RUFFA: NAIILING na lamang ako sa asawa ko na ipinamalita na kaagad sa lahat na buntis na ako! Nakalarawan ang galak at excitement sa mukha nito habang sinasabi sa mga kaibigan niya, pamilya niya at pamilya ko na nagdadalangtao na ako. Nagpahanda pa ito na salo-salo dito sa mansion at pinapunta ang mga kaibigan at pamilya nito. Hindi ko naman ito masuway at ayokong masira ang mood niya. Napakasaya niya na magiging ama na rin siya. "Baby, are you craving for something?" bulong nito. Magkaharap kami ng mga kaibigan at pamilya namin dito sa mahabang mesa na pinahanda nito dito sa garden. "Ang sabi nila Delta, kapag daw naglilihi ay kung ano-ano ang gustong kainin." Tuloy nito na pinaglagyan ako ng salmon sa plato. Busog na nga ako dahil kanina niya pa ako pinapakain eh. "Wala pa n

