RUFFA:
LIHIM akong napangiti na nagpadala pa si Sir Daven ng damit ko dito sa opisina niya na dinala ng isang bodyguard niya. Kahit paano ay naging komportable ako na formal ang suot ko katulad nito. May meeting kasi itong dadaluhan mamaya sa conference room ng kumpanya kaya umungot ako na magpakuha ng damit ko sa mansion.
'Yon nga lang at nagpabili ito sa isang kilalang shop ng damit na maisusuot ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi bagay ang suot kong baby pink elegant silky sleeveless dress. Wala kasi akong make-up. 'Yong buhok ko nga ay nakalugay lang. Natural black at unat naman siya pero dahil nandito kami sa kumpanya, hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili sa ibang babae dito na mga nakaayos mula ulo hanggang paa.
Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin dito sa banyo. Kung pagandahan lang, may ibubuga naman ako. Natural na itim at may kakapalan ang kilay at pilikmata ko. May korte naman ang kilay ko kaya kahit hindi ito ayusan ay maganda na. Matangos din naman ang ilong ko at makinis ang balat. Natural ding mapula ang mga labi ko kahit wala akong ipahid na lipgloss o liptint. Bumagay din sa akin ang buhok kong mahaba na nilugay ko. 'Yon nga lang ay kita sa mukha ko na wala akong maski anong makeup.
"Baby? What took you so long? Are you okay?"
Napalingon ako sa may pinto na kumatok doon si Sir Daven. Mabilis akong naghugas ng kamay bago pinagbuksan itong napasuri pa sa kabuoan ko.
"Are you okay? May masakit ba sa'yo, baby?" nag-aalalang tanong nito na ikinangiti ko.
"I'm okay. Parang hindi bagay ang damit sa akin," sagot ko.
Napanguso naman ito na napasuri sa kabuoan ko.
"Yeah. Hindi nga bagay."
Napangiwi ako na ikinangiti nitong napisil ako sa pisngi at bahagyang yumuko.
"Kasi bagay na bagay sa'yo, baby." Pambobola nito na ikinalapat ko ng labing nag-iinit ang mukha.
"Yong totoo kasi." Nakanguso kong sagot na ikinangiti nito.
"I'm telling the truth, baby. You are beautiful. So beautiful." Sagot naman nito na hinaplos ako sa ulo.
Napatitig ako sa mga mata nitong nagniningning na matiim na nakatitig sa akin. Kita namang hindi ito nagsisinungaling.
"Totoo ba 'yan?" pagpapabebe kong ikinangiti nito.
"You can see it in my eyes, baby."
Nag-init ang mukha ko na nag-iwas ng tingin ditong napapisil sa baba ko na pinagsalubong ang mga mata namin.
"You are the most beautiful girl I've ever see, Ruffa. And I want to see this girl every single day. I want to take good care of this girl standing in front me. I want to make her the happiest woman in this world. And I want this little girl to become my woman I love the most, until my last breath end." Saad nito na bakas ang sensiridad at kaseryosohan sa kanyang mga mata.
"Hindi kaya magsawa ka agad sa akin?"
Umiling ito na kinintilan ako ng magaang halik sa noo.
"That won't happen, baby."
"Promise?"
"Yeah. I promise."
Napangiti ako na dahan-dahang napapikit nang yumuko ito at tuluyang inabot ang mga labi ko.
KABADO akong nakasunod dito na nagtungo sa conference room. Hawak nito ang kamay ko kaya pinagtitinginan kami ng mga empleyado nitong nadaraanan namin. Para itong hari na naglalakad. Binabati at napapayuko naman sa amin ang mga empleyado nito pero ni ngitian o tanguhan nito ang mga iyon ay hindi niya ginagawa. Dama kong nakasunod ng tingin ang lahat sa amin na nagbubulungan.
Pagpasok namin ng conference room ay nandidito na ang lahat ng shareholders members ng kumpanya. Sabay-sabay pang tumayo ang mga ito na yumuko at bumati sa pagdating ng boss nila. Sinenyasan lang naman ito ni Sir Daven na maupo kaya nagsiupo rin ang mga ito.
"Are you comfortable, baby?" bulong nito.
"Sa labas na lang ako, Sir."
"Ayoko. Dito ka lang sa tabi ko." Sagot nito na naupo na sa swivel chair nito dito sa harapan.
Kaagad namang naglagay ng extra chair para sa akin ang assistant nito. Nahihiya ako sa mga kaharap namin lalo na't napapasulyap sila sa akin na bakas ang katanungan sa mga mata nila.
"Everyone, I want to introduce to all of you this girl sitting next to me. . . is my soon to be wife. Her name is Ruffa. Treat and respect her as how you treat and respect me. Is that clear?" anito na ikinatango ng mga kaharap namin.
Tumayo pa ang mga ito na ngumiti sa akin at sabay-sabay na bumati na yumuko sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung paano ngingiti sa mga ito.
"Okay. That's it. Back to work," saad nito matapos akong batiin ng kanyang mga empleyado.
Nagsimula na ring buklatin ng mga kaharap namin ang mga files na nasa harapan nila. Pa-oblong ang mesa dito sa conference room at kami ni Sir Daven ang nandidito sa harapan kung saan kaharap namin ang lahat.
"Breath, baby. Walang mangangahas dakmain ka dito," bulong nito na mapansing tahimik lang ako.
"Naiilang kasi ako. Paano kung malaman nilang katulong lang ako? Pagtatawanan ka nila at sasabihing hindi ka manlang pumili ng high class na babae." Pabulong sagot ko dito.
"I don't care what they'll think about me, baby. Their opinion is not important to me, to us, okay?" sagot nito na matiim na nakatitig sa mga mata ko.
Pilit akong ngumiti na tumango na lamang kaysa makipag debatehan dito. Nasa harapan kami ng mga empleyado nito at ayokong ako pa ang maging sanhi ng pagbaba ng respeto ng mga empleyado niya sa kanya. Kita ko namang takot ang lahat sa kanya. Ni hindi nila matagalang makipagtitigan dito ng mata sa mata.
TAHIMIK ako sa tabi nito habang nagmi-meeting sila. Panay ang tanong nito sa akin kung okay lang ba ako. Hindi rin nito binibitawan ang kamay kong hawak-hawak nito. Marahan nitong pinipisil-pisil iyon na ikinakapanatag ng loob ko.
Halos isang oras sila sa meeting bago natapos. Magtatanghalian na rin nang lumabas na kami sa conference room.
"Do you want to eat outside? Or dito na lang sa office, baby?" pabulong tanong nito habang naglalakad kami pabalik ng opisina niya.
"Dito na lang sa opisina mo. Naiilang ako na pinagtitinginan tayo eh." Sagot ko.
Totoo namang naiilang ako. Kahit kita kong natatakot ang mga empleyado nito kay Sir Daven, may mangilan-ngilan pa rin sa kanila na minamata ako. Dama ko sa tingin pa lang na ginagawad nila sa akin ay minamaliit nila ako. Paano na lang kaya kapag nalaman nilang isa akong katulong? Tiyak na mas lalo nila akong mamatain at pagtatawanan. Hindi lang ako kundi maging si Sir Daven. Lalo na't maraming babae ang naghahabol sa kanya na mga kilala pa.
Pagpasok namin ng opisina nito, tumuloy ito sa office table nito na hindi binibitawan ang kamay kong hawak nito. Napanguso ito na inakay akong maupo sa lap nito.
"Kinakahiya mo ba ako kasi para akong ama mo sa layo ng age gap natin?" nagtatampong tanong nito na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
"H-hindi iyon. Ano ka ba?" sagot ko na napahaplos sa pisngi nito. "Hindi kita kinakahiya. Ang totoo. . . nanliliit kasi ako sa sarili ko. Kasi sino ba naman ako para sa'yo, 'di ba?"
Napahinga ito ng malalim na hinawakan ang kamay kong nakasapo sa pisngi nito at hinagkan ang palad ko.
"Don't feel that way, baby. I like you just the way you are. Hwag mong minamaliit ang sarili mo. Kasi. . . ikaw ang nag-iisang nakasungkit sa puso ng isang Daven Smith." Anito na bakas ang kaseryosohan sa tono at mga mata nito.
Napangiti ako na hindi mapigilang pamulaan ng pisngi sa sinaad nito. Lalo na't matiim itong nakatitig sa mga mata ko na tila inaakit na naman niya ako.
"Bakit kasi ako?" mahinang tanong ko.
"Bakit naman hindi ikaw?" balik tanong naman nito.
"Kasi--uhm. Hindi ako nababagay sa'yo."
"Bakit naman hindi ka bagay sa akin? Kung ikaw naman ang babaeng napupusuan ko," sagot nito na ikinalunok ko.
Hindi ko maitago ang kilig na nadarama sa mga sandaling ito. At alam kong nababasa niya iyon sa mga mata ko.
"Ang dami d'yang iba na mas nababagay sa'yo," saad ko.
Napahinga ito ng malalim na hinaplos ako sa pisngi. Matiim na tinitigan sa aking mga mata na bakas ang kaseryosohan.
"I don't care about them, baby. Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Gusto mo naman ako 'di ba?" wika nito na ikinalunok kong marahang tumango.
Napangiti ito na mas nagningning pa ang mga mata nitong nakatutok sa akin.
"And I like you too. So, what's the problem, my baby?"
Hindi ako nakaimik sa sinaad nito. Niyakap naman ako nito na hinagod-hagod ako sa likuran.
"What's going on here?"
Napababa ako sa pagkakaupo sa lap nito na marinig ang pamilyar na baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko! Napataas kilay naman si Sir Daven na nanatiling nakaupo sa swivel chair nito na may ngising naglalaro sa mga labi.
Bumilis ang t***k ng puso ko na nakamata kay Sir Luke na nakakunot ang noo na lumapit dito sa gawi namin ni Sir Daven. Hindi kasi namin namalayan ang pagdating nito. Kaya naman nahuli niya kaming magkayakap ni Sir Daven habang kalong pa ako nito sa lap nito.
"Para kang kabute ah. Bigla ka na lang sumusulpot. Don't you know how to knock first before entering?" ani Sir Daven dito na pinaniningkitan siya ni Sir Luke.
"Maybe because I need to protect someone from you." Sagot nito na bumaling sa akin. "Are you okay, Ruffa? Bakit nandito ka sa opisina niya? Hanggang dito ba naman inaalipin ka ng isang ito," anito sa akin.
"H-hindi naman po sa gano'n, Sir." Sagot ko na pilit ngumiti dito. "Okay lang po ako."
"Are you sure?" paninigurong tanong nito na ikinatango ko.
"Bakit parang nagdududa ka, Payne?" tudyo ni Sir Daven dito na napangisi sa kaibigan.
"Ikaw ba naman ang kasama niya, Smith."
Natawa si Sir Daven na napakamot sa kilay. "Wala ka yatang tiwala sa bestfriend mo?"
"Wala talaga. Bestfriend ko eh. Kilalang-kilala ko ang likaw ng bituka," sagot ni Sir Luke dito na natawang napailing.
"Magiging brother in law mo ako pero ganyan ka pa rin sa akin," makahulugang saad ni Sir Daven dito na unti-unting napalis ang ngisi.
"In your dreams, ashole. Ni hindi ka nga matipuhan ng kapatid ko eh." Ingos ni Sir Luke dito na natawa.
"You're not sure about that, dude. Gusto ako ng kapatid mo. Soon. . . magugulat ka na lang. Magkakaroon ka na ng pamangkin sa amin," nang-aasar na sagot ni Sir Daven dito na umasim ang mukha.
Nag-init ang mukha ko na nag-iwas ng tingin sa mga ito na sabay pang bumaling sa akin. Para akong kinukurot sa puso na marinig na naman ang katagang iyon mula kay Sir Daven. Na magiging brother in law na niya si Sir Luke. Ibig bang sabihin. . . laro lang ang sa kanya ang relasyong meron kami?