Wanted?
#Anya
It's a brand new day.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.
Kaya dali-dali akong bumangon.
Take my morning routine.
Which is jogging.
At pagkatapos ay naghanda na ako para sa misyon ko.
Misyon Zain.
Hahaha.
Nakakatawa.
Ilang araw lang muna akong di nagpakita sa kanya.
Para makapag-isip siya.
Para maisip niya na tinigilan ko na siya.
Pero nagkakamali siya.
Hindi ako titigil.
Ngayon mag-uumpisa ang pangugulit ko sa kanya.
Sobrang aga pa lang ay nasa labas na ako ng building ni Zain.
Nakakatawang kabaliwan na to.
Ilang beses pa akong nasita.
Pero Mabuti na lang nadala ko sa charm ang mga guards. Ako pa ba,sa ganda kong to.
Sa sobrang aga ko pati mga employees doon ay di pa dumating.
"Manong anong oras po darating si Mr. Mendex? "Magalang na tanong ko sa incharge guard na nandoon.
"Ah si Sir Zain po ba?"
Napatango ako.
" Naku kanina pa siya nandiyan sa loob."
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya.
Azzzz in.
Nandiyan na siya.
Nang tingnan ko ang wristwatch napanganga ako six thirty pa ng umaga pero nakaduty na siya.
Grabe naman.
"Seryoso po ba kayo manong? Baka diyan na siya natulog? "
"Talagang maaga yan si Sir Zain. Nauuna pa yan ng dating sa mga employees dito."
"Pwede ko po ba siyang puntahan please po. "Nag puppy -eyes ako,sabay pout.
Sana lang gumana.
Napailing si Manong guards.
"Sorry Miss Garcia pero bawal po kayong papasukin sa building na to?!"Sabay turo sa picture ko na nakadikit sa dingding nila.
Saka ko lang napansin ang daming pictures ko na nakadikit sa wall.
Azzzzzz in.
Para naman akong wanted nito.
Pambihira talaga ang lalaking yon.
Nakakainis..
"Di ba Ikaw to?"Sabi ni Manong Guard sabay harap sa akin ng may kalakihang picture ko.
Napalunok ako.
Ano ba naman tong si Zain.
Ginawa naman akong criminal.
Biruin nyo sa beauty kong to.
Para akong may napakalaking kasalanan para idikit diyan ang mga pictures ko.
Kailangan ba talaga niyang gawin to?
Bawal papasukin ang nakasulat sa baba ng mukha ko.
Ang ganda ko sa larawang yon kaso Nasira dahil sa warning sign na nakasulat sa may baba picture ko.
Anya Garcia.
Bawal papasukin.
Off limits.
"Sorry talaga miss pero kapag pinapasok ka namin kami ang malalagot. Baka mawalan pa ako ng trabaho ng wala sa oras."
Tumango na lang ako.
Kawawa nga naman sila baka matanggal sila sa trabaho ng dahil sa kakulitan ko.
Ano ng gagawin ko ngayon.
Pero nahigh blood talaga ako.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.
Naghahanap siya ng gulo.
Pwes bibigyan ko siya ng gulo.
Dahil sa galit ay bigla kung tinanggal ang mga pictures ko na nakapaskil sa dingding ng booth nila at nagmamadali akong tumakbo.
Papunta sa loob.
"Miss Anya bawal po kayo diyan. "Natatarantang sigaw ni Manong Guard.
Pero hindi na ako nakinig sa kanya basta nagmamadali akong sumakay sa isa sa mga elevator na nandoon.
Mabuti na lang mabilis akong tumakbo.
Dahil regular akong nagjojogging.
Humanda ka sa akin, Zain.
Mali ang desisyon mong gawin sa akin to.
Mabuti na lang hindi ako nahabol ni Manong guard.
Ang bilis ko yatang tumakbo.
Narating ko ang top floor.
Kung saan naroon ang opisina ni Zain.
Huminga muna ako ng malalim.
Mabuti maaga pa wala pa ang secretary niya para harangin ako.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa office niya.
Ng hindi kumakatok..
"Zain! "
Ganon na lang ang gulat ko ng mapasukan ko siya na half naked.
Ahmm..
Ehem.
Kape na lang yata ang kulang.
Sandaling naglakbay ang mga mata ko sa katawan niya.
Hanggang sa napadako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng hita niya na bahagyang bumubukol.
Ano yon?
Shit!
Pinamulahan ako ng mukha ng maisip kung ano yon.
Panandaliang nakalimutan ko ang galit ko sa kanya. Nadistract ako dahil sa nakita. Naman ee. Nanuyo ata ang lalamunan ko,sanay naman akong makakita ng mga naggagandahang mga katawan. Dahil sa uri ng trabaho ko. Kaso kakaiba tong kay Zain.
Panay ang lunok ko.
Hindi din siya nakapagreact nabigla
din yata siya sa biglang pagsulpot ko.
"What are you doing here? "Galit na tanong niya sa akin.
Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Aaminin ko natakot talaga ako.
Pero nawala ang takot ko ng maalala ang ginawa niya sa mga larawan ko.
Napahigpit ang hawak ko sa mga pictures ko.
Sabay lapag sa mesang naroon.
Nagpalitan kami ng masamang tingin.
"Anong ibig sabihin nito? Anong Akala mo sa akin ha? Criminal? Bakit mo to ginagawa sa akin ha? Wanted ba ako? "Naiinis na talaga ako. Nagpupuyos ang dibdib ko. Para na akong bulkan na sasabog.
"Simple ayaw kong pumasok ka dito. Mahirap bang intindihin yon?"Matipid niyang sagot.
Pero ang mga mata ko naging mailap na.
Shit di ko talaga mapigilang di hagurin ng tingin ang perfect shape niyang katawan. Na parang pang- model.
Ayieee.
Air I need air.
Hindi na ako makahinga.
Grabe.
" Stop staring at may body Anya. Alam ko nadidistract ka. Magbibihis muna ako. "Nanunudyong wika nito.
Abat ang kapal ng hudyong to.
"Ang feeling mo rin noh as if naman nakatingin ako dyan sa abs mo. For your information sanay naman akong makakita ng ganyan. Wag kang feeling dyan."
Nakatalikod kasi ako sa kinaroroonan niya kaya hindi ko napansin na nasa may likod ko na pala siya.
"Talaga? Hindi ka nakatingin? Paano mo nalaman na may abs ako?"
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko.
Nanayo yata ang balahibo ko sa batok.
" Lu-lumayo k-ka nga! "s**t bakit bigla akong nakaramdamam ng panghihina.
Bahagya akong lumayo sa kanya.
Pero mabilis agad niyang nahawakan ang beywang ko.
Kaya mas lalo tuloy akong napalapit sa kanya.
"Let go of me! Foul na yan,Mr. Mendex,hinahawakan mo na ako. "Inis na sigaw ko sa kanya.
"Paano kung ayaw ko. Ginulo mo ako ng ganito kaaga tapos magdedemand ka sa akin na pakawalan kita. No way! Ito ang bayad mo sa panggugulo mo sa akin. At isa pa tresspassing ka."
Bigla akong nakadama ng takot sa sinabi niya. Seryoso?
"Anong gagawin mo? "Kinabahang tanong ko.
"Nothing. I just want you out of my office. For Christ sake Anya ang aga pa para guluhin mo ang tahimik Kung buhay. "Masungit na wika niya sa akin.
Pero ang kamay niya still nasa beywang ko pa rin.
"Please mag-usap tayo ng pormal."Paano ba to parang hindi na ako makahinga. Kakaiba ang epekto ng simpleng pagkadikit lang ng mga balat namin.
"Ayaw ko. Mas gusto kung ganito tayo.Awkward ba? Hindi mo kaya?"Nanunudyo lang na wika nito.
Damn you Zain.
Alam ko sinusubukan niya lang ako.
Pero s**t lang talaga.
Hindi ko siya kayang sabayan sa ganitong laban.
Nagpupumiglas na ako mula sa pagkakahawak niya sa akin.
"Relax Ms.Takaw."Bulong niya na naman sa akin sending a tingle sensation to my body.
"Please Zain let me go. Nanghihinang wika ko. Akala ko matapang ako. Pero sa simpleng hawak pa lang ni Zain,wala na akong binatbat.
" Bibitawan lang kita. Sa isang kondisyon."
"Ano?"
"Wag mo nang ipilit sa akin na tulungan ka, dahil hindi yon mangyayari kahit kailan."May diin ang bawat salitang binitawan niya.
Nasaktan ako sa sinabi niya.
Bakit?
Ano bang ginawa ko?
Bakit ang lamig niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita.
Anong gagawin ko.
No, alam ko sinusubukan niya lang ako.
"Fine,gawin mo kahit anong gusto mong gawin sa akin. Just please help me."Desperado na ako. Bahala na.
"I'm sorry to tell you pero hindi ako tumatanggap ng mga indicent proposal na kagaya nito. "Malamig pa sa yelo ang boses niya. Nakakatakot talaga siya sa likod ng maamo niyang mukha,may nakatagong halimaw pala.
And then binitiwan na niya ako.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Nang hindi na siya nakahawak sa akin.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Gusto kong makita ang mukhs niya. Ang lalaking nag-effort noon para mapasagot lang ako.
"Umalis ka na. Please wag ka ng bumalik."Taboy niya sa akin.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Ayaw kong umalis. Gusto kong tulungan niya ako.
"Please Zain help me. Help my family's business promise I will do everything you want."Halos lumuhod na ako sa harapan niya. I felt so weak,pakiramdam ko ang hina ko bilang isang babae. Pero wala akong choice.
Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya bahagya akong napaatras.
"I cannot help you. Hindi ako ako ang makakatulong sayo.Kaya please lang maghanap ka ng ibang tutulong sayo."
Bakit ang sakit niyang magsalita?
Bakit?
Naguguluhan na talaga ako sa inasal niya.
Bakit nasasaktan ako ng ganito.
Grabe naman noon siya ang hahabol-habol sa akin pero ngayon kulang na lang pandirihan niya ako.
"Fine mas mabuti pa siguro sa iba na lang ako makipagdeal ng indecent proposal baka may kumagat pa."Saka tinalikuran ko na siya.
Nanubig na ang mata ko sa sakit na naramdaman ko.
Ang sakit talagang mareject.
I hate you Zain.
I hate you.
Nasa may pinto na ko.
Naghihintay na sana pigilan niya ako.
Pero wala.
Hanggang sa makalabas na ako sa building na yon.
Gulong-gulo pa rin ang isip ko.
Ano nang gagawin ko?
May iba pa bang tutulong sa akin bukod kay Zain?
Bakit ba ayaw niya akong tulungan?
Bakit siya naging halimaw bigla?
Hay Zain.
Anong nangyari.
Hmmm.
Yon ang aalamin ko.
....