Zain. I hate you!!!?
Hindi ako makagalaw habang nakatingin Kay Anya na Umiiyak na.
Shit.
What have I done.
Magsisi man ako huli na ang lahat.
Nasaktan ko na siya..
" ang sakit Mo namang magsalita. Bakit inalam mo na ba ang totoo ha?? Oo maaring matagal kaming nagkarelasyon ni Phaton pero Hindi ibig sabihin non na nagsesex na kami.! Damn you Zain. I hate you. Grabe ka. "
At Nagmamadali na siyang umalis.
Naiwan Lang ako na Hindi makapagsalita.
Bakit ko ba kasi nasabi yon.?
Damn
#Phaton.
Narinig ko ang boses ni Zain sa May comfort room.
Akala ko nag-iisa siya pero narinig ko boses ni Anya.
Narinig ko lahat.
Wala akong planong makialam Pero naagrabyado na si Anya dito kahit papano may pinagsamahan din naman kami.
" anong nangyari Zain? Narinig ko kayong nagtatalo ni Anya. May problema ba? "
Hindi siya sumagot.
"Listen Zain isang beses ko Lang tong sasabihin sayo. Sana maniwala ka. Walang nangyaring sekswal sa pagitan namin ni Anya. Sabihin na nating ginawa na namin lahat but not s*x. Ayaw ni Anya. Malakas ang paniniwala niya sa pangaral ng Momy niya. Kasal muna bago s*x. "
Nabigla yata siya sa nalaman niya.
Sabagay lahat naman ng mga friends ko akala talaga nagsesex na kami ni Anya. Pero nang sinabi niya na ganon ang pananaw niya.
Nirespeto ko siya.
Pwede naming gawin ang lahat basta hindi aabot sa s*x.
"Ayusin mo to Zain. Wag mong gawin Kay Anya yon. She doesn't deserve to be treated like you did. Malinis ang pagkakababae niya Zain I assure you. "
Napayuko lang siya.
"Naiinis kasi ako sa sarili ko. Masyado na kasing nasasaktan ang ego ko. Una mahal na mahal ko si Anya. Pero anong nangyari nasaktan ako dahil Ikaw ang pinili niya. Pangalawa si Eureka.. Nasaktan na naman ako dahil Ikaw pa rin ang pinili niya. I'm broken. Dalawang babae na gustong-gusto ko palagi ibang lalaki ang gusto. Ano bang wala sa akin. At walang nagkakagusto?"
"Zain pare, alam ko kung anong nararamdaman mo. Alam ko nasaktan ka. And I'm sorry Dahil ako ang naging dahilan ng lahat ng yon. "
" Kaya ako lumayo Phaton, kaya mas pinili ko na kalimutan na lang na naging kaibigan kita. Dahil sa ganoong paraan mas madali para sa akin ang mag-move on. "
Napahinga ako ng malalim.
"Bud sana bigyan mo ang sarili mo ng chance na maging masaya. Kung gusto mo pa rin si Anya. Go make her fall for you this time. Wag mo siyang itaboy palayo. "
"Hindi ko siya gusto. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Kundi galit. "
"Zain? Akala ko ba naka-move-on ka na? :"
"Yah naka-move on na nga ako. Pero hindi ko pa siya napaghihigantihan. "
.
" Zain wag mong saktan si Anya. Please ako na lang ang bugbugin mo."
"No! Siya ang nanakit kaya siya din ang dapat na masaktan. Medyo galit pa rin ako sayo pero wala na akong magagawa sayo. Pero kay Anya. Marami. "
Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Sana lang marealize agad ni Zain ang halaga ni Anya.
Gaya sa akin noon,noong in denial pa ako sa feeling ko for Eure.
"Hindi na kita pakikialaman. Pero sana lang marealize mo na mali yang gagawin mo. "
"Wag kang mag-alala sa akin. "Malamig na wika nito. What happened to Zain. Parang Hindi siya ang Zain na kilala ko.
Iniwan ko na siyang nag-iisa doon.
Napailing na lang ako sa katigasang ipinakita ni Zain.
Sana lang maging maayos pa rin ang lahat.
Anya.
Halos hindi na ako makahinga dala ng sobrang pag-iyak ko.
Ang walang modong lalaking yon.
Hinusgahan ako.
Slut?
Tira ng iba.
Gago pAla talaga siya.
Yon lang naman pala ang ipinagpuputok ng butse niya.
Sana tinanong niya na lang ako ng harap-harapan.
Kung ilang lalaki na ang gumamit sa akin para alam ko na yon ang ikinagalit niya.
Kung alam lang niya ang pangangalaga na ginawa ko sa sarili ko.
Kahit isa akong MODel.
Pero never akong na engage sa primarital s*x na yan.
Gago siya.
Akala niya dahil inalok ko siya ng indicent proposal,slut na agad .
Diba pwedeng kinapalan ko na lang ang mukha ko.
Hindi ba niya alam na labag sa loob ko yong gagawin kong pagbigay ng sarili ko sa kanya kapalit ng tulong niya
Ang kapal.
Ang kapal niya talaga.
Panay emote ko kaya diko napansin ang paglapit ni Terrence sa akin.
"Hey Anya, ok ka lang ba? "Worried nA wika niya sa akin.
Tumango lang ako.
:"Ikaw ha may ok ba namang Umiiyak? "Hindi naniniwalang wika nito.
"I'm fine.. Medyo may nakasagutan lang akong halimaw. Pero hayaan mo na yon. Sige Mauna na ako sayo. Uuwi na ako. "
"May sasakyan ka ba? "
Napailing ako. "Wala. Ok lang magpapatawag na lang ako ng taxi. "
"No, ihahatid na kita. "
"Sige ikaw Bahala. "Wala ako sa mood makipagtalo ngayon.
Inabot niya ang kamay niya sa akin.
Hindi na ako nagdalawang isip tinanggap ko ang kamay niya.
"Saan kayo pupunta? "Malamig na wika ni Zain buhat sa likuran namin.
"Ihahatid ko na siya Pare. "Sagot naman ni Terrence.
Hindi ko tinapunan ng tingin si Zain. Kumukulo ang dugo ko sa kanya sa tuwing maiisip ko ang panghuhusga niya sa akin.
"Ako ng maghahatid sa kanya. May pag-uusapan lang kami about business. "Malamig pa rin ang boses nito. Ano daw?
Tssssk.
May pag-uusapan daw.
Alam ko may pag-alinlangan si Terrence pero nagsalita na ako. Kahit galit ako kay Zain nandoon pa rin ang possiblity na baka pumayag na siyang tulungan kami.
" OK lang Terrence,si Zain na lang ang maghahatid sa akin. "
Tumango na lang siya.
"Sige ingatan mo siya pare. "
Nauna na itong umalis.
Naiwan na kaming dalawa ni Zain.
Masama ang tinging pinukol ko sa kanya.
"Ang plastic mo rin noh? "Galit na wika ko.
"Diba sabi ko sayo lumayo ka kay Terrence! "Malakas ang boses na wika nito.
"Bakit ko naman gagawin yon?"
"Dahil magmula sa araw na ito. Pag-aari na kita Anya!!! "
Para akong nanigas sa sinabi niya.
Addict ba siya?
Ano na naman ba ang tinira nito.
"Nagpapatawa ka ba? "
"Hindi. "Seryosong sabi niya.
Hindi na ako nakapagsalita basta nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Ano na naman kayang plano niya.
"Do what I say Anya,at magiging ok tayo. "
"Anong plano mo? "Diretsang tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
Basta matiim lang siyang nakatingin sa akin.
"Wala akong plano. Diba gusto mong tulungan kita. So this is it. I will help you..."
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.
"Anong kapalit? "Diretsang tanong ko.
Ngumisi siya.
Pagkatapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Yong uri ng tingin na para bang hinuhubaran niya ako.
Damn you Zain.
" Wala pa sa ngayon. But in the right time I will claim what is mine. Bukas nga pala kailangang nakalipat ka na sa CoNDo ko. Gusto ko doon ka na tumira sa akin. "
"Bakit? "
" I want you to serve me. "
"Akala ko ba in the right time pa ang kapalit. "
"Ibang kapalit ang tinutukoy ko Anya. For the mean time kailangan mo munang magserbisiyo sa akin. Deal? :"Sabay labad ng kamay niya.
Nanginginig ang mga kamay ko sa Sinabi niya.
This is it.
Tutulungan na niya ako finally.
Huminga muna ako ng malalim bago inabot ang kamay niya.
"Ang lamig ng kamay mo. Relax lang Anya, wala akong gagawin sayo na Hindi mo magugustuhan. sisiguraduhin ko na magugustuhan mo lahat ng ipalalasap ko sayo"Malisyosong wika nito.
Dahil sa sinabi niya ay biglang nag-init ang katawan ko. Wait what? My ghadness.. Anong nangyayari sa akin.
"Kailangang nakahanda ka na bukas ng 8 o'clock dadaanan kita. "
Tumango na lang ako.
Ito na yon.
Kakalimutan ko muna ang prinsipyo ko.
Kahit naniniwala ako na kailangang maikasal muna ang dalawang tao bago magsama.
"Let's go ihahatid na kita. "
Nauna na siyang naglakad sa akin.
"Wait! "
Huminto siya. Pero di siya lumingon.
Strikto naman.
"Sa hospital mo ako ihatid. "
Hindi na siya sumagot.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Samantalang nakasunod lang ako sa kanya..
Nakatingin lang ako sa perpektong likod niya.
Zain.
Anong nangyari sayo..?
Alam ko hindi ka talaga ganyan dati.
Kasalanan ko ba kung bakit nagkakaganyan Ka?
Pero sa ngayon titiisin ko na muna ang ugali niya. Dahil kailangan ko pa siya.
Kailangan pa namin ang tulong niya.
Alam ko hindi matutuwa ang mommy ko kapag nalaman niya ang gagawin ko.
Pero kailangan nilang malaman.
Kailangan nilang malaman ang indicent deal ko kay Zain.
Sana lang maintindihan nila ako.
Sana.
"Bilisan mo Anya. Ang bagal mong maglakad. "
Malakas na sigaw ni Zain ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Nagmamadali na akong naglakad papunta sa sasakyan niya.
Wala kaming imikan sa buong byahe namin.
Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako.
Ni hindi man lang nag-sorry.
"Sorry!"Mahinang wika niya.
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
"What? "Ang lakas ng radar niya.
Tumingin siya sa mga mata ko.
"I said I'm sorry sa mga nasabi ko sayo kanina. I didn't mean to hurt you. Sorry "
Ano?
Si Zain nagsosorry?
Totoo kaya yon?
"Are you serious? "Hindi pa rin ako naniniwala.
"Yes. Im serious Anya. Sinsecere ang paghingi ko ng tawad sayo. I'm sorry. "
Ang saya lang kanina halos kainin na niya ako sa galit ngayon naman. Parang tupa na napakaamo.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko.
Hinaplos niya ito.
At maya-maya pa ay dahan-dahan niya itong dinala sa kanyang labi.
He kissed my hands.
Grabe.
Ang lakas ng trip ng lalaking to.
"Umiwas ka sa ibang lalaki Anya. Because you're already mine. Mine and mine alone. Understand?"
Hmmmp.
Posessive ang loko.
Tumango na lang ako kahit labag sa loob ko.
HOSPITAL.
O iha how did it go? "Malambing na tanong sa akin ni Momy.
Umupo muna ako sa couch na nandoon.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
As usual tulog na naman ang daddy ko.
"Mom, I have something to tell you. "Kinabahang sabi ko.
"What is it iha? "
"Pumayag na po si Zain na tulungan tayo. "
Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Momy.
"Talaga? Hindi mo ba ako binibiro baby."Masayang wika niya sa akin.
Baby.
Tama noong bata pa ako, hanggang sa magdalaga ako she always called me baby.
Kaya ng maging kami ni Phaton Gusto ko baby din ang endearment namin.
"Hindi po ako nagbibiro Mom. Pero may kapalit po ang pagtulong niya sa akin. "
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Momy sabi ko na nga ba.
"Ano?"Seryosong wika niya.
Halos hindi na ako makahinga. Paano ko ba to sasabihin.
"Ano.,Anya Marie?"May diing wika nito.
Shit. Kapag ganyan na galit na ito.
Bahala na.
"Ako po. Ako po ang hinihingi niyang kapalit sa lahat ng tulong ni ibibigay niya. Katunayan susunduin na niya ako bukas para doon na muna tumira sa CoNDo niya. "
Dahil sa sinabi ko ay nanlisik ang mga mata ni Momy.
Nagtransform siya bigla sa pagiging beastmode.
"No way. Hindi ka makikipaglive-in sa lalaking yon. Pinalaki kitang disente at may takot sa Diyos. Alam mong yang gagawin mo ay isang malaking kasalanan. "
Napayuko na lang ako..
Masyadong religious si Momy.
Tapos super conservative.
Halos ikamatay nga niya noon ng malaman niyang magmomodel ako.
Lalo na ng makita niya ang mga damit na imomodel ko.
"Mommy it's to late to back out. Nandito na to pangangatawanan ko na to. For once let's forget our values,our beliefs. Ang importante masagip natin ang ating kabuhayan. Mom napakaraming tao ang umaasa sa atin. Mawawalan sila ng trabaho kapag tuluyan na tayong mabankrupt. Ok lang ako Mom, wag mo akong alalahanin. I can handle my self. "
Ng tingnan ko si mama.
Nanubig na ang mga mata niya.
Alam ko labag na labag sa loob niya ang gagawin ko.
Pero kahit siya ay wala na ring choice.
"Take care of yourself baby please. "
Tumango na lang ako sabay yakap sa kanya.
"I will mommy promise. Babawiin ko ang dapat ay atin. Babalik ulit tayo sa sirkulo hindi na din mangangamba ang mga workers natin. "
"OK iha. Payag na ako dyan sa gagawin mo pero alalahanin mo labag na labag sa loob ko ang gagawin mo. "
"Salamat, mommy. Mahal na mahal ko kayo ni Daddy kaya handa akong gawin ang lahat. Kahit labag na labag din sa loob ko ang gagawin ko... "
Saka nag-iyakan kaming dalawa ni Momy na parang mga timang.
....