Chapter3

1457 Words
Lasing #Anya Ang saya ko ng maimbitihan ako sa binyag ng twins ni Eureka at Phaton. Ang mas nakakatuwa ginawa pa nila akong ninang. Ang bait talaga nila kahit may mga nagawa akong mga pagkakamali sa Kanila. Still ginawa pa rin nila akong ninang. Kahit medyo nalulungkot ako sa kinalabasan ng Mission Zain ko. Hindi na lang ako masyadong nagpaapekto. Ilang araw ko na siyang hindi ginulo. Naghahanda na ako para sa event na pupuntahan ko. Masyado na akong stress kaya kailangan kong maging maganda. Ayaw kung mahalata nina Eureka at Phaton na may dinadala akong problema. Na sana hindi na lumaki kung tinulungan lang ako ni Zain. Hay si Zain. Dati ang sweet niya sa akin. Hindi ko nga din alam kung bakit hindi siya ang sinagot ko noon. Ang buhay nga naman. Yong taong pinili mo na akala mo siyang magpapaligaya sayo siya pala ang magdudulot sayo ng matinding kabiguan. Ano kaya kung si Zain ang sinagot ko noon. Siguro may mga anak na din kami. Erase..Ayaw ko ng isipin si Zain. .... Sa reception. Ang daming mga bisita nina Eureka at Phaton. Sa sobrang dami halos hindi na nila mabati lahat. Nakaupo lang ako sa isang tabi. Wala ako sa mood para makipagmingle. Umiinom lang ako ng red wine ng namataan ko si Zain. Panay sulyap niya Kay Eureka. May Gusto ba si Zain kay Eureka? Base sa mga tingin niya. Parang meron nga. Mataman lang akong nakatingin kay Zain at nagbabantay sa bawat kilos niya. Feeling ko gusto niyang lumapit kay Eureka kaso bantay sarado ito ni Phaton. Nakita kung iniwan sandali ni Phaton si Eureka . Nang mag-isa na lang si Eureka, nagmamadali namang lumapit si Zain. Hindi ko na kaya na manood lang. kailangan ko ng maka-usap si Zain. Kaya tinungga ko ang laman ng baso ko. Saka tumayo na para lapitan si Zain. Kinabahan man pero wala na talagang ibang pagkakataon. Off limits na ako sa Company niya. Kaya dito na lang. Lalakasan ko na ang loob ko. "Excuse me. Zain pwede ka bang makausap.? "Mahinang wika ko sa kanya,sapat lang para marinig niya. Ang lakas ng t***k ng dibdib ko,kinabahan talaga ako. Pero hindi niya ako pinansin. Nakita kung siniko siya ni Eureka. "Hoy kakausapin ka daw ni Anya. "Sabi ni Eureka kay Zain. Nang tingnan ko si Zain. Ang sama ng tingin niya sa akin. "Tatawagan na lang kita! "Medyo galit na wika niya. Hindi niya lang masyadong pinahalata kay Eureka. Napatango na lang ako. Ayaw ko din namang mapahiya sa harap ni Eureka. "Sige. Congrats sa twins nyo." At Nagmamadali na akong umalis. Bakit ganon. Kanina kitang-kita ko kung gaano siya ka sweet Kay Eureka. Pero paglapit ko. Beast mode agad siya. Tatawagan daw paano naman niya ako tatawagan eh wala naman siyang phone number ko. Zain talaga. Dahil sa inis dala ng pang-iisnab niya sa akin ay bumalik na lang ako sa inukupa kong space kanina. Kumuha pa ako ng red wine. Hindi naman nakakalasing to. Nakakatawa yon ang akala ko. Dahil yata sa dami ng nainom ko. Feeling ko biglang gumaan ang pakiramdam ko. Napangiti ako. Hmmm ang sarap naman ng pakiramdam ko. Nang tingnan ko ang paligid medyo, medyo lang umiikot na ito. Tipsy lang ako. Akmang tatayo na ako ng bigla akong nabuwal. Shit mabuti na lang may mga bisig na sumalo sa akin. Napapikit ako. Muntik na naman akong masprain. " Miss OK ka lang? "Nag-aalalang tanong niya. Miss? Dammit I thought it's Zain. I compuse my self quickly. Shit nakakahiya. "Ahmm,yah I'm fine! T-thank you. "Matipid na wika ko pero ang totoo grabe nahihiya ako. "Mabuti naman OK ka lang. By the way I'm Terrence."Sabay lahad ng kamay niya sa akin. Nagdalawang isip akong tanggapin,pero tinanggap ko pa rin. Hmmm. Not bad. Gwapo din naman siya. Not gwapo sobrang gwapo din. Aisssh. Kinikilig yata ako. "Hi Terrence,Im Anya. Please to meet you." Napangiti siya. "Anya,what a lovely name. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo." Hmmm,ke aga naman nitong nambola. Pero yong kamay namin still magkahawak pa rin. Ilang saglit pa biglang may dumating. Wala na akong pakialam kung sino man yon. Ang lakas mantrip ng lalaking to.. Nakakatawa siya. " Terrence? Pare? Nakarating ka pala?" Shit. Para akong sinilaban ng marinig ang pamilyar na boses na yon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Si Zain lang naman at ang sama ng tingin niya sa akin. Bahala ka sa buhay mo. Late ko na rin narealize na magkahawak pa rin ang kamay namin nI Terrence. Ng tingnan ko ulit siya. Nakatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak. Kaya dahan-dahan ko itong binawi. " O Zain. Ikaw pala yan. Kumusta? By the way kilala mo na ba ang magandang babae na to? "Tukoy niya sa akin. Seryoso lang na nakatingin sa akin si Zain. Bahagya lang siyang tumango. At nakatingin pa rin siya sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Inismiran ko lang siya. Pakialam ko ba sa kanya. Ayaw niya nga akong makita,tapos kong makatingin siya sa akin,parang may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko na siya pinansin. Patuloy lang ako sa pag-inom ng wine. Habang nag-uusap silang dalawa. Naiihi ako kaya tumayo ako. "Excuse me lang Terrence ha I need to go to the bathroom."Paalam ko kay Terrence pero hindi ko pinansin ang halimaw na Zain na yon. Dahan-dahan akong naglakad dahil baka madapa na naman ako. ..... Palabas na ako ng cr. Ng biglang may humila sa akin. "Aray naman. Ano ba! "Galit na wika ko. Nang tingnan ko kung Sino. Hmmm. Si Zain lang naman. "Ano bang kailangan mo sa akin?"Naiinis na tanong ko sa kanya. Problema nito,nanghihila na lang bigla. "So inoffer mo na may Terrence ang indecent proposal mo!? You think matutulungan ka niya? Hindi ako papayag na sa iba ka kukuha ng tulong.!" Gago pala ang lalaking to. Eh siya na nga ang nagsabi na sa iba na lang ako magpatulong. Tapos maririnig kong sinasabi niya to. Tsssk. "Let go of me. Hindi mo ako pag-aari para manduhan mo ako sa gagawin ko."Galit na wika ko. "Lasing ka?"Hindi makapaniwalang wika niya. "Nakakatawa ka. Red wine lang yong ininom ko. Good for the health. Wag mo na nga akong pakialaman. " Ang sama sama ng tingin niya sa akin. Naloloka na ako sa lalaking to. "Lumayo ka Kay Terrence "Malamig na wika niya. Halimaw talaga. "Bakit naman? Eh pwede naman siyang tumulong sa akin. Kasing laki din ng business mo ang business niya. Parehas din kayong maimpluwensya so I think,sa kanya ko na lang ioofer ang katawan ko? Mukhang willing naman ata siya."Nang-aasar na wika ko. Napaigik lang ako sa sakit ng mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko. "Don't you dare do that or talagang sa kangkungan pupulutin ang pamilya mo!"Galit na wika niya. "Ano ba kasing ikinagalit mo ha? Diba sabi mo sa iba na lang ako humingi ng tulong. So siya mismo ang lumapit sa akin. So why not grab the opportunity."Dahil sa sinabi ko mas lalong nanlisik ang mga mata niya. "No way!!! Maghanap ka na sa iba. Wag lang sa Terrence na yon.! "Galit na galit na talaga siya. "Bakit ang dami mong alam. Bakit ba pinakikialaman mo ako. Wala kang pakialam kung kanino ko gustong magpatulong. I offer you what I can offer pero tinaggihan mo ako. Kaya sa iba ko na lang ioofer." "Your really a slut! "Malamig na wika niya. Para akong nafreeze sa sinabi niya. What me a slut? Puta? Babaeng pakawala? Nasampal ko siya ng marinig ang sinabi niya. "Anong karapatan mong tawagin akong ganon ha? Walang hiya ka talaga! "Malakas kung pinaghahampas ang dibdib niya.. Galit na galit ako. Sino ba siya para husgahan ako. Parang wala lang sa kanya na pinaghahampas ko ang dibdib niya.. "Bakit ba,in a relationship kayo ni Phaton ng ilang taon. Don't tell me,walang nangyari sa inyo. Knowing my friend reputation." Napakunot noo ako. Something hit me. Shit. Pero nagpatuloy siya sa pagsasalita."Ayaw ko lang na patulan ka, dahil pinagsawaan ka na ng kaibigan ko. He had you first so ano ako. Tagasalo ng tira niya. " Tama ako. Kaya ba panay tanggi niya sa akin. Nasampal ko na naman si Zain dala ng matinding galit. Anong karapatan niyang gawin sa akin to? Napaiyak na ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko matanggap na ganon lang kababa ang tingin niya sa akin. "I hate you Zain. Really I hate you. Ganon pala yon. Hinusgahan mo ako. Fine tama ka naman bakit mo nga naman ako papatulan eh pinagsawaan na nga pala ni Phaton ang katawan ko. I hate you Zain. I hate you!"Halos magwala na ako dala ng matinding galit! Hindi ko talaga matanggap ang masasakit na salita niya sa akin. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD