Chapter 7

1724 Words
RUFFA: NANIGAS ako na sinundan ako nito at hiniklat sa braso na pwersahang iniharap dito. "Don't you dare to turn your back to me after slapping me." Madiing sikmat nito na ikinalunok ko. "K-kasalanan mo rin naman. Nakakabastos kang magsalita," palabang sagot ko na pilit pinatapang ang itsura. "Bastos?" anito na ngumisi. "Pero gustong-gusto mo." Naikuyom ko ang kamao na napababa pa ang paningin nito sa dibdib ko na napadila ng ibabang labi. "Excuse me, Sir. Maglilinis pa ako ng silid mo para makaalis na ako," pag-iiba ko na pilit binabawi ang braso ko dito. "Ah, not so fast, Ruffa. Hindi mo pa. . . napagbabayaran ang pagsampal mo sa akin. Kung tutuusin? Pwede kitang tanggalin ngayon sa trabaho mo." Pagbabanta pa nito. "Kasama ang Lola mo." Nangilid ang luha ko na nakamata ditong nakangising nakatunghay sa akin. Kung ako lang ay walang kaso. Pero ang idamay niya ang Lola? Sobra na siya. "I'm sorry, Sir." Pagpapakumbaba ko na napayuko. Pumisil ito sa baba ko na iniangat ang mukha ko. Nanigas ako na namilog ang mga mata na sinalubong nito ang mga labi ko! Halos hindi ako humihinga habang salitan nitong sinisipsip ang mga labi kong nakaawang sa kabiglaan! "You want more?" anas nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. "B-bwisit ka," utal kong asik na itinulak ito sa dibdib. Pero para lang akong nagtulak ng pader na hindi manlang ito napaatras. Napasinghap ako na hinuli nito ang kamay ko na dinala sa dibdib nito na halos ikaluwa ng mga mata ko! "You're free to touch me, Ruffa. Sabihin mo lang. . . kung gusto mong makipaglaro sa akin. You know, I'm a good player," malanding bulong nito na ikinainit ng mukha kong hindi masalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. "B-bitawan mo nga ako," kulang sa diing asik ko na ikinalapad ng ngisi nito. "What if I don't. What will you do, hmm?" bulong nito na ikinaningkit ng mga mata kong nakikipag tagisan ng tingin dito. "Pwede ba? Balikan mo na lang 'yong babae mo doon. Mukhang hindi ka pa naman nauubusan ng t***d mo sa magdamag niyong bakbakan." Inis kong ismid dito na maalala ang ginagawa nila kanina ng babae niya. "Napakababaero. Hindi naman gwapo," ismid ko pa. "What the fvck, Ruffa? Ako? Hindi gwapo?" bulalas nito na tila hindi makapaniwala na ikinangisi ko. "Oo. Bakit? Ano bang akala mo? Na lahat ng babae magugwapuhan sa iyo?" matapang kong sagot na ikinahalakhak nito. 'Yong tawa na hindi na natutuwa kundi hindi makapaniwala. "And you're saying me that you're one of them, hmm?" "Oo." "Really?" Napalunok ako na humakbang ito palapit kaya naman napaatras ako. Napakapit ako sa laylayan ng blouse ko na patuloy ito sa paghakbang palapit kaya patuloy din akong umaatras. Hanggang sa maramdaman ko na ang paglapat ng likuran ko sa malamig na glass wall na ikinapikit ko. Napatukod ito ng mga braso sa magkabilaang gilid ko at dahan-dahang yumuko. Panay ang lunok ko na pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko na halos maghalikan na kami! "Say it, Ruffa." Bulong nito na ikinatitig ko dito. "A-ang alin, Sir?" halos pabulong kong tanong na ikinasilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito. "That I'm handsome." "Huh? Hwag mo akong gawing sinungaling. Eh sa hindi ako nagugwapuhan sa--umpt!" Impit akong napatili na napakapit sa braso nito na tuluyan nitong inabot ang mga labi ko at nilakumos ng mapag-angking halik! Para akong kakapusin ng hangin sa baga habang malaya nitong nilalakumos ang mga labi ko! Sa sobrang diin nitong sumipsip ay dama kong nangangapal na ang mga iyon! "Uhmm--tama na!" Malakas ko itong itinulak sa dibdib na halos maubusan na ako ng hangin sa baga! Pangisi-ngisi naman ito na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin na nandidiring pinahid ang labi ko habang naghahabol hininga. "Not bad. Even though you don't know how to respond my kiss, at least you're lips are sweet and fresh, Ruffa." Anas nito na nakangisi pa rin. Pinaningkitan ko ito na napataas pa ng isang kilay. "Bwisit ka. Nandidiri akong ikaw ang first kiss ko. Manyakis na babaero!" asik ko na itinulak itong malutong na napahalakhak. Nagdadabog akong dinampot ang vacuum cleaner at mop na pumasok sa silid. Naabutan ko namang nahihimbing pa ang babae nito na mukhang pagod na pagod. Hubo't-hubad pa itong nakadapa sa kama. Napairap ako dito na nagsimulang maglinis. Maging dito ay nagkalat ang used condom sa sahig. "Napakalantod," ingos ko na nairapan ang babaeng nahihimbing. Matapos kong ma-vacuum ang buong silid ay inulit ko pa itong in-mop. Siniguro kong malinis ito nang walang maikuda sa akin si Sir Daven. Nang malinisan ko na ang silid ay isinunod ko ang banyo. Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ako. Naabutan ko naman itong prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie sa TV. Napairap ako dito nang magtama ang mga mata namin na napangisi. "I'm starving. Ni hindi ka manlang nagluto?" anito. Hindi naman galit ang pagkakasabi nito pero nakabusangot na ito. Wala pa rin itong suot na hindi alintanang nakikita ko na ang sandata niya. "P-pasensiya na po. Magluluto na ako," sagot ko na iniwan na ito dala ang mga ginamit kong panlinis. "No need. I've already ordered our food." Dinig kong sagot nito. "Po?" "Nag-order na ako online. Gutom na ako eh." Anito. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin na um-order na pala ito. Nakaligtaan ko pa tuloy na maghanda ng agahan nito. "Come here, Ruffa." Pagtawag nito na sinenyasan akong maupo sa tabi nito. Naiilang akong lumapit dito na naupo sa tabi nito. Dinampot ko ang isang throw pillow na itinakip sa nakalantad nitong sandata. Nakabuka pa naman ito ng mga hita na hindi manlang alintana na nakikita ko na ang itlog at agila nito na brief lang ang suot. Natawa naman ito sa ginawa ko na nilingon ako. Gumapang ang init sa mukha ko na nanatiling sa TV nakatuon ang paningin. "Don't you like the view? Malaki naman ah," anito. Hindi ako sumagot at baka uminit lang ang ulo ko at masagot-sagot ko na naman ito. Mahirap ng sunggaban na naman niya ako. "I'm talking to you." "Itikom mo na nga lang 'yang balasubas mong bibig, Sir. Naiilang ako malamang. Kung gaano ka kasagana sa t***d, gano'n ka naman kakitid sa utak," inis kong sagot na ikinaubo nitong nasamid. "Fvck!" Napalapat ako ng labi na napamura itong nakamata sa akin. Nag-iinit ang mukha ko na hindi makatingin dito ng diretso. Maya pa'y tumunog ang doorbell na ikinatayo ko. Pero hinawakan naman ako nito sa kamay na hinila paupo. "May tao po, Sir." "I know. You stay here," anito na tumayo na. "Seryoso ka ba? Naka-brief ka lang," pagpigil ko dito na napataas ng kilay. "So what? Just stay here." Napaikot ako ng mga mata na naupong muli. Ako pa ang nahihiya para sa kanya. Seryoso ba siya? Paano niya maaatim humarap sa ibang tao na naka-brief lang siya? Ang kapal naman ng pagmumukha niya. Nakasunod ako ng tingin dito na pinagbuksan ang bisita. May iniabot dito ang delivery boy na ilang paperbags na galing sa isang kilalang restaurant. Ilang segundo lang ay isinara na nito ang pinto na napakindat pa sa aking sinenyasan akong sumunod sa kanya sa kusina. Nakanguso akong sinundan ito na dinala sa dining table ang mga dala. Isa-isa nitong inilabas ang mga iyon na kaagad umalingasaw ang nakakagutom nitong amoy! Kumalam tuloy ang tyan ko na ikinalingon nito sa akin. "Tyan mo 'yon, Sir." Saad ko para ikubli ang hiya ko dito na malutong na napahalakhak. Nag-iinit ang mukha ko na kumuha ng plato nito. "Hindi ka ba kakain?" anito na ikinalunok ko. "K-kumain na po ako kanina, Sir." Kaila ko. "Sinungaling," ingos nito na ikinalapat ko ng labi. "Kumain ka. Wala akong kasabay." "Eh 'di 'yong babae mo sa loob, Sir." "Ikaw ang gusto kong kasabay kumain. Hwag ka ng umapila kung ayaw mong ikaw ang kainin ko. Gutom na gutom pa naman na ako, Ruffa." Makahulugang saad nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. "M-manyakis ka talaga," ingos ko na kumuha ng plato at kutsara ko. Natawa lang naman ito na naglagay ng pagkain nito sa plato. "Give me your plate." "Kaya ko na po." "Hwag ka ng umapila." Napanguso ako na hinayaan itong siya ang maglagay ng pagkain sa plato katulad sa kung anong nilagay niya sa plato niya. Pangiti-ngiti pa ito na napapataas baba ng kilay na iniabot sa akin ang plato ko. "Kain na." Kindat pa nito na nagsimula nang kumain. "Yong kasama mo, Sir. Hindi mo ba aayahin?" tanong ko. "Hwag mo na siyang alalahanin. Tiyak na busog na busog na iyon sa t***d ko," walang prenong sagot nito na ikinaubo ko. Natawa naman ito na naglagay ng juice sa baso na iniabot sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin na napainom ng juice. Habang kumakain kami ay panaka-naka ko itong sinusulyapan. Napakagana kasi nitong kumain na panay ang pagsubo. Ang bilis niyang ngumuya na parang mauubusan ng pagkain. "Gutom na gutom ah," parinig ko dito na napangiti. "Magdamag ba naman akong. . . kumantot." "Bwisit ka." Asik ko na napaubo ako sa isinagot nitong napahagikhik. "Hwag kang magmura. Nasa harapan ka ng pagkain." Napalapat ako ng labi na inirapan itong pangisi-ngisi. Tama naman siya. Sa dami ng used condom na nilinisan ko kanina dito sa kusina, sa sala at silid nila. Mukhang magdamag nga silang nagkantutan ng babae niya. Ang tibay naman nila. Gano'n ba sila kalibog? "Anyway, I've heard that Luke visited you yesterday. Is it true?" pag-iiba nito na ikinatango ko habang kumakain. "Did he say anything to you?" "Wala naman po, Sir. Bakit po?" Napailing ito na patuloy din sa pagkain. "That jerk. Panay ang babala sa akin. Suwayin ko kaya ang utos niya," usal pa nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. "Katulad po nang?" "Kantutin kita." "Punyeta ka!" "Hwag kang magmura." "Ang bwisit mo kasing kausap!" asik ko na ikinahalakhak nito. "I'm just being honest, Ruffa. Kahit tanungin mo pa ang Payne na 'yon. Pinagbantaan niya kaya ako na hwag na hwag kang kakantutin." Inirapan ko ito na pangisi-ngisi. Hindi ko tuloy malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo o pinagti-trip-an lang ako. "Pero. . . bakit naman po niya kayo pinagbabantaan, Sir?" curious kong tanong. "Hindi mo alam?" umiling ako na ikinangisi nito. "Kapatid mo 'yon." "Po!?" "Joke lang. Kumain ka na." "Kainis ka talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD