RUFFA:
MATAPOS naming kumain ay bumalik na ito sa sala sa panonood. Nagligpit na muna ako ng mga pinagkainan namin dito sa kusina bago lumapit dito.
"May ipapagawa ka pa ba sa akin, Sir?" tanong ko.
Tapos ko naman na ang mga gawain ko. Marami din namang natira sa in-order nitong pagkain para mamayang hapunan niya. Nalinisan ko naman na ang buong unit niya.
"May gusto ka bang gawin natin?" balik tanong naman nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
Nangunotnoo ako na napaisip sa sinaad nito. Napahagikhik pa ito na sinamaan ko ito ng tingin na makuha ang punto nito.
"Tinatanong kita ng maayos."
"Sinagot naman kita ng maayos ah," painosenteng sagot nito.
Napahinga ako ng malalim na pagod ang mga matang napatitig dito na pangisi-ngisi na naman. Para niya akong pinaglalaruan sa isipan niya. Nakakainis kung paano niya ako tignan lalo na't napapasulyap siya sa dibdib ko.
"Kung wala na akong lilinisan dito, pwede na ba akong bumalik ng mansion, Sir?" aniko na ikinanguso naman nito.
"Marami ka pang gagawin, Ruffa."
"Katulad po nang?" tanong ko.
Dumapa ito sa sofa na lalong ikinakunot ng noo ko na nakamata dito.
"Massage me." Utos nito na halos ikaluwa ng mga mata ko!
"Seryoso ka ba? Hindi 'yan gawain ng mga katulong!" asik ko dito na natawa.
"I'll pay you. Anong problema doon? Mamayang hapon ka pa susunduin dito ni Mang Berting. Wala ka naman ng ibang gagawin 'di ba?" saad nito na ikinahinga ko ng malalim.
"Fine. Bayaran mo ako ng five thousand." Sumusukong pagsang-ayon ko dito.
"I'll make it ten thousand. Masahein mo ang buong katawan ko," sagot naman nito na ikinangiti kong nagningning ang mga mata sa narinig!
"Sure, Sir!"
"Tss. Kailangan pa bayaran para asikasuhin ako." Parinig pa nito.
"May sinasabi ka?" paninita ko.
"Wala. Sabi ko, kunin mo 'yong lotion sa silid. Iyon ang gamitin mo."
Inirapan ko ito na napangisi pang nakasunod ng tingin sa akin na pumasok ng silid nila. Napaikot na lamang ako ng mga mata na pagpasok ay nahihimbing pa rin ang babae nito na humihilik pa. Halatang pagod na pagod sa magdamag nilang bakbakan.
Kinuha ko ang lotion nito at lumabas na rin ng silid. Naiirita lang ako na nakikita ang babae nitong hubo't-hubad na nakahiga sa kama. Nanatili naman itong nakadapa sa mahabang sofa habang nakamata sa pinapanood sa TV.
Naglagay ako ng lotion sa kamay na marahang ipinahid sa likuran nito at nagsimulang masahein. Napaungol naman ito na mas ini-relax ang katawan.
"Damn. So good," ungol nito na ikinangiti ko.
Marunong naman akong magmasahe. Palagi ko ngang minamasahe ang Nanay sa gabi bago kami matulog. Gano'n din si Lola ngayong nandito na ako sa syudad.
"Where did you learned that?" anito na panay ang ungol habang minamasahe ko ang likuran nito.
"Ang alin po, Sir?"
"Massaging."
"Ah. Wala po. Nakalakihan ko na po kasing minamasahe ang Nanay ko sa gabi, Sir." Sagot ko.
"Oh, I see." Sagot nito. "How's your relationship with your Nanay? Maayos kayo? Hindi ka minamaltrato?" tanong pa nito.
"Maayos naman po kami, Sir. Mabait ang Nanay ko."
"Kahit ampon ka lang?"
Natigilan ako na naipilig ang ulo. "Paano niyo po alam na ampon ako, Sir?" tanong ko dito na napatikhim.
"Ahem! Sinabi ni Lola."
Napatango-tango ako na patuloy itong minamasahe.
"Mabait po ang Nanay ko, Sir. Mula napunta ako sa kanya? Nagkaroon ako ng pangalawang pamilya at ina." Sagot ko.
Ilang segundo itong natahimik na tila malalim ang iniisip.
"Gusto mo bang makita ang mga biological parents mo?" tanong nito na ikinatigil ko.
Naikuyom ko ang kamao na nangilid ang luha na nakamata ditong nakadapa. Parang pinipiga na naman ang puso ko na maalala ang gabing iyon. Hindi pa ako sigurado kung sino sa kanila ni Sir Devon ang pumatay sa mga magulang ko. Pero sa oras na makumpirma kong si Sir Daven iyon, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa mga magulang ko.
"Hey, still there?" untag nito na ikinabalik ng ulirat ko.
"Ahem! Yes, Sir. May naalala lang." Sagot ko na muli itong minasahe sa bandang baywang.
"Gusto mo bang makilala ang mga magulang ni Luke? Tamang-tama, pupuntahan ko ang gagong 'yon mamaya sa bahay nila. Baka gusto mong sumama," saad nito.
"Hwag na po, Sir. Uuwi na ako mamaya ng mansion." Pagtanggi ko.
"Ako naman ang kasama mo. Ihahatid din kita ng mansion pagkatapos nating mag-dinner kina Tita."
"Kayo na lang po. 'Yong babae mo sa loob ang isama mo. Tiyak na gusto niya," ismid kong sagot na maalala ang babae nito.
"Tsk. Aanhin ko naman siya? She's just a bed warmer ng kung sino-sinong lalake. A b***h. A girl you can fvck but you have to pay her." Saad nito na ikinangiwi ko.
"Mga gano'ng babae pala ang tipo mo," wala sa sariling sagot ko.
"What the fvck, Ruffa? Of course not. Pinagparausan ko lang siya." Sagot nito.
"Katulad ba no'ng babaeng dinala mo noong nakaraan sa mansion, Sir? Parausan mo lang din ba iyon? Hindi ba't beauty queen 'yon?" aniko na ikinabusangot nito.
"Yeah. Walang pinagkaiba, Ruffa. Pareho lang silang parausan. Model din naman ang isang iyan. Bakit, akala mo ba basta na lang ako dadampot ng babaeng kakantutin ko kung saan-saan?" sagot nito na ikinangiwi kong pinaningkitan ito.
"Ibang klase ka talaga," ismid ko na ikinahagikhik naman nito.
"Of course, Ruffa. I'm Daven Smith. What I want. . . is what I've got." Pagmamalaki pa nito na ikinaikot ng mga mata ko.
Matapos kong masahein ang likuran nito, sunod naman ang hita nito. Napakahaba ng binti nito na kay tigas din! Hirap na hirap tuloy akong masahein ito. Enjoy na enjoy naman ito na hindi na naawa sa aking pinagpapawisan na sa laki niyang tao.
"Is it settled?" anito nang ang mahabang braso naman nito ang sunod kong minamasahe.
"Ang alin po, Sir?"
"You're coming with me tonight."
"Ayoko. Iba na lang po, Sir." Pagtanggi ko na ikinakunot ng noo nitong nakamata sa akin.
Nakatihaya na kasi ito ng higa na hindi manlang alintana na naka-brief lang ito. Hindi tuloy mapigilang magkasala ang mga inosente kong mata na napapasulyap sa alaga niya. Matigas at nakatayo pa rin kasi iyon na nakabakat sa brief nito.
"Bakit?"
"Wala akong tiwala sa'yo."
"Damn. Kakainin ba kita?"
"Ayoko nga kasi. Iba na lang sabi eh."
"Bakit ayaw mo? Ayaw mo bang makilala ang mga magulang ni Luke? Close kayo, hindi ba?" anito na ikinanguso ko.
Hindi ko alam pero, may parte sa puso ko ang natuwa at nakadama ng kakaibang pananabik na makikilala ang mga magulang ni Sir Luke. Kung napalaki itong mabait at mabuting tao, tiyak na gano'n din ang mga magulang niya.
"Ayaw mo? Are you sure?" untag nito.
Napahinga ako ng malalim na napailing. "Ayoko po. Sa susunod na lang siguro, Sir."
Napanguso naman ito na kita ang kabiguan sa mga mata. Nang matapos ko na itong masahein ay ibinalik ko na rin ang lotion na ginamit ko sa silid nito. Sakto namang nagising na ang babae nito na napataas pa ng kilay sa akin na malingunan ako.
Hindi ko ito pinansin na lumabas na ng silid. Nanatili naman si Sir Daven sa sofa na nakahilata at nanonood na naman sa TV. Hindi maipinta ang mukha nito na hindi ko malaman kung nababagot na ba siya o inaantok.
"Pwede na ba akong umalis, Sir?" tanong ko.
"Nope." Sagot nito na hindi ako nililingon.
"Marami po kaming gagawin sa mansion," alibi ko pa para hayaan na niya ako.
Tiyak na aalis na ang babae nito at ayoko namang kaming dalawa lang ang maiwan dito. Bukod sa malaki ang hinala kong siya ang pumatay sa mga magulang ko, wala akong tiwala sa kanya. Ang manyak niya kaya. Kahit katulong lang ako, tiyak na gagawin niya rin akong parausan niya sa libog niyang tao.
"So what? Marami sila doon."
Inirapan ko ito na napangisi. "Hwag mo akong iniirapan, Ruffa. Baka patirikin ko ang mga mata mong 'yan ng umamo ka sa akin," anito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi.
Umasim ang mukha ko na muling napairap ditong napahalakhak. Sakto namang lumabas na ang babae nito na bagong ligo at nakapostura.
"Hi, Daven. I'm leaving now, honey. Thanks again." Maarteng saad nito na pakendeng-kendeng na nagtungo sa gawi ni Sir Daven.
Bumeso pa ito kay Sir na napakalapad ng ngiti. Napa-flip pa ito ng mahaba at kulot niyang buhok nang humarap sa akin na tinaasan ko ng kilay.
Napasunod ako ng tingin ditong parang beauty queen na naglakad palabas ng unit. Umiindayog pa ang balakang nitong halata namang pinagawa sa laki ng mga iyon.
"Baka magkaugat ka na niya'n, Ruffa. Have a sit." Anito pagkasara ng pinto.
"Uuwi na kasi ako. Wala naman na akong gagawin dito eh," inis kong maktol na padabog na naupo sa sofa kaharap ito.
"Dito ka lang. It's only 1'oclock in the afternoon. Mamayang alassingko ka pa naman susunduin dito. Bakit ka ba nagmamadali?" saad nito na ikinabusangot ko.
Paano ko ba sasabihin sa kanya na wala akong tiwala sa kanya lalo na ngayon na kaming dalawa na lang ang nandidito? Baka naman magalit ko siya at bigla niya akong dakmain dito o bugaan ng apoy? Iba pa naman siya magalit.
"Nakakabagot po kasi dito," mahinang saad ko na ikinahinga nito ng malalim.
"Matulog ka kung inaantok ka. Basta dito ka lang." Wika nito na bumaling muli sa TV.
Hindi na ako umimik na umayos ng higa sa sofa yakap ang isang throw pillow. Siya naman ang may sabing pwede akong matulog. Kaysa makipag batehan sa kanya, itutulog ko na lang. Maya pa'y may naalala ako na ikinalingon ko ditong huling-huli ko na matiim na nakatitig sa akin.
"Binabalaan kita. Hwag mo akong lalapitan pag nakatulog na ako. Manyakis ka pa naman," pagbabanta ko ditong napakurap-kurap.
"Hoy, hindi ako namimilit ng babae. Babae ang naghuhubad para sa akin." Pagmamalaki nitong sagot na ikinaikot ng mga mata ko.
Napangisi pa ito na inirapan ko at tumalikod ditong napahagikhik. Pinilit ko na lamang umidlip para makaiwas dito. Wala pa naman akong panama sa kanya. Napakabalasubas din ng bibig nito na sasabihin kung anong nasa isipan kahit babae ang kausap nito.
Hindi pa man ako nakakaidlip nang marinig kong may tumawag dito.
"Yes, she's with me, why?" anito.
"Fvck you, Payne. Parang hindi mo ako kaibigan ah," ingos nito sa kausap na lihim kong ikinangiting malamang si Sir Luke ang kausap nito.
"Tss. Hindi na lugi ang kapatid mo sa akin kung ako ang mapangasawa niya. Siraulo." Saad pa nito na ikinabundol ng kakaibang kaba sa dibdib ko!
Napadilat ako ng mga mata sa narinig na sinaad nito na bumilis ang t***k ng puso.
"Ano daw? Teka. . . may dalagang kapatid kaya si Sir Luke?" piping usal ko na napalunok.
Hindi ko alam pero, parang ibang-iba ang dating no'n sa puso ko. Na parang. . . konektado ako sa pinag-uusapan nilang magkaibigan.