RUFFA:
NAKABUSANGOT ako na gabi na pero wala pa rin ang susundo sa akin. Wala naman akong dalang cellphone para matawagan si Lola. Nakaliktaan kaya ako ni Manong na sunduin dito sa condo?
"Hey, Ruffa? Can you reheat the food?" ani Sir Daven na katatapos lang maligo.
Hindi ako sumagot na nagtungo sa kusina at iniinit sa oven ang natira naming pagkain kaninang tanghali. Marami pa naman ito at sayang naman kung itatapon.
Maya pa'y lumapit na ito na nakabihis na lihim kong ikinahinga ng maluwag. Maghapon kasi itong brief lang ang suot na tila nananadya na hwag magdamit.
"What's the matter? Bakit ang haba ng nguso mo?" tanong nito na lalong ikinabusangot ko.
"Gabi na po kasi, Sir."
Nangunotnoo naman ito na nakamata sa akin habang umiinom ng tubig.
"So?"
Napahinga ako ng malalim na pagod ang mga matang napatitig dito.
"Bakit wala pa ang susundo sa akin?" hindi ko na natiis na itanong.
Ngumisi naman ito. "Baka dahil. . . utos ko?"
"Ano!?" bulalas ko na namimilog ang mga mata ditong nagawa pang kumindat.
"Why? Do you have a problem about that?" anito.
"Sir naman eh! Pauwiin mo na ako," naiinis kong reklamo na ikinatawa nitong naupo ng silya.
"Ihahatid kita mamaya. Ano bang problema mo?" anito na inirapan ko.
Sabay pa kaming napalingon sa may pinto na bumukas iyon.
"Ruffa?" pagtawag sa akin ng pamilyar na boses.
"Damn. Panira ka talaga," dinig ko pang bulong ni Sir Daven.
Maya pa'y pumasok dito sa kusina si Sir Luke na tila nakahinga ng maluwag na makita ako. Malalaki ang hakbang nito na lumapit sa akin at napasuri pa sa kabuoan ko.
"Are you okay, Ruffa? May ginawa ba ang demon na 'to sa'yo? Tell me," nag-aalalang saad nito na napahawak sa magkabilaang balikat ko.
"Ang OA mo naman. Can't you see it? She's fine. Wala naman akong ginawa sa kanya bukod sa pinaglinis ko siya dito." Ani Sir Daven na pinaningkitan ni Sir Luke.
"Uhm, okay lang po ako, Sir." Sagot ko na ikinabaling nito sa akin.
Lumamlam naman ang mga mata nito na napangiting hinaplos ako sa ulo.
"Pero. . . hinalikan ako kanina ni Sir Daven. Saka. . . ngayon lang po iyan nagdamit. Buong maghapon siyang naka-brief lang, Sir Luke. Nagpamasahe din siya siya sa akin sa buong katawan. Hindi pa nga niya ako binabayaran eh." Pagsusumbong ko na ikinamilog ng mga mata nitong bumaling kay Sir Daven na napaubo!
"Damn you, Smith!" bulyaw nito na akmang susuntukin si Sir Daven na mabilis tumayo at lumayo.
"Fvck you! May usapan tayo, 'di ba?" asik ni Sir Luke dito na napahalakhak lang.
"Tinikman ko lang ang labi niya. Masyadong matapang eh. Tinakot ko lang naman. Kita mo na? Harap-harapan niya akong isinumbong sa'yo." Katwiran pa nito na tatawa-tawang iniiwasan si Sir Luke.
Para silang mga bata na naghahabulan dito sa mesa.
"Damn you! She's too innocent for you. Hindi mo ba naiisip na unfair kay Ruffa ang paghalik mo sa kanya gayong wala pa siyang karanasan kumpara sa'yo?" sikmat pa rin ni Sir Luke dito na napangisi.
"Parang halik lang eh. Hindi ko naman siya binawasan."
"Kahit na!"
Napasapo ako sa ulo na nahihilo sa mga itong patuloy na naghahabulan dito sa mesa habang nagsasagutan. Hindi ko naman alam na big deal kay Sir Luke ang ginawa ni Sir Daven sa akin. Gano'n ba siya ka-concern sa akin? Pero bakit? Bagong kaibigan niya lang naman ako pero kung mag-react siya. . . daig niya pa ang ama ko.
Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti na sinikmuraan ito ni Sir Luke. Impit pa itong napadaing na napayuko sa pagsuntok ni Sir sa tyan nito.
"Halikan mo pa ulit si Ruffa, babasagin ko ang mukha mo." Sikmat ni Sir Luke dito na natatawa lang.
Nag-init ang mukha ko nang bumaling ito sa akin na pinaningkitan ako.
"Wala kang ten thousand. Sumbungera," ingos nito sa akin.
"Hindi pwede. Sir naman. Isang oras kitang minasahe." Apila ko dito na binatukan ni Sir Luke.
"Bayaran mo siya. Ginawa mo pang masahista ang ka-- ahem!" tikhim nito na nginisian ni Sir Daven.
"Ituloy mo, Payne." Tudyo nito.
"Ang kapal ng mukha mo. Iyon ang ibig kong sabihin," ingos ni Sir Luke dito na natawa.
Inakbayan nito si Sir Luke na sabay pa silang bumaling sa akin. Hindi ko mapigilang pamulaan ng mukha na hindi makatingin sa mga ito lalo na't nakangisi na naman si Sir Daven sa akin.
"Hindi ka talaga mapagkaka tiwalaan eh. Sinabihan na kita, hindi ba?" mahinang sikmat ni Sir Luke dito.
"Parang halik lang eh." Mahinang sagot ni Sir Daven dito.
"Kahit na. Iba si Ruffa sa mga babae mo."
"Oo na. Napasobra ako kanina. Matapang eh. Mana sa'yo."
"Tss. Nasa dugo na namin 'yan."
Lihim akong nangingiti na para silang mga bubuyog na nagbubulungan habang nakamata sa akin. Nagbulungan pa eh naririnig ko rin naman sila.
MAGKAKAHARAP kaming kumain ng hapunan nila Sir Daven at Luke. Magkatabi kami ni Sir Luke habang kaharap naman namin si Sir Daven.
"Kumain ka pa, Ruffa." Anito na muli akong pinaglagyan ng pagkain sa plato ko.
"Salamat po, Sir."
Ngumiti ito na kumindat pang ikinangiti ko.
"Tss. Ako ang bumili niya'n, 'di ba? Bakit kay Luke ka nagpapasalamat?" paninita ni Sir Daven sa akin na ikinataas ng kilay namin ni Sir Luke dito sabay ngisi.
Natawa pa itong napailing. "Magkapatid nga." Mahinang usal nito.
Matapos naming kumain ay tinulungan pa ako ni Sir Luke na maghugas ng mga pinagkainan namin. Nangingiti naman si Sir Daven na pinapanood kaming dalawa.
"Marunong ka palang maghugas ng plato, Payne." Anito.
Nginisian naman ito ni Sir Luke. "Aha. Hindi kasi ako katulad ng iba d'yan. Sa kainan lang magaling," makahulugang sagot ni Sir Luke dito.
"Atlis magaling kumain 'di ba?" sagot naman nito na bumaling sa akin na napahagod ng tingin sa kabuoan ko.
Binato naman ito ni Sir Luke ng mansanas na nasalo nitong napahalakhak.
"Tumigil ka, Smith. Hwag na hwag mong pagnanasaan si Ruffa. Kahit kaibigan kita ay madadali ka sa akin," pagbabanta nito na ikinangisi pa ni Sir Daven sabay kagat sa mansanas na tumitig sa akin.
"Magaling akong kumain, Ruffa. Wanna try me?" malanding saad nito na muling binato ni Sir Luke ng mansanas.
Malutong naman itong napahalakhak na nasalong muli ang ibinato ni Sir Luke dito. Para lang silang mga batang nagbabangayan. Kita kung gaano sila kalapit sa isa't-isa na para na silang magkapatid.
"Don't you dare, Smith. Sinasabi ko sa'yo, malilintikan ka sa akin."
"Oo na. Parang tinanong ko lang naman," katwiran pa nito.
Inakbayan na ako ni Sir Luke na inakay palabas ng kusina. Sumunod naman sa amin si Sir Daven na pasipol-sipol pa.
"Alam niyo ang cute niyong tignan," ani Sir Daven na ikinalingon namin dito.
Hindi ko kasi namalayan na napayapos na pala ako sa baywang ni Sir Luke habang nakaakbay naman ito sa akin. Hindi ko alam pero, ang gaan kasi ng loob ko kay Sir Luke. Komportable ako sa kanya at gustong-gusto kong napapadikit dito.
"Para mo nga akong. . . brother in law," kindat nito kay Sir Luke na nasamid.
Napahalakhak ito na naiwasan ang pagsipa ni Sir Luke dito.
"No way, Daven. Hindi kita gugustuhing maging bayaw." Ingos ni Sir Luke dito.
"Hindi na lugi ang kapatid mo sa akin, Payne. Maganda ang lahi ko. At may pera ako." Sagot nito na pasulyap-sulyap sa akin at may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi nito.
"Tumahimik ka nga. Basta ayoko sa'yo. Iiyak lang ang kapatid ko sa piling mo," ingos ni Sir Luke dito na inakay na ako palabas ng unit.
Tatawa-tawa naman itong nakasunod sa amin ni Sir.
"Kaya ko siyang alagaan."
"Hwag na."
"Pero. . .ang ganda ng kapatid mo, Payne. Ganyang mga babae ang tipo ko," pangungulit pa nito na nilingon ni Sir Luke na pinaniningkitan.
Pangisi-ngisi naman ito na nagpamulsa at tila hindi natatakot kay Sir Luke. Sumakay kami ng elevator na nandoon pa rin ang makahulugang ngiti at tingin nito sa akin. Napapairap ako dito na nagagawa pa niya akong kindatan. Para na naman niya akong pinagti-trip-an sa isipan niya.
"Ruffa, tell me. Kung ikaw ang tatanungin, anong tipo mong lalake?" tanong ni Sir Luke sa akin habang pababa ang elevator na sinasakyan namin. "Gusto mo ba 'yong mga kagaya ni demon."
"Fvck you. It's Daven." Pagtatama ni Sir Daven dito na napangisi sa kaibigan.
"Ayoko po sa katulad niya, Sir. Gusto ko. . . 'yong gwapo, matangkad--"
"Ako na 'yan, Ruffa. Kunwari ka pa," singit nito na pinaningkitan ko.
"Mabait, loyal, hindi babaero at mabuting tao." Dugtong ko na ikinaubo nito.
Natawa naman si Sir Luke na nasamid ang kaibigan nito.
"Definitely. . . you're not her type, Smith." Pang-aasar ni Sir Luke dito na pinamulaan ng mukha na nagpipigil matawa.
Pinaningkitan naman ako nito na nginitian ko. Matapang ako ngayon dahil kasama namin si Sir Luke. May kakampi ako laban sa kumag na 'to.
"Matitipuhan mo din ako, Ruffa. Not now, but soon." Saad nito na ikinangiwi ko.
"No way."
"It's too early to say that, baby."
"Eww."
Natawa ang mga ito na napaikot ako ng mga mata sa tinuran nito.
"Masakit ba ma-reject, Smith?" tudyo ni Sir Luke dito.
"Tss. Magiging bayaw din kita, Payne. Mark my word."