RUFFA:
NANGUNOTNOO ako na maramdamang may mabigat na bagay na nakasapo sa p********e ko. Unti-unti kong idinilat ang inaantok kong mga mata at bumungad ang unfamiliar na silid sa akin.
"Ha? Nasaan ako?" piping usal ko.
"Uhmm. . . don't move."
Namilog ang mga mata ko at tuluyang nagising ang inaantok kong diwa na may magsalitang baritonong boses na namamaos at inaantok pa sa likuran ko! Napababa ang paningin ko sa kaselanan ko at halos lumuwa ang mga mata ko na makitang nakapasok sa loob ng pajama ko ang kamay ni Sir Daven!
"Sir Daven!" impit kong tili na nag-iinit ang mukha.
Natawa naman ito na hinaplos pa ang p********e ko bago hinugot ang kamay! Nilingon ko ito na nanggigigil sinabunutang malutong na napahalakhak!
"Bwisit ka! Ang manyak mo talaga! Sabi mo cuddle lang!" sikmat ko na sinabunutan ito.
"Malay ko bang gumapang ang kamay ko habang tulog tayo. C'mon, Ruffa. Nilalamig yata 'yong kamay ko kaya nagsumiksik lang siya d'yan," katwiran nito na pinaniningkitan kong pangisi-ngisi pa.
"Hindi ka talaga mapagkaka tiwalaan!" asik ko na ikinahalakhak lang naman nito.
Nagdadabog akong bumangon ng kama. Naupo naman ito na nakapaskil pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi.
"Walang good morning kiss?"
"Tseh!"
Napahagikhik ito na inirapan ko at nagdadabog na lumabas ng silid nito. Sobrang init ng mukha ko na tiyak kong pulang-pula na ito. Nakakainis talaga ang Daven na 'yon. Kahit tulog ay manyakis pa rin.
Tumuloy ako sa silid namin ni Lola. Mabuti na lang at hindi pa gising ang mga kasama ko. Tiyak na magtataka ang mga ito na ang aga kong nanggaling sa silid ni Sir Daven. Kahit naman nagtabi kaming matulog ay wala namang namagitan sa amin. Bukod sa hinawakan niya ang p********e ko.
Napabuga ako ng hangin na maalala na naman na nahawakan na niya ang p********e ko. Sinadya pang haplusin kanina. Nakakainis ang lalakeng iyon. Kung hindi lang nakakahiya kay Sir Luke, isusumbong ko siya.
Akmang papasok na ako ng silid nang mapalingon si Lola sa akin na bagong gising.
"Oh, apo. Ngayon ka lang?" tanong nito na dahan-dahang naupo.
Lumapit na ako na pilit ngumiti dito. "Hindi po, La. Kagabi pa po." Sagot ko.
Nagmano ako dito na napangiti. "Magandang umaga po, La."
Napangiti naman ito na hinaplos ako sa ulo. "Magandang umaga din sa'yo, apo. Ang aga mo namang bumangon." Anito.
"Uhm, may kinuha lang po sa dining room, La." Kaila ko na ikinatango naman nitong tila naniwala sa alibi ko.
"Teka, apo. Anong nangyari sa leeg mo?" tanong nito na ikinatigil ko.
"Leeg ko po?" nagtataka kong tanong na napahaplos sa leeg ko.
"Oo, lumapit ka nga, apo. Namumula kasi. Hindi ba makati 'yan?" saad pa nito na isinuot ang round reading glasses nito.
Nag-init ang mukha ko na kabadong naupo sa gilid ng kama na hinayaan itong tinignan ang leeg ko.
"Aba teka--may ilan pa dito." Anito na napahaplos sa panga ko.
Napalapat ako ng labi na nangunotnoo itong sinuri ang leeg ko na napapilig pa ng ulo.
"Saan ka ba kasi naggagawi? Ang daming namumula sa leeg at panga mo. Teka, lagyan na lang natin ng katinko para maibsan ang kati," wika nito na dinampot ang katinko nito na pinahiran ang leeg at panga ko.
"Saan mo ba kasi nakuha 'yan?" tanong nitong muli pagkatapos malagyan ng katinko ang leeg ko.
"H-hindi ko po alam, La. Natulog lang naman po ako." Sagot ko na pilit pina-normal ang boses.
Napahinga ito ng malalim na mukhang naniwala naman.
"Hwag mo na munang hugasan. Mamaya ka na maligo. Sa labas ka naman nakatoka ng paglilinis eh." Anito.
Inalalayan ko ito na tumayo na. "Dito ka na muna. Wala ka pa namang gagawin sa labas."
"Opo, La."
Nagtungo ito sa banyo. Napanguso naman akong lumapit sa dresser mirror namin dito sa silid na sinuri ang leeg ko. Marami nga akong marka sa leeg at panga.
"Oh my God!" bulalas ko na natutop ang bibig at namimilog ang mga mata!
Bumilis ang kabog ng dibdib ko na mas inilapit ang sarili sa salamin na napatitig sa mga pulang marka sa leeg at panga ko.
"Gosh! Daven naman!" impit kong tili na napapadyak ng paa na makumpirmang. . . nilagyan niya ako ng kissmark!
Napakarami pa naman na sobrang pulang-pula! Ang manyakis talaga ng lalakeng iyon! Nakakagigil. Siya lang naman ang pwedeng gumawa nito eh. At tiyak akong ginawa niya iyon nang tulog na ako.
Nag-iinit ang mukha ko sa kaisipang nakita ito ni Lola. Mabuti na lang at walang alam ang Lola sa mga gan'tong bagay.
Nang maramdaman kong tapos na si Lola maligo ay mabilis akong bumalik sa kama na nahiga at kunwari'y natutulog. Lumabas ito ng banyo na inasikaso ang sarili. Lumapit pa ito sa akin na inayos ang kumot ko bago lumabas ng silid naming ikinahinga ko ng maluwag.
TAHIMIK akong naglilinis dito sa may garden kasama ang ilang kasamahan kong katulong nang nagsituwid ng tayo ang mga kasama ko.
"Good morning, Sir Daven!" panabay na pagbati ng mga ito na ikinamilog ng mga mata kong nilingon ang parating!
Napalunok ako na mapatitig ditong bagong ligo na at nakapang-formal. Nakasuot ito ng white long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Naka-tuck-in ito na pinaresan ng black slack pants ang suot at black leather shoes na kay kintab. Napakagwapo at kisig nito ngayong tignan lalo na't bagong ahit din ang balbas nito.
Pinaningkitan ko ito na maalala ang mga kissmark kong nilagay nito. Hirap na hirap pa akong binura ang mga iyon kanina.
"Ruffa, you're coming with me." Anito na pangisi-ngisi.
"Saan po, Sir?" tanong ko na pilit umaktong normal at nakatingin ang mga kasama ko.
"Office."
"Po? Anong gagawin ko po sa opisina niyo, Sir?" reklamo ko na napabusangot.
Nagpamewang naman ito sa harapan ko na inirapan ko at pangisi-ngisi pa rin.
"Linisan mo ang opisina ko."
"Sir naman. Wala ka bang ibang mautusan?" apila ko.
"Ikaw ang gusto kong maglinis no'n. May reklamo ka?"
"Bwisit ka."
"Aba't --"
Inirapan ko ito na dinaanan. Kita namang namamangha ang mga kasama ko na namura ko ang boss naming kinakatakutan ng mga ito. Sumunod naman ito sa akin na nagdadabog lumabas ng garden.
"Are you mad?" tanong nito na malalaki ang hakbang na hinahabol ako.
Hindi ko ito sinagot. Nagpunta kami sa garahe na pinagbuksan pa ako ng pinto sa sportcar nito.
"Hop in, my baby." Kindat nito na inirapan ko.
"Tseh."
Napahagikhik ito na pabalang akong naupo. Marahan nitong isinarado ang pinto na umikot sa harapan at naupo sa driver side katabi ko.
"A-anong ginagawa mo?" utal kong tanong na inabot ako nito at halos maghalikan na kaming dalawa!
Napalunok ako na dama ang pagbilis ng t***k ng puso ko na mapatitig sa mga mata nito ng malapitan. Maya pa'y may nag-click na ikinababa ko ng tingin doon at kinabitan niya pala ako ng seatbelt.
"Can I kiss you, baby?" pabulong tanong nito na ikinanigas ko sa kinauupuan na maramdaman na ang mga labi nito sa labi ko!
"S-sir," impit kong tili sa isipan na hindi makakilos!
Kahit sinisigaw ng isipan ko na itulak ko ito ay hindi ko magawa. Napahaplos ito sa pisngi ko na mas pinalalim ang panghahalik sa mga labi kong salitan nitong sinisipsip.
Unti-unting namigat ang talukap ng mga mata ko na napapikit at ninanamnam ang lambot ng mga labi niyang masuyong hinahalikan ako.
"Kiss me back, baby." Anas nito na patuloy sa pang-aangkin sa mga labi ko.
"H-hindi po ako marunong," mahinang sagot ko.
Saglit nitong binitawan ang mga labi ko na napatitig sa mga mata ko. Para naman akong malulusaw na mapatitig sa mga mata niyang mapupungay at nagniningning na matiim na nakatitig sa akin.
"I know," pabulong anas nito na napangiti. "Just follow what I'm doing, okay?"
Para akong nahihipnotismong napasunod dito na muling inabot ang mga labi ko at masuyong inangkin ang mga iyon. Napapikit ako na inaaral ang ginagawa nitong marahang pagsipsip ng salitan.
Napaawang ako ng labi na nahihiyang sinubukang sipsipin ang ibabang labi nitong natigilan.
"Gan'to po ba?" pabulong tanong ko na napatitig ditong nakapikit na may ngiti sa mga labi.
"Yeah. Damn. I'm getting addicted to your lips, baby." Malambing sagot nito na muling inangkin ang mga labi kong ikinangiti kong sinabayan ito.
Ilang minuto kaming masuyong naghalikan bago bumitaw sa isa't-isa na may ngiti sa mga labi.
"Tayo na?" malambing tanong nito na ikinalapat ko ng labing marahang tumango.
Para akong malulusaw sa titig nitong napakatiim na may ngiti sa mga labi.
"Say it, baby."
"Opo, tayo na po." Sagot ko.
"Good girl. Akin ka na, Ruffa." Anito na ikinamilog ng mga mata ko!
"Teka-- ang akala ko po ay tayo na. Aalis na tayo," bulalas ko ditong napangisi at taas ng kilay.
"That's not what I meant." Kindat nito na nag drive na.
"Hindi 'yon ang naintindihan ko!" apila ko dito na napahagikhik.
"Yon ang sinabi ko. And you say yes, baby. We're official now. I'm your boyfriend now." Saad pa nito na ikinatampal ko sa noo.
"Hindi kasi 'yon ang naunawaan ko! Nakakainis naman ito!" reklamo ko na napapadyak ng mga paa.
Natawa naman ito na sa daan nakatuon ang paningin.
"Wala ng bawian, Ruffa. Sinagot mo na ako at hindi na ako--" anito na nilingon ako na matamis na ngumiti. "Hinding-hindi ako makikipag hiwalay sa'yo."
Pinaningkitan ko itong napakindat pa na napasipol at pasimpleng kinuha ang kamay ko na pinagsalinop ang mga daliri namin.
"You are mine, Ruffa. Tignan ko lang kung hindi umusok ang butas ng ilong ni Payne." Natatawang saad pa nito na hinahalik-halikan ang palad kong hawak-hawak nito.
Inirapan ko ito na napakindat pa. "Pero. . . sabi mo gusto mo 'yong kapatid ni Sir Luke."
"Yup. Gustong-gusto ko nga ang kapatid niya."
"Tsk. Break na tayo."
"What?"