Chapter 10

1548 Words
RUFFA: MAGKATABI kami ni Sir Luke dito sa backseat habang si Sir Daven ang nagmamaneho. Panay pa ang reklamo nito na ginawa daw namin siyang driver na tinatawanan ni Sir Luke. Para nga naman namin siyang driver dahil nandito kami sa backseat ni Sir Luke na masayang nagkukwentuhan. Paminsan-minsan ay sumisingit ito na binabara naming napapabusangot na pinagkakaisahan namin. "Anyway, Ruffa. It's my birthday this coming weekend. Pupunta ka naman 'di ba?" anito na ikinangiti ko. "Of course she's coming. . . with me," pagsingit ni Sir Daven sa usapan namin. "No need, Daven. Ipapasundo ko na lang si Ruffa." Sagot ni Sir Luke dito na napanguso. "Pupunta rin naman ako. We're going to the same place. Walang masama na isabay ko na siya," saad pa nito. "Uhm, sige po, Sir. Hwag niyo na akong alalahanin. Sasabay na lang po ako. . . kay Sir Daven," sagot ko nang hindi na sila magtalo. "Yes." "Are you sure?" panabay nilang saad na pinaningkitan pa ni Sir Luke si Sir Daven na napa-yes itong halatang natuwa na sumang-ayon ako sa kanya. Tumango ako na ngumiti dito. Napahinga naman ito ng malalim na inakbayan akong bumaling na sa harapan. Pinaningkitan pa nito si Sir Daven na pasipol-sipol habang nagmamaneho. "Magsumbong ka lang sa akin kapag may ginawa o sinabi siya sa'yong hindi maganda ha?" bulong pa nito na ikinahagikhik kong tumango na sumandal sa balikat nito. "Parang wala kang tiwala sa magiging bayaw mo, Payne." Pangisi-ngising tudyo nito na ikinaasim ng mukha ni Sir Luke. "Tigilan mo nga ako. Hindi ka naman gusto ng kapatid ko. Saka pwede ba? You're already forty-five, Smith. Dalawang dekada ang age gap niyo ng kapatid ko. Para ka na niyang ama, mahiya ka nga." Ingos ni Sir Luke na ikinasamid nitong sunod-sunod na napaubo. Napahagikhik naman ako na ikinatawa na rin ni Sir Luke. "So what? Bata pa naman ako tignan ah," apila pa nito. "At bata rin mag-isip," ingos kong ikinakurap-kurap nito. "Baka gusto mong. . . punlaan kita ng bata, hmm?" Nag-init ang mukha ko na inirapan itong napangisi. "Mag-drive ka na nga lang," ingos din ni Sir Luke dito na napanguso. Maya pa'y muli na naman itong nagsalita. "Ruffa, what do you think of me? 'Di ba, hindi naman ako mukhang forty-five?" anito na matamis na ngumiti sa akin. Napatitig ako dito. Tama naman siya. Hindi halata ang edad niya sa mukha niya. Pero dahil hindi naman kami bati, bakit ko siya pupurihin 'di ba? "Ahem! Matanda na po itsura niyo, Sir." Malutong na napahalakhak si Sir Luke habang ito naman ay nalukot ang mukha. "Tss. Ang bata ko nga tignan eh." Parinig nito. Pagdating namin ng mansion, inihatid pa ako ni Sir Luke ng silid namin ni Lola. "I'll call you, hmm?" anito na ikinatango ko. "Sige po, Sir. Salamat po sa paghatid. At mag-iingat po kayo," pamamaalam ko ditong hinaplos ako sa ulo na matamis na ngumiti. "Thanks, Ruffa. I'll go ahead." Tumango ako dito na tuluyan na ring umalis. Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na rin ako ng silid. Naabutan ko naman si Lola na nahihimbing na. Maingat bawat yabag ko na kumuha ng damit pantulog ko sa closet namin at pumasok ng banyo. Hindi pa kasi ako nakakaligo mula kaninang umaga. Nakakahiya nga kay Sir Luke dahil amoy pawis ako, habang siya ay bagong ligo at ang bango pa. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo. Tinuyo ko ng hair dryer ang buhok ko at naglagay ng moisturizer sa katawan bago lumapit sa kama. "Goodnight po, Lola." Bulong ko na hinagkan ito sa noo at umayos na nang higa sa tabi nito. Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay may kumatok sa may pinto. Naiinis akong bumangon na nagtungo doon at maingat na binuksan. "Celia?" aniko na mapagbuksan ang isang katulong na kasama ko. "Uhm, pasensiya ka na, Ruffa. Inutusan kasi ako ni Sir Daven na papuntahin ka sa silid niya. Linisan mo raw ang silid niya at magpapahinga na siya." Anito na ikinakamot ko sa ulo. "Ano ba 'yan? Matutulog na ang tao eh." Reklamo ko. "Pasensiya ka na ha? Ikaw ang inutusan eh. Ayoko namang sa akin magalit si Sir." Anito. "Okay lang. Kabisado ko naman ang isang 'yon." Sagot ko na lumabas na ng silid at maingat na isinarado ang pinto. "Kumusta ang paglilinis mo sa condo niya?" usisa nito habang naglalakad kami ng koridor. "Hayo'n, pinaglinis ako at ang nakakainis? May nadatnan akong babae doon. Walanghiya talaga ang Sir Daven na 'yon eh. Alam mo ba? Inutusan akong dalhan sila ng wine habang nagsi-s*x sila." Inis kong pagkukwento dito na natawa. "Nako, hindi na bago sa amin 'yan, Ruffa. Ilang beses na rin namin siyang nakita doon na may lantarang binabayong babae. Nakakaloka. Ang lantod ng lalakeng iyon. Pero nakakainggit din ang mga babaeng binabayo niya noh?" anito na ikinangiwi ko. "Seryoso ka? Ako kasi, kinikilabutan." Natawa ito sa naisagot ko. "Kahit naman arogante at magalitin si Sir Daven, hindi naman maipagkakaila na napakagwapo at hot niya. Ano ka ba?" natatawang saad nito na ikinailing ko. Pagdating namin sa sala, naghiwalay na kami nito. Umakyat na ako sa third floor kung saan ang silid ni Sir Daven. Kumatok ako ng pinto bago binuksan iyon. Nakita ko naman ito na nakahiga na sa kama. Pumasok ako na dumiretso ditong abala sa cellphone nito. "May ipapagawa ka pa ba? Inaantok na ako." Reklamo ko dito na napalingon sa akin. Napasuri pa ito sa kabuoan ko na napadila ng labing pinaningkitan ko. "Sit here." Utos nito. Naiinis akong naupo sa tabi nito at halos lumuwa ang mga mata na makitang. . .nanonood ito ng porn sa cellphone! "Ang manyak mo talaga!" asik ko dito na napahalakhak. "Lalake ako. Normal lang na manood kami ng gan'to," sagot nito na inirapan ko. Nanggigigil akong sabunutan ito kung hindi ko lang iniisip na amo ko siya. "Ano bang gagawin ko dito? Malinis at maayos naman ang silid mo ah." Pag-iiba ko. "Lay down." "Ano?" Ngumisi ito na napataas ng kilay. "Inaantok ka na 'di ba?" anito. Napalunok ako na tumango. "Opo." "Eh 'di matulog ka na." Akmang tatayo na ako nang hilahin naman ako nito sa kamay na muling ikinaupo ko sa tabi nito. Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi nito binibitawan ang kamay ko. "M-magpapahinga na ako, Sir." "Eh 'di matulog ka na." "Kaya nga po. Lalabas na ako." "Hindi. Dito ka matulog," maawtoridad na utos nitong ikinaawang ng labi kong napatitig dito.. "Ano?" "Bingi ka na ba?" Napakurap-kurap ako na ikinangisi nito. "Ayaw kong matulog dito. Mamaya manyakin mo pa ako." "Matutulog ka dito. . . o babalik tayo ng unit?" anito na bakas ang kaseryosohan. Napalunok ako na nag-iwas ng tingin ditong matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang pamulaan ng pisngi na naiilang. "Gusto mo ba. . . sa unit na lang tayo?" malanding anas nito na napakagat ng ibabang labi. "D-dito na lang po." Nakabusangot kong sagot na ikinalapad ng ngiti nito. "Good girl." Anito na iniunat pa ang braso at sinenyasan na akong mahiga. "S-sir ha? Binabalahan kita." Pagbabanta ko na nahiga na sa tabi nito. "Wala ka bang tiwala sa akin?" "Wala talaga." Natawa ito na ibinaba na ang cellphone nito sa bedside table at inayos ang kumot namin. Naiilang ako dahil ito ang unang beses na may makatabi akong lalake sa pagtulog. At itong hudyong 'to pa. Hindi naman ako makatanggi dahil tiyak na seseryosohin nitong bumalik kami sa condo niya. Sunod-sunod akong napalunok na maramdaman itong yumapos sa baywang ko na kinabig akong idiniin sa katawan nito. Bumilis ang pagtibok ng puso ko na hindi makakilos. Nakatalikod ako dito kaya damang-dama ko ang katigasan ng katawan nito lalo na ang sandata nitong nakalapat sa pang-upo ko! "K-kamay mo, Sir." Utal kong paninita na ikinahagikhik nito. "Why? Are you afraid, hmm? Ang tapang mo kanina 'di ba?" pabulong anas nito na ikinasinghap ko. "B-babalik na lang ako sa silid namin ni Lola." Akmang babangon ako nang yumapos ang braso nito sa baywang ko at mas kinabig ako padiin sa kanyang ikinasinghap ko! "S-sir." "Stay here. I just wanna cuddle with you all night long. Hindi ako sanay na walang babaeng kayakap matulog eh." Bulong nito na ikinapikit kong nagtitimping sabunutan ito. "Eh 'di tumawag ka ng babae mo," inis kong ingos na ikinahagikhik nito. "I've already called someone for me. And now she's here with me." Sagot nito na ikinaikot ng mga mata ko. "Tsk. Kung alam ko lang na dito mo ako patutulugin, hindi na ako umakyat." "I know, Ruffa. Kaya nga iba ang sinabi para mapaakyat kita dito." Pagmamalaki pa nito. Hindi na ako sumagot na napapikit na. Inaantok na rin ako at gustong magpahinga na. Mararamdaman ko naman kapag may ginawa ito sa akin. "Hey, tulog ka na?" bulong nito na hindi ko sinagot. Napaangat pa ito ng mukha na sinilip ako. "Ang babaeng 'to. Hindi niya ba talaga ako type? Ibang klase talaga," ingos nito na makitang nahihimbing na ako. "Goodnight, sleepyhead." Bulong nito. Lihim akong napangiti na humalik pa ito sa pisngi ko na ikinulong sa bisig nito. Nagsumiksik pa ito sa leeg ko na pumikit na rin. Kahit paano ay naging payapa din ang isip at puso ko na tuluyan na ring nagpatangay sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD