Chapter 5

1424 Words
RUFFA: ILANG minuto akong tumambay sa swing na malalim ang iniisip nang may tumabi sa akin na ikinabalik ng ulirat ko. "Are you okay?" tanong nito na nag-aalala ang mga mata. Pilit akong ngumiti na tumango dito. Napahinga ito ng malalim na lumamlam ang mga mata. "Gano'n talaga si Daven. Unawain mo na lang, hmm?" "Okay lang naman po, Sir Luke. May rason naman siya para magalit sa akin," mababang sagot ko na nag-iwas ng tingin dito. Namuo ang luha sa mga mata ko na maalala na naman kung paano niya ako bulyawan kanina. Ngayon lang sa tanang buhay ko may nanigaw sa akin ng gano'n. Na parang ang liit-liit kong tao. "Pinagsabihan ko na siya. Umiwas ka na lang sa kanya, okay?" saad nito na ikinatango ko. "Kaibigan ko si Daven. Mabait naman iyon eh. Gano'n lang talaga iyon kapag hindi pa niya kilala ang isang tao," dagdag pa nito. Tumango ako bilang sagot na pilit ngumiti dito. "Bakit po pala kayo nandito?" pag-iiba ko ng usapan namin. "Visiting someone's special to me," sagot nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. Naalala ko naman si Sir Daven. Kaibigan niya ang amo ko kaya tiyak na ito ang tinutukoy niya. Kahit hindi ako nakaharap dito ay kita ko sa peripheral vision kong nakatitig ito sa akin. May ngiti sa mga labi na ibang-iba ang kinang ng kanyang mga mata. Hindi naman ako naiilang sa kanya. Magaan ang loob ko dito at komportable akong kasama siya. "Would you mind if I ask you something personal, Ruffa?" tanong nito na ikinalingon ko dito. Napalunok ako na masalubong ang kanyang mga matang nagniningning. "S-sige po, Sir Luke." Sagot ko. "Do you have a boyfriend?" Nasamid ako na napaubo sa diretsong tanong nito. Natawa naman ito na hinagod-hagod ang likuran ko sa pagkakasamid ko. "Sir naman," sagot ko na ikinatawa nito. "Why? Is it too personal?" tudyo pa nito na ikinailing ko. "Hindi naman po, Sir. Pero. . . wala po akong kasintahan. Hindi pa po ako nakikipag relasyon. Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan," sagot ko na ikinangiti nitong napatango-tango. "That's good to hear, Ruffa." Saad nito. "Anyway, mag-iingat ka sa mga lalake dito. Lalo na kay Daven. Suplado at arogante lang 'yon pero. . . certified womanizer din ang isang 'yon." Pagpapaalala nito na ikinalunok ko. Kitang seryoso ito na matiim na nakatitig sa aking mga mata. "Malabo naman pong magustuhan ako ni Sir Daven eh. Kita niyo naman po kung paano niya ako pagalitan." Sagot ko na ikinangiti nito. "Hindi naman araw-araw galit iyon, Ruffa. May mga araw din. . .na wala iyong sumpong," kindat pa nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. "Tss. Mayabang siya kamo. Akala mo kung sinong gwapo," ismid kong ikinahagikhik nito. "Aren't you afraid?" "Saan naman? Na isumbong mo ako sa kanya?" matapang kong sagot na ikinangisi nito. "Nope. I won't do that. What I mean is, paano kung may ibang makarinig sa'yo at isumbong ka sa kanya?" anito na ikinanguso ko. "Natatakot. Amo ko pa rin siya. Kahit gaano pa kasama ang ugali niya, nakatataas pa rin siya sa akin. Wala akong laban sa isang katulad niya, Sir Luke." Sagot ko na ikinapalis ng ngisi nito. Lumamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin na bakas ang awa at lungkot sa mga iyon. "Hwag kang maawa sa akin, Sir Luke. Hindi naman ako kaawa-awa. Kaya ko ang sarili ko. At kung sakali at below the belt na ang pagtrato sa akin ni Sir Daven, kahit amo ko pa siya ay ipagtatanggol ko ang sarili ko." Saad ko na pilit ngumiti ditong nag-iwas ng tingin. Maya pa'y hinugot nito ang wallet sa bulsa na may inilabas doong calling card na iniabot sa akin. "In case you need my help. Don't hesitate to call me. You're special to me, Ruffa. Just call me if you need my help," kindat nito na muling umaliwalas ang gwapong mukha. Napangiti akong inabot ang calling card nito na binasa iyon sa isipan. "Salamat, Sir Luke. Ang bait niyo po." Wika ko na ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo. "You're welcome, sweetheart." LUMIPAS ang maghapon na naging matiwasay ang paglilibot ko sa buong mansion. Lumabas din kasi si Sir Daven kasama ang girlfriend nito na ikinahinga ko ng maluwag. "Apo, pinagalitan ka daw ni Sir Daven kanina?" ani Lola. Nandito na kami ngayon sa silid at naghahanda sa pagtulog. "Wala po iyon, La. Hwag niyo na pong intindihin ang bagay na iyon. Wala na po iyon sa akin," sagot ko na ikinatango nito. "Alam mo, apo. Mabait din naman ang batang iyon. Madalang nga lang." "Sabi mo po minsanan lang siya nandito, La," aniko na lumapit na ditong nasa kama at nagpapahid ng ointment sa paa. Kinuha ko ang ointment dito na ako na ang nagtuloy na sinabayang marahang minamasahe ang paa nitong napangiti. "Oo, apo. Minsanan lang din magawi si Sir Daven dito." "Mabuti naman po. Para minsanan ko lang din siyang makita," sagot ko na ikinangiti nito. "Pero araw-araw ay may ipinapadala sa condo no'n para maglinis doon." Napalis ang ngiti ko sa sinaad nito. "Ano pong ibig niyong sabihin, Lola?" "Ang ibig kong sabihin, apo. Kahit paminsan-minsan lang iyon nandidito, hindi mo pa rin siya maiiwasan. Araw-araw din kasi may pinapadala sa condo niya na katulong mula dito para maglinis doon. Hindi basta-basta nagtitiwala si Sir Daven, apo. Kaya ultimo paglilinis sa condo niya, gusto niya kilala niya." Saad nito na ikinanguso kong napatango-tango. "Kanina nga po pinagalitan ako eh. Tinatanong kung bakit ako nagi-spy sa kanila." Nakabusangot kong sagot. "Eh hindi ko naman po sinasadyang magtago na bigla silang sumulpot ng girlfriend niya sa pool. Kaya napatago po ako." "Hindi niya naman girlfriend 'yon, apo." "Po?" Namilog ang mga mata ko sa sinaad nito. Napailing naman ito na may ngiti sa mga labi. "May girlfriend na si Sir Daven, apo. Pero nasa Paris iyon. Isa kasing international gown designer si Ma'am Katelyn. 'Yong babaeng kasama niya kanina na beauty queen? Wala lang iyon. Palipasan oras niya lang iyon. Bukas o sa makalawa iba na namang babae ang kasama no'n. Masasanay ka na lang," pagkukwento nito na ikinangiwi ko. "Aba, babaero din pala ang hudyo," turan ko na mahinang ikinatawa nito na napalo ako sa braso. Natatawa na rin ako na napailing sa tinuran. "Ikaw talaga. Hindi naman natin masisisi ang mga babaeng naghahabol kay Sir Daven. Gwapo siya. Matangkad at mayaman." Wika nito. "Mayabang din po." Dagdag ko na ikinahagikhik nito. "Mabait din iyon kapag mas nakilala mo. Kung sabagay, sa lahat ng mga katulong dito. Sa akin pa lang siya nagiging mabait. Hindi ako sinusungitan ng batang iyon." Saad pa nito na ikinaismid ko. "Siya nga pala, La." Pag-iiba ko at naaasiwa na ako na si Sir Daven ang paksa namin. Umayos na kami ng higa ni Lola. Nagsumiksik ako sa dibdib nito na napayakap sa akin na hinahaplos-haplos ang ulo ko. "Ano 'yon, apo?" tanong nito. "La, ayaw niyo pa bang magpahinga sa probinsya kasama ang Nanay? Naaawa po ako kay Nanay eh. Wala po siyang kasama doon. Saka, gusto ko na po kayong magpahinga. Dito na kayo tumanda sa paninilbihan sa pamilya Smith," wika ko. Napahinga naman ito ng malalim. "Kaya ko pa naman ang sarili ko, apo. Isa pa, napamahal na sa akin ang pamilyang ito. Sabi mo nga, dito na ako tumanda. Mahirap bitawan ang trabaho ko dito. Hindi dahil malaki ang sweldo kundi, mahirap iwanan ang mga kasama ko dito lalo na ang mga amo natin." Saad nito na bakas ang lungkot. "Pero, Lola. Paano po ang Nanay? Gusto rin po kayong makasama ng Nanay." Wika ko. "Hayaan mo, apo. Kapag hindi na kaya ng Lola ang pagiging mayordoma ng mansion na ito? Uuwi na ako sa atin." Sagot nito na napapahikab na. "Sige po, La. Magpahinga na po tayo. Alam kong napagod kayo sa maghapon." Aniko na hinagkan ito sa noo. "Goodnight po." Napangiti ito na hinaplos ako sa pisngi. "Goodnight din, apo ko. Napakaganda mong bata. Hindi na nga ako magugulat kung bukas o sa makalawa ay. . . maiibigan ka ni Sir Daven." Napangiwi ako na ikinahagikhik nito. "Lola naman. Baka mamaya ay bangungutin ako sa sinaad niyo. Nakakakilabot," ingos ko na ikinatawa nito. Umayos na ako ng higa na nakasiksik ditong hinahaplos-haplos ako sa likuran hanggang sa makaidlip na ako. Narinig ko pang napahinga ito ng malalim na mariin akong hinagkan sa noo. "Sana hindi ka nila bawiin sa amin, Ruffa. Tiyak na madudurog ang Nanay mo kapag. . . binawi ka nila sa amin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD