Chapter 4

1842 Words
RUFFA: PARA akong mabubuwal na napatitig sa mukha nito. Pero bakit tila hindi manlang siya tumanda? Tandang-tanda ko pang gan'to rin ang mukha niya noon gayong dalawang dekada na ang nakakalipas. Naikuyom ko ang kamao na nag-iwas ng tingin ditong napakunot ng noo. "What are you waiting for? Get out," paasik nito kaya nataranta ako. "O-opo," utal kong sagot na yumuko dito. Halos madapa ako palabas ng silid nito na dama kong nakasunod ito ng tingin sa akin. Nang makalabas na ako ng silid nito ay para akong nabunutan ng tinik aa dibdib! Mabibigat ang paghinga ko na kinakalma ang sarili. Nang makalma ko na ang sarili ay bumaba na ako ng hagdanan na pilit pina-normal ang kilos. Kahit para na akong mabubuwal sa pangangatog ng mga tuhod ko. "Mommy, Daddy, I finally found him." Usal ko sa isipan na tumulo ang luha. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na dito ako dinala ng kapalaran. Hindi na ako mahihirapang hanapin ang taong kumitil sa mga magulang ko dahil kapalaran na mismo ang nagdala sa akin dito. Napailing ako na mapait na napangiti. Hindi matigil-tigil ang pagtulo ng luha ko na naaalala ang gabing namatay ang mga magulang ko. "Who are you, hija?" Napapitlag ako na may baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na maramdaman itong nakatitig sa akin. Mariin kong nakagat ang ibabang labi na maramdaman itong lumapit at nagtungo sa harapan ko. Awang ang labi ko na mapatingala dito na ikinatama ng mga mata namin. Nanginig ang katawan ko na parang sumisikip ang paghinga na mapatitig sa kanyang mukha! Para silang pinagbiyak na bunga ng lalakeng nasa silid kanina! Mas may matanda lang ito konti na parang nakatatandang kapatid lang no'ng lalake. "Devon?" dinig kong pagtawag ng malambing na boses mula sa taas ng hagdan! Sabay kaming napatingala sa taas ng hagdan na ikinalunok kong makita ang isang supistikadang ginang na nakangiti sa amin at maingat na bumaba ng hagdanan. "Careful, honey." Saad nitong tinawag niyang. . . Devon! Parang lulukso ang puso ko sa ribcage nito na mag-sink-in sa isipan ang pangalan nito! Kung gano'n ay hindi ang lalakeng nasa silid ang taong pumatay sa mga magulang ko kundi. . . itong kaharap ko na ngayon! "Oh, are you Ruffa? Ang apo ni Nanay Josie?" ani ng ginang na napalambing ng boses. Pilit akong ngumiti at bahagyang yumuko sa mga ito. "Opo, Ma'am. Pasensiya na po, lumabas ako ng silid namin." Paumanhin ko na ikinangiti ng mga ito. "It's okay, hija. And feel at home. Bukas ka pa naman magsisimula sa trabaho eh. You're free na libutin ang buong mansion. Magpasama ka na lang para hindi ka maligaw," magiliw nitong saad na ikinangiti ko. "Salamat po, Ma'am." Naglahad ito ng kamay na nahihiya kong tinanggap. "Welcome to Smith's mansion, Ruffa. I am Shantal, and this handsome man standing next to me. . . is my Husband." Pagpapakilala nito na ikinatango-tango ko. Naglahad din ng kamay ang lalakeng katabi nito na nakayapos pa ang isang braso sa baywang ng asawa nito. "I'm Devon Smith, hija. Welcome to our home," anito. Nangangatal ang kamay na inabot ko ang kamay nitong nakangiti sa akin na marahang pinisil ang kamay ko. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Hindi naman ako makadama ng kakaiba sa kanya. Mas natatakot pa nga ako sa anak nitong binata. "Salamat po, Ma'am Shantal, Sir D-Devon," sagot ko na nautal pa sa pagsambit ng pangalan niya. Ngumiti ang mga ito na nagpaalam na sa akin na pumasok ng dining room. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Malalaki ang hakbang ko na tinungo ang front door na nakabukas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta naglakad-lakad na lang ako dito sa labas para lumanghap ng sariwang hangin. Hindi ko namamalayan ang pag-agos ng luha ko. Hanggang sa makarating ako sa gawi ng malawak na pool. Nagpahid ako ng luha na naupo sa gilid at nilublob ang paa sa malinaw na tubig. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. Halo-halong emosyon ang nadarama ko at hindi ko na malaman ang gagawin. Ngayong kaharap ko na ang taong pumatay sa mga magulang ko, para naman akong nag-aalangan na ipaghiganti ang mga magulang ko. Pero kung naiisip ko ang gabing iyon. Kung paanong parang hayop na pinaslang ang mga magulang ko ay naghahari ang galit sa puso ko. At walang ibang hangad kundi ang maipaghiganti sila. Maibigay sa kanila ang hustisyang nararapat sa kanila. Pero ngayong nandito na ako sa tahanan ng taong pumaslang sa kanila, para naman akong inuurungan ng buntot. Alam kong mataas na tao ang babanggain ko para maibigay ang hustisya sa mga magulang ko. Iisipin ko pa lang kung anong kahihinatnan ko sa dulo? Alam kong talo ako. Mapatay ko man ang Devon na 'yon, makukulong ako. O kaya ay ipapapatay din nila ako. Alin man sa dalawa, ako ang talo. Dahil mayaman sila. At mahirap lang ako. Mabilis akong nagpahid ng luha na tumayo nang makarinig ako ng mga papalapot na boses na nag-uusap. Sa pagkakataranta ko ay napakubli ako sa isang halaman sa gilid na matayog. Sunod-sunod akong napalunok na masilip ang mga parating. Ang lalakeng anak ng amo namin kasama ang kasintahan nito. Naka-bathrobe pa ng puti ang dalawa na magkayakap na nagtungo dito sa pool. Hindi ko alam pero, habang pinagmamasdan ko ang binata ay may kung anong nagpaparamdam sa akin na kakaiba. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan at harutan. Hanggang sa nakarating sila sa tapat ng pool kung saan ang mga nakahilerang lounge chair. Ang binata ang unang naghubad ng bathrobe nito na tanging brief lang ang suot. Napalunok ako na makadama ng kakaibang init na mapababa ng tingin sa nakaumbok sa pagitan ng mga hita nito. Kahit natatakpan pa iyon ng brief nito ay hindi maipagkakaila kung gaano iyon kalaki! Nauna itong nag-dive sa pool na inaaya ang girlfriend nito. Napakaganda rin ng girlfriend nito. Matangkad, balingkinitan ang katawan at malaki ang hinaharap. Awang ang labi ko na napatitig sa itsura nito. Nakikilala ko kasi ito. Siya ang latest ms Universe beauty queen na tinanghal dito sa bansa! Kaya naman pala nabighani sa kanya ang anak ng amo namin. Hindi lang siya basta maganda. Dahil isa siyang beauty queen. Hindi ko maalis-alis ang paningin sa kanila na masayang naghaharutan sa pool. Magkayakap ang mga ito na panay ang halikan. "Hey, enjoying the view, sweetheart?" "Ayt! Palaka!" Napatili at talon ako mula sa pinagkukublian ko na may baritonong boses ang nagsalita mula sa likuran ko. Sabay namang napalingon sa amin ang dalawang pares sa pool na ikinayuko ko. Huling-huli tuloy ako na nagtatago dito. Baka mamaya ay isipin pa bilang binobosohan ko sila. "Hey, love birds! What's up?" anito. Nanatili akong nakayuko na hindi makatingin sa anak ng amo ko. Hiyang-hiya ako na nahuli nila akong nandito. Kung bakit naman kasi pasulpot-sulpot ang isang 'to eh. "What brings you here, Payne," ani ng boss ko na dinig kong umahon na sila ng pool. "Visiting you. What else?" sagot nitong katabi ko na inakbayan akong ikinapitlag ko. "Are you okay? We've met again," anito. Bumilis ang kabog ng dibdib ko na marinig ang pamilyar niyang boses. Napalunok ako na dahan-dahang nag-angat ng mukha at napakurap-kurap na makilala ito! Napangisi pa ito na makitang pinamulaan ako na mapatitig sa mukha nito. "You still remember my face, right?" anito na ginulo ang buhok ko. Pilit akong ngumiti na tumango ditong lalong ikinalapad ng ngiti nito. "O-opo, Sir Luke," mahinang sagot ko. "Great," anito na bumaling na sa dalawang pares na magkayakap na lumapit sa amin. "What are you doing here? Why are you hiding? Are you spying on us?" tanong ng boss ko na ikinatuod ko sa kinatatayuan. "H-hindi po, Sir." Utal kong sagot na hindi makatingin dito ng diretso. "And who the hell are you?" madiing tanong nito na bakas ang galit sa tono. "Hey, chill, Daven. Nakilala ko siya kahapon. If I'm not mistaken, she's a new maid here," pagsalo sa akin ni Sir Luke na lalong ikinasalubong ng mga kilay nitong tinawag niyang. . . Daven. "Kung gano'n ay Daven ang pangalan ng aroganteng 'to?" usal ko sa isipan na napatitig ditong kay Sir Luke nakikipag sukatan ng tingin. Napapaismid naman ang kasintahan nito na parang lintang nakakapit kay Sir Daven. Akala mo naman ay may aagaw sa boyfriend nito kung makalingkis ng braso sa baywang ni Sir. Hindi naman pala siya gano'n kaganda sa malapitan. Lalo na ngayon na wala siyang make-up. Sexy at matangkad lang siya. Pero kung pagandahan lang? Matatalo ko pa siya. 'Di hamak na mas makinis nga ang balat ko sa mukha kaysa sa kanya. Medyo maputla din ang labi niya. Hindi katulad sa akin na natural na mapula. "You're a maid here? Then why the hell you're not wearing your uniform, huh?" pagalit pa rin nito na lalong nagsalubong ang mga kilay. "B-bukas pa po kasi ako magsisimula, Sir," nauutal kong sagot. "Yon naman pala eh. Bakit ba ang init ng ulo mo, hmm?" natatawang saad ni Sir Luke dito. "She entered my room. At ngayon nandito siya sa pool at nagtatago habang nandito kami ni Cassy?" anito na ikinayuko ko. "Pasensiya na po, Sir. Inutusan po ako kanina ng isang katulong na dalhin ang agahan niyo sa silid. Kaya ako po ang nagdala ng agahan sa silid niyo. Pinayagan naman po ako nila Ma'am Shantal at Sir D-Devon na maglibot-libot muna dito total bukas pa ang simula ko. Dito po ako napadpad at nagkataon na bigla kayong dumating kaya napatago po ako." Paliwanag ko na sinalubong ang mga mata nito para makita niyang hindi ako nagsisinungaling. "Pasensiya na po kung nagtago ako. Natakot po kasi ako na madatnan niyo dito. Pasensiya na po." Napalunok ako na maramdaman ang kamay ni Sir Luke sa likuran ko na marahang hinagod-hagod ako na tila pinapakalma niya ako. "Yon naman pala, Daven. It's just a coincidence. Masyado kang mapagduda," natatawang saad nito na ikinailing ng kaharap namin. "Get the hell out of here. Hwag na hwag mong pinapakita ang pagmumukha mo sa akin!" asik pa nito na ikinayuko ko. "Opo, Sir." Halos madapa ako sa pagmamadali na makaalis sa gawi ng pool. Tama nga si Lola. Mabait ang mga amo namin. Maliban sa anak nilang lalake. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makarating ako sa garden ng mansion kung saan punong-puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko at nakalma ang sarili sa ganda nitong garden. Lumapit ako sa may swing na naupo dito. Ang sarap pagmasdan ng mga bulaklak na nandidito na iba't-iba pa ang kulay. Halatang inaalagaang maigi ang garden na ultimo ang bermuda grass nito ay pantay-pantay ang pagkaka-trim. Naalala ko naman ang kalagayan ko dito na napaisip sa mag-ama. "Sino nga kaya sa kanila ang pumatay sa mga magulang ko? Kung titignan ko si Sir Devon, tila hindi nito kayang manakit. Pero si Sir Daven. . . kitang madali lang sa kanya. . . ang pumatay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD