Chapter 12

1529 Words
RUFFA: NAKASIMANGOT akong nakasunod dito na inakay akong sumakay ng elevator. Mabuti na lang at may VIP elevator ito sa kumpanya nito na diretso sa opisina nito. Siya at pamilya Lang nito ang may access na gumamit ng elevator na ito kaya naman wala kaming ibang kasabayan. Naiilang ako dahil naka-uniform pa ako ng maids uniform. Halatang isa akong katulong sa suot ko habang ito ay naka-formal. "Are you okay, baby?" tanong nito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ko. "Okay lang po." "Stop that." "Ang alin po?" Naguguluhan akong napatingala dito na salubong ang mga kilay. "Hwag ka ng mag po sa akin. I'm your boyfriend now, remember?" saad nito na ikinangiwi ko. "You're not my boyfriend, Sir. Masyado ka ng matanda para sa akin. Baka mapagkamalhan pa tayong. . . mag-ama." Sagot ko na ikinaubo nito. "It's okay with me, baby. You're my baby. . . and I'm your Daddy. I'm willing to become your sugar Daddy, my baby." Kindat nito na ikinaikot ng mga mata ko. "Magtigil ka nga. Ang babaero mo talaga," ingos ko. Umakbay naman ito na inakay na ako palabas ng elevator. Bumungad sa amin ang malinis, malaki at maayos na opisina nito na parang studio type na. Kumpleto siya sa gamit dito. Nasa tapat ng glass wall ang office table nito kung saan tanaw ang syudad sa labas. May kitchen ito, sala at silid na rin. "Malinis naman dito. Bakit mo pa ako isinama?" aniko na mapansing malinis at maayos naman ang mga gamit. "Because I want to," sagot nito. Nagtungo ako sa harapan ng glass wall habang ito naman ay naupo na sa kanyang swivel chair. Napangiti ako na pinagmamasdan dito sa kinatatayuan ang syudad. Sa taas ng kinaroroonan namin ay tanaw ang syudad na tiyak na mas maganda sa pagsapit ng gabi. "Baby, have you eaten your breakfast?" tanong nito na ikinalingon ko dito. "Opo, Sir." Nakamata naman ito sa laptop nito na may tinitipa. Nakasuot din ito ng reading glasses na lalo nitong ikinagwapo. "I'm not eaten yet, baby. Gutom na ako," malungkot nitong saad na ikinalapit ko dito. "Bakit kasi hindi ka kumain sa mansion?" pagalit ko na ikinanguso nito. "Can you order? Sabay tayong kumain," paglalambing pa nito. Lihim akong napangiti na kahit masungit at babaero ito ay may clingy at sweet side din pala itong taglay. "Magluluto na lang ako. May grocery stocks ka ba dito?" sagot ko na ikinalingon nito sa aking lumapad ang ngiti. "Really? You're going to cook for me?" pagpapabebe nito na nagniningning ang mga mata. "Oo naman. Boss pa rin kita." Sagot ko. "When we're in private? You are the boss, baby. Not me." Saad nito na napakindat pang ikinaiwas ko ng tingin. Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti. "Sige, magluluto na muna ako." Pag-iwas ko dito. "Need help?" "Hwag na. Mabilis lang naman ako magluto," sagot ko na ikinatango nito. "Thank you for taking good care of me, my baby." Paglalambing pa nitong ikinailing kong hindi na napigilang mapangiti. Tinalikuran ko na itong nangingiti na matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy masalubong ang mga mata nito. Nakakapanghina pa naman ang uri ng tinging ginagawad nito sa akin na para niya akong hinuhubaran sa isipan niya. Humalungkat ako sa fridge nito at napangiti na kumpleto naman ito ng stocks. Kumuha ako ng mga madaling maluto para sa agahan nito. Bacon, itlog at hotdog. Nagsaing na rin ako ng kanin habang nag-fry sa ulam nito. Naiiling na lamang ako habang nagluluto na nahuhuli ko itong panaka-naka akong sinusulyapan dito sa kusina. "Baby, coffee please?" paglalambing pa nito. Hindi na ako sumagot na iginawan na lang ito ng kape at sandwich para may laman ang tyan nito. Hininaan ko rin ang apoy ng niluluto ko bago dinala ang kape at sandwich nito sa kanyang table. Napangiti pa ito na masulyapan ang inilapag ko sa mesa nito. "Thanks, my baby. Wala bang kiss?" ungot nito na pinatulis ang nguso. Natawa akong napisil ang matangos nitong ilong. "Magtigil ka nga. Magkape ka na lang," sagot ko na ikinanguso nitong parang batang nagtatampo. Naiiling akong mabilis na yumuko at hinagkan ito sa pisngi na nanigas sa kinauupuan. Napangiti ako na makitang pinamulaan ito ng pisngi na napalunok. "Magkape ka na. Lumamig na 'yan. . . Daddy." Napahagikhik ako na lalong namula ang mukha nito na halatadong kinilig sa itinawag ko dito. Tinalikuran ko na ito na binalikan ang niluluto ko. Napasinghap ako na bigla na lamang may brasong pumulupot sa baywang ko na kinabig akong mahigpit na niyakap! Napalunok ako na makadama ng kakaibang boltahe ng kuryente sa paglapat ng katawan nito sa katawan ko. "Damn, baby. You're a death of me," nahihirapang anas nito na nagsumiksik sa leeg ko. "S-sir." "Stop calling me Sir, baby. Just call me by my name or better. . . call me Daddy again," pabulong saad nito na nagsimulang halikan ako sa leeg. "S-sandali, nagluluto ako." Utal kong pagpigil dito na nagsimula na siyang haplusin ako sa tyan. "That can wait, baby." Anas nito na pinihit ako paharap dito. Nag-iinit ang mukha ko na mapatitig ditong mapupungay na ang mga mata at namumula ang pisngi. He gently caressed my cheeks while staring at me. Para akong malulusaw sa puso ko na hindi maalis ang pagkakatitig sa mga mata nitong tila hinihipnotismo ako. Kusang umangat ang kamay ko na napahaplos sa pisngi nitong napapikit na napangiti. Tila dinadama nito ang init at lambot ng kamay kong nakasapo sa pisngi ko. Hindi ko rin maiintindihan ang sarili ko. Pero ngayong nakatitig ako sa kanya ng gan'to kalapit, dama kong sobrang panatag ng loob ko at ang sarap sa pusong hinahaplos ko siya sa mukha. Hindi na kasi nakakatakot ang mga mata nito ngayon. Hindi katulad dati na napaka misteryoso niyang tumitig na hindi mo mabakasan ng emosyon sa mga mata. Ngayon ay para na siyang maamong tupa na naglalambing sa akin. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na magiging gan'to kami kalapit ni Sir Daven. Unti-unti ay nalilihis ang inis, pagdududa at galit ko dito na siya ang pumaslang sa mga magulang ko. Ngayong napapalapit ako sa kanya at unti-unti na siyang nakikilala, pakiramdam ko ay unti-unti na rin siyang nakakapasok sa puso ko kahit anong tanggi ko. Alam ko sa sarili ko na nakapasok na siya dito sa puso kahit dayahin ko ang sarili. Akala ko ay masama siyang tao. Na mahirap siyang pakisamahan. Na nakakatakot mapalapit sa kanya. Dahil iyon ang nakikita ng lahat sa kanya. Maging ako. Pero ngayon habang mas nakikilala ko ang totoong Daven Smith, masasabi kong. . . hindi pala siya mahirap mahalin. Totoo man o pambobola lang itong mga paglalambing niya sa akin, dito sa puso ko ay dama kong totoo ito. Sapat na para tuluyan akong. . . magtiwala dito. "D-Daven," sambit ko na dahan-dahang ikinadilat ng mga mata nitong mapupungay. Para akong manlalambot sa mga tuhod ko habang nakatitig dito na matiim ding nakatitig sa akin. Ibang-iba ang kinang ng mga mata nito ngayon. Maging ang ngiti nito ay kita mong totoo at hindi pinipeke. Napakaaliwalas din ng gwapong mukha nito na halatang inspired at masaya. "I like you, Ruffa. I really do," pagtatapat nito na ikinalamlam ng mga mata ko. Napangiti itong marahang hinahaplos ako sa pisngi na dahan-dahang yumuko hanggang magpantay kami ng mukha. "Ikaw, do you like me too?" pabulong tanong nito. Nag-iinit ang mukha ko na hindi malaman ang maisasagot. "They're said. . . silence mean yes." Anas nito na marahang napapisil sa baba ko. "D-Daven," mahinang sambit ko na yumuko pa ito at halos maghalikan na kami. "I want to kiss you, baby. Stop me if you don't like me. But if you let me kiss you and kiss me back? That mean. . . we're official now, hmm?" pabulong anas nito na ikinabilis ng t***k ng puso ko! Para akong maiihi sa magkahalong kaba, saya at kilig na dahan-dahan pa nitong inilapit ang mukha habang nakamata sa mga labi ko. Napapikit ako na tuluyang maramdaman ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa labi ko. Napakabanayad ng halik nito na puno ng pag-iingat. Para namang may sariling pag-iisip ang kamay ko na dahan-dahang napayapos sa batok nito at tuluyang. . . tinugon ito. Napapisil pa ito sa baywang ko na natigilan na tinugon ko ito. Pero kalauna'y tinugon din ako na mas pinalalim ang halikan namin. Tuluyan akong nanlambot na ikinayakap nito sa baywang ko. Naramdaman ko naman ang pagkarga nito sa akin na pinaupo ako sa gilid ng mesa. Napabuka ako ng mga hita nang pumwesto ito sa gitna na pinayapos ang hita ko sa baywang nito habang papalalim ang aming halikan! Hindi ko na rin mapigilang makadama ng kakaibang init at pananabik sa katawan ko. Ni hindi ako makatanggi sa ginagawa nitong paghaplos sa hita kong nakalantad na nalihis ang skirt ko. "Uhmm. . . D-Daven." Ungol ko na ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig ko at nakipaglingkisan sa dila ko! Natawa naman ito na nanigas ako at hindi masabayan ang ginagawa nitong paglingkis sa dila kong naninigas! "Damn, baby. You're driving me crazy." Anas nito na pinaghahalikan ako sa buong mukha. "I love you, Ruffa. You are mine now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD